Nang mapagod kaming maglibot ay kumain muna kami sa nadaanan naming room na nagtitinda ng mga pie. Iba't-ibang klase ng pie ang tinda nila. Halatang nakakatakam ang mga iyon kaya nagutom din ako. Egg pie ang pinili ko pati ni Markus. Buko pie naman ang kina Maya at Asha. Si Russel at Fred ay blueberry pie ang pinili.
"Eat well mga traydor sa sariling booth." Sabi ni Russel bago kumain sa pie niya.
Natawa kami dahil tama siya. May sarili naman kaming booth na ang tinda ay pagkain. May mga cakes and cupcakes naman doon at coffee kaya traydor talaga kung titingnan dahil rito kami kumain instead na roon sa booth namin.
"Magdasal na lang na huwag tayong makita ni Zierah. Patay tayo." Sabi ni Markus habang nginunguya ang pie niya.
"I think, Zierah wouldn't mind naman. I can see na hindi naman niya tayo pagagalitan." Sabi ko bago sumubo.
"What if pagalitan tayo kasi mga traydor tayo?" Konklusyon ni Markus.
"I doubt that." Sabi ko.
"Huwag kang mag-alala, si Riley na ang bahala sa atin." Tinapik ni Russel ang shoulder ni Markus.
Natawa ako. "Kapag nagalit si Zierah, I'll told her na inaya niyo lang ako. I'm pure innocent." May pang-aasar na sabi ko.
"Sa huli, nang-iwan din, 'no? Grabe ka na, Riley." Sabi ni Asha.
Nagtawanan kami dahil sa kalokohan namin habang inuubos ang pagkain.
Umorder pa uli sila nang maubos ang kinakain. Masarap naman kasi ang pagkakagawa sa pie kaya siguradong babalikan ito.
"Hinahanap na tayo ni Zierah." Biglang sabi ni Asha habang nakatingin ito sa cell phone niya at inuubos ang pangatlong pie na inorder.
"Weh?" They randomly reacted. Nanlaki lang ang mga mata ko at hindi nakasagot dahil may laman ang bibig.
"Mag seen kayo sa group chat." Utos niya pagkalapag ng cell phone niya.
Kinuha ko rin ang cell phone ko at binuksan ang instagram ko. May message nga si Zierah sa group chat ng class officers. Turn na raw namin para mag-duty sa booth.
"Bilisan niyo! Baka magalit." Maya panicked.
Nagsitayuan na kami. Binitbit na lang nila ang natitirang pie para kainin habang naglalakad. Binatukan ni Russel si Markus dahil ayaw pa nitong tumayo. Inuubos ang pagkain niya.
"Gago 'to. Bilisan mo riyan, time is bold." Inis na sabi ni Russel kay Markus.
"Kabastusan mo naman." Masungit na saway ni Asha kay Russel.
Nasa room na si Zierah noong dumating kami. Wala naman siyang sinabi sa amin bukod sa pagbabantay sa booth. Hindi niya rin tinanong kung saan kami galing dahil alam naman niyang naglibot kami.
Tatlong oras kami nagbantay sa booth bago uli nagpalit ng panibagong magbabantay. Hapon na at marami na rin ang estudyante sa campus. Dinadagsa talaga ang Roosevelt kapag may mga ganitong event. Marami ang pangarap na mag-aral dito. Gaya ng mga nasa public schools, kaso hindi nila afford ang tuition at hindi rin nakakapasok sa mga scholars kaya kapag may event na ganito, sinusulit nilang maglibot sa loob ng campus.
Tumambay kami sa quadrangle at kumain ng ice cream. Ginaya namin ang ilang mga estudyante na parang nagpi-picnic doon sa damuhan. Napagod din kaming maglibot uli kaya tumambay muna kami rito.
"Trent!"
Gulat akong napatingin kay Maya nang sumigaw ito. Pagkatapos ay tumingin din ako sa direksyon kung saan siya nakatingin. Nakita ko si Trent na nakatayo sa hindi kalayuan. May hawak siyang DSLR camera kaya tingin ko ay busy siyang manguha ng litrato. Tumingin siya sa akin bago siya naglakad palapit. Mukhang napilitan siyang lumapit dahil tinawag siya ni Maya.
BINABASA MO ANG
Sea of Lights (Rich Daughters Series #4)
RomanceRich Daughters Series #4 Alegre is a family of Architecture. But, Riley chose to take a different path and pursue her dream of becoming a Fashion Designer. She is pure and kind that everyone likes to be her friend, including Trent, a Film Student.