16

10 1 0
                                    

Mabilis lang na lumipas ang mga araw. Magsisimula na ang Intrams ng school namin. Sa mga unang laban ay mga teams lang sa school namin. Ang mananalo ay lalaban sa ibang school. Sa unang araw ay basketball ang gaganapin. Sa hapon ang laro kaya may klase pa rin kami sa umaga. Hanggang before breaktime kaya after breaktime ay puwede na kaming dumeretso sa stadium para manood ng laban.

"Hayun si Zie!" Sigaw ni Maya nang makapasok kami sa loob ng stadium.

Kinausap kasi ni Maya si Zierah na ireserve kami ng upuan. Sa harapan ang napili ni Zierah dahil siguro ayaw niyang matakpan ang panonood niya kung sakaling biglang magtayuan ang mga nasa harapan.

"Dapat siguro gumawa tayo ng banner para kay Russel." Sabi ni Maya nang makaupo kami. Katabi ko si Zierah sa kanan at sa kaliwa ko naman si Maya, at si Asha sa tabi ni Maya.

"Hindi niya na kailangan n'on." Asha said.

Hindi pa nagsisimula ang laro. Unti-unti palang na napupuno ang stadium dahil sa pagdating ng mga estudyante.

"Nakalimutan natin bumili ng snacks." Sabi ni Maya.

"Tara, labas. Wala pa naman, eh." Sabi ni Asha sabay tayo kaya tumayo rin si Maya.

"Sama kayo?" Tanong ni Maya sa amin ni Zierah.

"Dito lang ako." Sagot ni Zierah pagkatapos tingnan saglit ang dalawa at humalukipkip.

"Dito na lang din ako. Isabay niyo na ako if it's okay?" Sabi ko.

"Sige. Ano ba sa 'yo?" Maya asked.

Nag-isip ako saglit. "Kung ano na lang ang sa inyo." Sagot ko nang walang maisip.

Umalis na sila pagkatapos n'on. Nang may magtatangkang umupo sa upuan nila Maya ay sinasabi kong may nakaupo roon.

"Ilagay mo ang bag nila." Sabi ni Zierah.

"Ha?"

Tinuro niya ang bag nila Asha na nasa sahig lang. Mukhang mamahalin pa ang mga bag na iyon dahil may mga tatak ng kilalang brand sa mundo. Parang wala silang pakialam kung mawala iyon.

"Ilagay mo sa upuan nila para hindi ka mapagod na magpaalis ng mga uupo."

Naintindihan ko naman ang sinabi niya kaya ginawa ko. Ilang minuto pa ang lumipas bago nagsimulang mag-intro. Dumating sila Maya noong pagkatapos ng intro. Binigay nila sa amin ni Zierah ang tig-isang drinks. May dala rin silang isang supot ng snacks. Kinain namin iyon habang hinihintay na tuluyang magsimula ang program.

Nagtilian ang mga estudyante nang magsimula nang lumabas ang mga players ng basketball. May mga kanya-kanyang pangalan silang isinisigaw. Sobrang ng sigawan nila na halos hindi na marinig ang sinasabi ng emcee sa mic.

Apat na teams ang maglalaro. Hinati iyon sa dalawa para magtapat sa laban. Maglalaban ang bawat dalawang team at kung sino ang mananalo ay sila ang maglalaro para sa semi-finals. Ang mananalo sa semi-finals naman ang makakapaglaro sa finals at lalaban sa taga-ibang school.

"Go! Russel!" Tili ni Maya nang lumabas si Russel at ang teammates nito.

Hindi naman siya naririnig ni Russel dahil malakas ang tilian ng mga estudyante. Pero napatingin pa rin si Russel sa pwesto namin para kawayan kami.

"Whoo! Idol!" Sigaw ni Asha na tunog pang-aasar.

Noong magsimula ang laro ay natahimik ang lahat pero kada makaka-shoot ang idol nila ay malakas na sigawan ang bigla na lang sumasabog sa stadium.

"Parang bida sa slum dunk ang team nila Russel. Mga naka-pula." Sabi ni Asha habang nakatingin sa team nila Russel na nakaupo roon sa bleachers at nanonood sa unang dalawang team na naglalaban sa court.

Sea of Lights (Rich Daughters Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon