Pinag-isipan ko ang sinabi ni Trent, ang offer niya sa akin. I was in the middle of confusion and surprise. Hindi lang ako makapaniwala na gagawin niya iyon para sa akin. Is it part of his courting?
Napangiti ako habang nakatitig sa kisame nang sumagi iyon sa isipan ko.
Ilang linggo na lang ay malapit na ang pasko kaya gusto kong malaman kung maayos ba si Dad, at kung makakasama ko ba siya sa darating na Christmas at New Year's Eve. Hanggang ngayon din ay wala pa akong balita kay Stepmom at dalawa kong step sister. Hindi masiyadong sumasagi sa isip ko na hanapin sila, pero minsan ay naiisip ko rin na what if kasama nila si Dad. Parang nababalot ng selos ang katawan ko kapag naiisip ko iyon.
I miss my dad... so much.
Suminghap ako para pigilan ang sariling mapaluha. Naramdaman kong kumirot ang dibdib ko kaya agad kong ibinaling sa ibang bagay ang utak ko.
"Okay ka lang?" Sumulpot si Trent sa tabi ko na may dalang frappe. "Kanina pa kita tinitingnan mula roon sa counter, parang ang lalim ng iniisip mo. Parang paiyak ka na rin kanina." Tiningnan ko siya na may bahid ng gulat sa aking mukha. Tinaasan niya naman ako ng isang kilay.
Umiwas ako at umiling. "It was about dad."
Sumipsip ako sa frappe na nasa harapan ko pagkatapos sabihin iyon. Weekend ngayon at inaya ako ni Trent na lumabas. Pumayag ako kasi balak ko ring bumili ng regalo para kay Asha. Malapit na kasi ang birthday niya. Wala siyang balak na mag-celebrate dahil hindi naman daw kailangan at may pasok din iyon, pero may plano na party sina Maya at Russel para sa kanya kaya nakisali na rin kami. Hindi iyon alam ni Asha. It was a surprise, so she must not know about it.
"Pinag-isipan mo na ba ang sinabi ko sa 'yo?" Nakuha uli ni Trent ang atensyon ko nang tanungin iyon. "Seryoso ako ro'n. I am only waiting for your signal."
Matagal ko siyang tinitigan bago ako nagsalita. "Hindi ba... makakaabala sa 'yo?"
Mabilis siyang umiling. "No. Definitely, no. Huwag kang mag-alala. I insist, kaya ako ang bahala sa 'yo."
Umiwas ako at tumingin na lang sa frappe na nasa harapan ko. Kunwaring hinalo ko iyon gamit ang straw. "Hindi ko pa rin alam kung ano ang desisyon ko about that."
May kakaibang kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang hawakan niya ang kamay ko at tingnan ako sa mga mata. "You need to relax, Riley. Masyado kang pressured at worried. Naniniwala ako na okay lang ang dad mo." Pagpapagaan niya sa loob ko at binigyan pa ako ng ngiti.
When Asha's birthday came, we gathered on Kuya Henry's condo unit. Pumayag siya na rito gawin ang surprise namin kay Asha. Magde-design lang kami ng balloons at 'happy birthday' banner para ma-feel talaga na birthday niya.
Magkakasama kami nila Maya, Russel, Trent at Markus dito sa living area, kami ang nagde-design. Sila Zierah, Fred, at Red naman ay naroon sa kusina para magluto ng kaunting handa. Ang iba ay bibilhin lang sa labas, gaya ng: donuts, pizza, at drinks.
Walang pasok ngayon kaya nagkaroon kami ng time para gawin ito. Pero kahit naman siguro may pasok ay gagawin pa rin namin ito. Maybe after school.
"Delivery!"
Napatingin kaming lahat doon sa may hallway kung saan ang door. It was Kuya Henry, holding the donut, pizza, and drinks. Siya siguro ang inutusan ni Zierah para bilhin iyon.
"Oh, hindi pa rin kayo tapos diyan? Natapos na ang klase ko, nakabili na rin ako ng pinabili ni Zierah, ganyan pa rin itsura niyo riyan. Bagal niyo naman!" He joked.
Binato ni Maya ang marker sa direksyon niya. "Ang demanding mo naman, kuya! Eh di, tulungan mo kami."
"Ayos, ah! Ako na nga bumili nito," he stopped to held the plastic bags he is carrying. "Tutulong pa ako sa inyo." He pointed at our direction.
BINABASA MO ANG
Sea of Lights (Rich Daughters Series #4)
RomanceRich Daughters Series #4 Alegre is a family of Architecture. But, Riley chose to take a different path and pursue her dream of becoming a Fashion Designer. She is pure and kind that everyone likes to be her friend, including Trent, a Film Student.