04

25 3 0
                                    

"See you again, Riley!"

Kung ngumawa si Maya ay parang hindi na kami magkikita pa. Ngayon ang araw na lilipat kami sa TechVoc building. Magkakaiba kami ng kinuha kaya hindi kami magkakasama.

"Ang OA mong bruha ka." Sabi ni Asha sa kanya at umirap pa.

Sabay-sabay kaming pumunta sa TechVoc building. Naghiwalay lang kami noong pumunta na sila sa kanya-kanya nilang room. Gaya ng sabi ko, sa Dressmaking ako.

Halos mga babae ang nasa loob nang datnan ko. May mga lalaki pa rin, pero mas marami ang mga babae. I bit my lower lip when they all look at me. Hindi ako sanay. Mabuti na lang umiwas din sila sa akin. Mukhang napansin lang nila na may pumasok.

Naghanap ako ng pwesto na walang tao masyado. Hindi ako marunong makipag-interact. Hindi rin ako mahilig mag-first move. Dahil baka ayaw nila akong kausap.

Saglit lang akong naghintay dahil dumating na rin ang teacher na magtuturo sa amin. Smooth lang ang unang araw dahil introduce yourself lang naman at nagbigay ng brief information para sa semester namin dito. Nagbigay na rin ng mga kakailanganin namin.

Pagka-dismissed ay lumabas na kaagad ako. Mukhang kami ang unang nag-dismissed dahil wala pang tao sa labas at tahimik pa ang buong hallway. I decided to wait Asha and Maya in front of the building. May bench naman dito kaya hindi ako mangangawit.

Napatingin ako sa room na nasa katapat ko. Medyo malapit ako sa building kaya malinaw kong nakikita ang mga estudyante na palabas sa room nila. Unang lumabas ang lalaking teacher nila. Sunod naman ang mga estudyante na halos mga lalaki. Inaayos ang kanilang bag sa balikat at pinapagpag ang mga uniporme habang nagkakantiyawan.

That was Electricity class. Nakita ko sa pinto nila. Pinagmamasdan ko lang ang bawat kilos nila, dahil na rin siguro ay bored ako. Until the one guy looked at me. Napasinghap ako at mabilis na nag-iwas ng tingin. Mukhang naramdaman niya na may nagmamasid sa kanya. Hindi ko rin naman alam na sa kanya pala nakatutok ang mata ko. Ang akala ko ay sa kanilang lahat.

"Una na kayo!" Rinig kong sabi ng lalaki.

"Bakit? Kain tayo, tanga!" Sabi ng isa pa.

"Mamaya na 'ko," sagot niya. "Sige na!" Pagtataboy niya sa mga ito.

Napaiwas uli ako nang makitang naglalakad na ito palapit sa direksyon ko. Hindi ko na naman pala namalayan na nakatingin ako sa kanya kanina! You're stupid, Riley!

Naramdaman kong umupo ito sa tabi ko. Hindi ko alam kung malapit sa akin dahil nakaiwas naman ako ng tingin, basta sa tabi ko.

Tumikhim siya. "Anong class ka?"

Lumingon ako sa kanya at tinitigan siya, walang balak na sumagot.

"If you don't mind?" Maingat na sabi niya nang hindi makatanggap ng sagot mula sa akin.

"Dressmaking." Maikling sagot ko at umiwas na ulit.

He nodded his head continuously. "Nice,"

Tahimik na uli sa pagitan namin. Wala rin akong maisip na dahilan para kausapin siya.

"I'm Artemi, by the way," he said that made me looked back at him. "Okay lang naman siguro kung magpakilala ako, 'di ba?"

Tumango ako. "I-I'm Riley,"

A small smile flashed on his lips. "You got a nice name," he complimented.

Nag-init ang mukha ko dahil hindi ako sanay na may nagco-compliment sa akin. I mostly refuse to accept those.

Napatingala ako sa kanya nang tumayo na siya mula sa kinauupuan niya. "Mauuna na ako. How about you? May hinihintay ka pa ba?" He was looking down at me.

Sea of Lights (Rich Daughters Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon