It was third day of Foundation Week.
I am again wearing our uniform. Hindi na ako sa gate na-assign ngayon. Okay lang sana kung sa gate na lang ako kaysa rito. Kahit saan basta huwag lang sana rito. I am not belong here. Pero mukhang malas ako ngayong araw.
I am assigned on stage to be an emcee! At ang kasama ko? Si Sandro lang naman.
All we need to do is speak like we're doing an advertisement. We also telling some precautions and rules. May script naman kaya hindi ganoon kahirap, pero minsan kailangang haluan ng impromptu. Mostly, it was Sandro who was doing it and I am more on reading the script.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para bang disappointed ako sa kung saan. Hindi ko alam kung saan.
"Riley."
Napatingin ako sa gilid ng stage nang may tumawag sa pangalan ko. There was Trent, looking straight in my eyes while walking towards me. May bitbit siyang bottled drinks.
"Trent..." mahinang banggit ko sa pangalan niya nang makalapit siya.
Inilahad niya sa akin ang bottled orange juice na dala niya. "Here. Gutom ka ba?"
"Kakain naman kami sa headquarters mamaya pagkatapos dito." Sabi ni Sandro.
"I wasn't talking to you." Mariing sabi ni Trent sa kanya.
Natawa si Sandro at hindi na nagsalita.
"I'm not hungry yet." Sabi ko. "Tapos na ang duty niyo?"
Tumingin siya sa wrist watch na suot niya. "Tapos na. Puwede ka na rin bumalik sa headquarters para kumain."
"Bakit siya lang ang sinasabihan mo? Ako rin dapat." Sabat na naman ni Sandro.
"Malaki ka na. Kaya mo na ang sarili mo." Hinawakan ni Trent ang wrist ko. "Tara na, Riley." Hinatak niya ako paalis ng stage.
Hindi ako sumasagot habang hatak-hatak niya ako. Nakatingin din ako sa kamay niya na nasa wrist ko. Ang lambot ng kamay niya. Ramdam na ramdam ko iyon.
Bigla kong naalala iyong nangyari kahapon. Parang wala na lang sa kanya iyon, pero sa akin, sobrang lakas pa rin ng epekto.
Kinikilig ako kapag naalala ko iyon.
Pagkarating namin sa headquarters ay kami lang ang tao. Nagtaka pa nga ako kung bakit, pero bigla ko ring naalala na baka busy silang lahat.
"Ano'ng gusto mong kainin?" He asked.
Tumingin ako sa lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkain. Marami pa ang pagkain. Halatang hindi pa nababawasan.
"Ano ba'ng meron?" Lumapit ako sa lamesa para tingnan. "Ano ba'ng masarap?"
Napatingin ako sa kanya nang mahina siyang natawa.
"Why?" I asked with my forehead creased.
Umiling siya at tumikhim para pakalmahin ang sarili. "Wala naman. Lahat naman 'yan masarap."
Tumingin na uli ako sa mga pagkain na naroon. "I can't chose." Lumingon ako sa kanya. "Can you chose for me?"
He chuckled. "Naku po!"
"Why?"
"Wala naman. Sige, ako na, mahal na prinsesa." May pang-aasar na sabi niya.
"You're so annoying." I said, then roll my eyes.
Dinuro naman niya ako sa mukha habang nanlalaki ang mga mata at nakangisi ng malawak ang labi. "Hoy, ikaw, ah! May pairap-irap ka nang nalalaman. Masyado na yata kitang nai-spoil."
BINABASA MO ANG
Sea of Lights (Rich Daughters Series #4)
RomanceRich Daughters Series #4 Alegre is a family of Architecture. But, Riley chose to take a different path and pursue her dream of becoming a Fashion Designer. She is pure and kind that everyone likes to be her friend, including Trent, a Film Student.