11

12 1 0
                                    

Hinahaplos ni Trent ang likod ko habang tuloy-tuloy pa rin ang pag-ubo ko. He gave me a bottle water earlier pero hindi ko iyon mainom nang maayos dahil inuubo pa rin ako. Ang sakit na ng lalamunan ko pero ayaw pa rin tumigil sa pag-ubo.

"Fuck you ka talaga, Rus." Mariin na sabi ni Trent. Bakas sa boses niya ang galit.

Si Russel naman ay tumatawa lang. Sila Maya ay lumapit na rin kanina at tinanong kung anong nangyari pero hindi nila sinabi. Mabuti na rin iyon para hindi madagdagan ang hiya na nararamdaman ko.

"Okay ka na ba, Riley?" Trent asked when my cough slowed down.

Tumango naman ako.

"Ano ba kasing nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Maya. Hinahaplos na rin ang likod ko.

"Sino'ng umaway sa kanya?" Tanong naman ni Asha.

"Tangina ni Russel." Galit pa rin ang boses ni Trent.

"Ano'ng ginawa mong pangit ka?" Asha's voice went mad.

"Nagtanong lang naman ako." Natatawa pa rin si Russel habang inuubos ang pagkain niya.

"Hayaan mo na 'yan, Riley. Hindi natin 'yan bati." Pasinghal na sabi ni Maya at inirapan si Russel.

Kumain pa sila ng ilang pagkain sa mga stall doon. Binilhan na rin ako ni Trent ng juice roon. Hindi niya pinapansin si Russel kahit pa kulitin siya nang kulitin nito. Parang nagmukhang hangin si Russel kay Trent. Puro tawa lang naman si Russel.

Pagkatapos namin doon ay naglibot na uli kami. Huminto kami roon sa song request booth para sa band mamayang gabi. We can write down our requested song to be played by the band later at night. Pero walang kasiguraduhan na ang request nga namin ang kakantahin dahil bunutan iyon at may karapatan na tanggihan ng banda ang nabunot nila kung sakaling hindi nila alam kantahin iyon.

Lahat kami ay nagsulat ng request song. Lahat kami ay dalawa ang requested song. While Maya wrote five songs. Gusto pa nga niyang dagdagan pero pinigilan siya ni Asha. Hinaltak na siya ni Asha palayo roon.

Sunod kaming napadaan sa Confession booth at sa tabi noon ay Shipping booth. Pumanta si Maya sa Shippinb booth na hatak-hatak si Asha kaya sumunod na lang din kami.

"Sino'ng ishi-ship mo?" Tanong kaagad ni Asha kay Maya nang makakuha ito ng papel mula roon sa Shipping booth.

Ngumisi si Maya na parang may naiisip na kalokohan. "Secret." Tinitigan niya si Asha na parang nag-uusap sila gamit ang mga mata.

"Mga mukhang gago." Sabi ni Russel.

"Ship kita sa aso, Rus." Sabi ni Asha.

"Tanga mas bagay kayo n'on." Russel raised his middle finger to Asha.

Nagsulat na si Maya. Tiningnan niya pa ako bago siya humalakhak. Napakunot naman ako dahil naguguluhan ako sa inasta niya. Inihulog niya sa box ang papel na sinulatan saka umalis doon. Nagsulat din si Russel at Fred. Si Markus ay tahimik lang sa gilid habang inuubos ang mais niya. Hindi ko alam kung saan niya binili iyon. Kami ni Trent ay nanonood lang sa kanila. Si Asha ay kasama ni Maya, naroon na sila sa confession booth at nagsusulat doon.

"Parang hindi maganda." Bulong ni Trent.

"Ang alin?" Napatingin siya sa akin. Parang nagulat pa siya na narinig ko.

Umiling siya. "Wala."

Umalis na kami roon at nagtingin-tingin pa sa ibang booth. Napahinto kami nang may huminto na dalawang officer sa harap namin. May dala silang handcuffs.

"Hello, Miss Riley and Mister Trent." Bati ng isang lalaki. "You're under arrest."

"What?!" Nagulat ako. Halata ring nagulat ang mga kasama namin dahil sa reaksyon nila.

Sea of Lights (Rich Daughters Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon