Ngayon ko na lang uli naalala na parang may sinabi na siyang ganito. Na... umamin na siya sa akin. But I just couldn't believe it. I couldn't tell myself to believe it. Hindi ko alam kung ano ang totoo. Is this still part of our fake couple thing, or is it real?
Lumingon ako sa kanya at ibinagsak ang mga mata ko sa mga mata niyang nakatitig din sa akin.
"W-What?" Hindi ko maitatagong sobra akong kinakabahan. Paano kung hindi naman totoo, at nag-a-assume lang ako? Anong gagawin ko?
He let out a single breathe. "Hindi ko alam kung manhid ka, o sadyang hindi mo lang pinapansin." Makahulugan niyang sabi.
"A-Ano ba 'yon?" I acted like I don't know what he is saying.
He laugh a little and scratch his nose like a kid. "Like that." Alam ko ang ibig niyang sabihin pero mas pinipili kong manahimik at magkunwari na wala akong alam. "Gusto kita. Matagal na, actually. Pero mukhang ayaw mong paniwalaan iyon. Pilit mong itinatanggi at pilit ko namang ipinapakita sa 'yo."
He's confessing to me. For... real.
"I want you as my friend." Tumingala siya sa kalangitan. "But not the friend you were thinking off. I meant friend, with girl before the word 'friend'." Bumaba uli ang tingin niya sa mga mata ko.
Sumabog ang kung anong gustong sumabog kanina pa sa loob ko. Nagwawala sila na para bang matagal silang nakulong at sabik na makalaya.
"Trent..." I don't know what to say.
"Hindi mo ba ako gusto?" His voice cracked as he look into my eyes. "Ayos lang. I will wait. Maghihintay ako hanggang sa gusto mo na 'ko."
Kinabukasan, lutang ako. Hindi ko nga alam kung paano ako nakarating ng school. I did not told Trent to not pick me up at home, but I think he already understood. Alam na niyang ayaw ko muna siyang makita after ng nangyari kagabi. Gusto ko munang mag-isip nang hindi siya nakikita. Mukhang alam na alam niya na dahil half-class na pero hindi pa rin siya pumapasok.
Tinanong ko si Fred kanina noong nagkita kami sa hallway. Galing ako sa restroom at pabalik na sa room ng makasalubong ko siya. Ang sabi niya, nasa Film club daw si Trent at maghapon doon dahil marami raw silang gagawin. Hindi na ako tinanong ni Fred kung bakit ko itinanong dahil hindi rin naman niya ugali ang magtanong ng ganoon.
"Tara na, kain." Sabi ni Asha.
Break time na namin. Tumayo na ako at sumunod sa kanilang dalawa ni Maya. Nasa unahan ko sila at nag-uusap ng bagay na hindi ko naman maintindihan at kahit siguro intindihin ko ay hindi rin papasok sa utak ko dahil lutang ako ngayon.
Napasinghap ako nang may humawak sa balikat ko. "Okay ka lang? Kanina ka pa parang wala sa sarili." Tanong ni Zierah habang naglalakad kami sa hallway.
Hindi kaagad ako nakasagot dahil pababa na kami ng hagdan.
"Ayos lang kung ayaw mong sabihin. I respect your privacy." Sabi niya uli. "I had a problem with my so called boyfriend."
Napatingin ako sa kanya nang bigla niyang sabihin iyon. Nakahalukikip na siya habang naglalakad kami. Pero tama bang narinig kong sarkastiko ang boses niya? At tungkol sa boyfriend niya?
"Anong nangyari?" Maingat na tanong ko.
"Pera lang ang habol niya sa 'kin." Sagot niya. Walang sakit sa boses niya, kundi kawalang pakialam.
"A-Anong ginawa mo?" Gusto kong malaman kung ano ang naramdaman niya.
Umiling siya. "Bukod sa binigyan ko siya ng pera, wala na."
"Binigyan mo siya ng pera?" Nagulat ako.
Tumango siya. "Pera ang habol niya sa akin. Kawawa naman, baka wala na siyang ma-kain." She smirk.
BINABASA MO ANG
Sea of Lights (Rich Daughters Series #4)
RomanceRich Daughters Series #4 Alegre is a family of Architecture. But, Riley chose to take a different path and pursue her dream of becoming a Fashion Designer. She is pure and kind that everyone likes to be her friend, including Trent, a Film Student.