"Hoy, Maya, papel!"Napatingin ako kay Asha nang hampasin niya sa braso si Maya. May quiz kami sa English at kailangan ng one-half paper.
"Wala akong papel!" Singhal ni Maya habang hinihimas ang braso niya.
"I have." Singit ko.
Napatingin naman silang dalawa sa akin bago tumingin sa desk ko kung saan nakapatong ang isang pad kong papel. Zierah has paper already. One pad din, pero ayaw nilang humingi sa kanya. Mukhang hindi naman siya mamimigay. Lumabas ang teacher namin dahil may kukunin daw ito kaya nakatayo ang mga walang papel. Nanghihingi sa mayroong papel.
"Ako rin, pahingi!" Sumulpot bigla si Russel.
"Wala kang papel? Kawawa ka naman." Sabi ni Asha sa kanya.
"H'wag mong bigyan, Riley." Pigil ni Maya at dinaganan ng palad niya ang papel ko.
Sinamaan siya ng tingin ni Russel. "Ang epal nito, oh! Hindi naman 'yan sa 'yo!"
"Buraot." Pang-aasar ni Maya.
"Ikaw nga rin nanghingi!" Parang batang pakikipagtalo ni Russel sa kanya. "Bilisan mo na! Baka dumating si Sir!"
Binitawan din naman ni Maya ang papel ko kaya nabigyan ko siya. Fred and Markus was also asking for paper. Pati na rin si Trent lumapit sa akin.
Napatingin ako sa lamesa niya at nakitang may papel doon. Bumalik ang tingin ko sa kanya at nagulat nang siya na ang pumilas ng papel.
"Mas maganda ang papel mo." Sabi niya bago tumakbo pabalik sa upuan niya.
Hindi ko maintindihan, pero hindi ko na lang din siya pinansin. Dumating na si Sir at nagpa-quiz. Pagkatapos n'on ay nag-dismissed na siya ng klase.
Nagsilabasan na ang lahat. Breaktime na namin. Inayos ko na rin ang gamit ko para makapag-breaktime na rin. Kasabay ko ulit sila Maya. Palagi ko na yata silang makakasama.
"Hoy, Mendoza!" Sigaw ni Maya.
Napatingin ako sa pintuan kung saan siya nakatingin. Nandoon si Russel, Fred, Markus, at Trent. Palabas na sila ng room. Tumingin sa akin si Trent kaya umiwas ako. Hindi ko rin alam kung bakit.
"Ano 'yon, ibon?" Tanong ni Russel.
"Mamayang uwian. Gagawa pa tayo ng project. Hindi pa 'yon tapos." Sabi ni Maya.
"Oo na! Hindi pa nga uwian, eh!" Sabi ni Russel bago sila tuluyang lumabas ng classroom.
"Lakas magpaalala, ah. May kalahati pa tayong subject na ite-take." Sabi ni Asha na nasa tabi niya.
Tumayo na rin kami at lumabas para kumain. Sa Lucia uli kami kumain dahil puno na agad sa Ordi. Sushi and avocado shake ang inorder ko. Si Maya naman ay corndog at melon juice. Kay Asha naman ay macaroni with cheese and buko juice.
Nagkwentuhan lang kami habang inuubos ang pagkain. Noong tapos na ang breaktime, bumalik na kami sa classroom.
It was all lecture until our classes ended. Sabay-sabay kaming lumabas nila Maya, Asha, Zierah, Russel, Fred, Markus, at Trent dahil sa group project namin. Nag-uusap kami kung saan naman gagawa ngayon. Hindi raw pwede sa hideout ni Red dahil may gagawin daw siya doon kasama ang groupmates niya.
"Zierah!"
Hindi kami si Zierah, pero sabay-sabay kaming lumingon sa tumawag sa kanya. Nasa labas na kami ng gate at pinagpa-planuhan na ang place namin. When there was a man inside his car, appeared. Naka-shades siya at nakasuot ng black leather jacket na naka-open. He was wearing a black shirt inside. He is also smiling to Zierah. Ibinaba nito ang shades niya at mas lalong ngumisi.
BINABASA MO ANG
Sea of Lights (Rich Daughters Series #4)
RomanceRich Daughters Series #4 Alegre is a family of Architecture. But, Riley chose to take a different path and pursue her dream of becoming a Fashion Designer. She is pure and kind that everyone likes to be her friend, including Trent, a Film Student.