It has been a week since the Foundation week ended. Seryoso ang lahat sa pag-aaral nitong isang linggo dahil malapit na ang first semester examination. Three weeks na lang kasi ay first semester exam na.
"Hulaan mo na lang 'pag 'di mo alam." Sabi ni Asha habang nakahalukipkip.
Nakatambay kami ngayon sa Lucia at kumakain. Break na kasi. Magkakasama kaming apat na girls.
Ngumuso si Maya. "Kaso minsan, ang hirap din manghula."
"Ang dami mong problema sa buhay. Lintek ka." Pikon na sabi ni Asha.
Natawa ako sa kanilang dalawa. Kanina pa silang ganyan.
"Ikaw ba, Riley?" Tanong ni Maya. Tungkol sa exam ang tinutukoy niya.
"I studied." Sagot ko. "Pero kapag hindi ko alam, I usually pick whatever I want. Hula."
"Oh, 'di ba?" Asha hissed. "Si Riley nga kaya, eh."
Ngumuso lang si Maya.
"But honestly," I started. "Sa Math ako nahihirapan. Minsan kasi, alam ko naman kung paano i-solve. But the problem is, minsan wala sa pagpipilian ang sagot."
"That's what I'm talking about!" Maya exclaimed.
"Hoy, dinig hanggang sa kabilang school 'yang bunganga mo." Russel appeared together with Markus and Fred.
Umupo na sila sa kabilang table na malapit sa amin. Hindi na kasi kasya sa pwesto namin at hindi rin naman puwedeng pagsamahin ang table namin dahil bato ito.
"Luh, epal!" Maya rolled her eyes at him.
"Tamaan sana ng masamang hangin 'yang mata mo." Russel fired.
"Nye! Nye!" Maya made face.
"Mukhang gago." Russel said.
"Bakit hindi niyo kasama si Trent?" Asha asked.
Iyan din ang gusto kong itanong kanina pa, pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka tuksohin nila ako.
"Kausap niya 'yong taga-Film club kanina, eh. 'Tapos nakita kong magkasama silang umalis." Sagot ni Russel at pasimple akong sinulyapan.
Simipsip ako sa slurpee ko para iwasan ang tingin niya. Para kasing may ibig sabihin ang pag-sulyap niya sa akin na iyon.
"Baka sasali na siya sa Film club?" Maya guessed. "After ng Foundation week, nakikita ko rin na madalas niyang kausap ang mga taga-Film club."
"Oh? Interested 'ata siya sa Film?" Asha said.
"He wants to be a director someday." Sabi ko bigla kaya napatingin sila sa akin. "He told me when we were in the jail." Ang tinutukoy ko ay iyong jail booth noong Foundation week.
They randomly reacted with 'Ah' after hearing what I said. Natahimik na kami pagkatapos n'on. Not until, Russel broke the silence.
"Naalala ko lang bigla si Kuya Henry, iyong pinsan ni Zierah. Nakakamiss mag gala sa lugar niya." Sabi niya.
"Punta tayo!" Maya exclaimed after sipping on her juice.
"Ngayon?" Markus asked. "Pwede rin. After class." Dagdag niya.
"Kung puwedeng pumunta ro'n." Russel looked at Zierah with something, asking for permission.
Umiinom pa si Zierah sa grape juice gamit ang straw kaya hindi pa siya makasagot. Nakatingin lang siya kay Russel.
"Puwede naman," sabi niya pagkatapos uminom. "I know the passcode of his condo. Or if you're bored inside, we can roam around the place."
"Tara! Tara!" Excited na sabi ni Maya.
BINABASA MO ANG
Sea of Lights (Rich Daughters Series #4)
RomanceRich Daughters Series #4 Alegre is a family of Architecture. But, Riley chose to take a different path and pursue her dream of becoming a Fashion Designer. She is pure and kind that everyone likes to be her friend, including Trent, a Film Student.