13

17 2 0
                                    

Ngayon na ang fifth day ng Foundation Day, ang last day, at bukas ang extended day.

Hindi namin kasama sila Trent, Markus, Fred at Russel dahil nandoon sila sa Music Room. Nag-re-rehearsal sila para sa performance nila mamayang gabi sa stage.

Excited na akong mapanood sila. Excited din sila Maya. Ngayon ang unang beses na makikita namin silang tumugtog na may instruments. Si Fred at Trent ay nakita na naming tumugtog ng gitara, pero feel ko, iba kapag nasa stage sila at may ibang instrument na ginagamit.

"Parang mas maraming tao ngayon, 'no?" Maya said. Nandito kaming tatlo nila Asha sa gate. Kami ang naka-assign dito ngayon.

Napansin ko nga rin na maraming outsider na dumarating ngayon. Siguro dahil kay Markus. Posible na hindi lang dito sa loob ng campus sikat si Markus sa mga babae, pati na rin siguro sa labas.

"Para silang mga zombies." Sabi ni Asha.

Sumilip ako sa labas ng gate. Nalula ako kasi ang daming tao roon. Parang takot silang masarhan ng gate. Mabilis naman kaming mag-check ng ID nila kaya naman nakakapasok kaagad sila.

Noong five PM na, may pumalit sa amin na mga officers. Mukhang wala pang balak ang Student council na i-cut off ang entrance. Sabagay, pabor naman iyon sa kanila dahil magagamit nila ang entrance fee para sa susunod na events.

"Sabi ni Red, puwede na raw tayo mag-off duty." Masayang balita ni Maya nang makapasok kami sa headquarters.

"Totoo?" Parang ayaw maniwala ni Asha.

Napatingin si Maya sa harapan. "'Di ba, Pres? Puwede na kami mag-off duty?"

Nang tumingin din ako roon, nakita ko si Red kasama si Zierah. May hawak na naman siyang papel.

Tumango si Red. "Enjoy yourselves now."

Tuwang-tuwa naman si Maya at halos magtatalon na. Hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa siya, pero masaya naman kasi kung wala na kaming iisipin na duty bilang mga officers.

Naglakad na lang ako palapit sa lamesa at naupo sa bakante. Saktong pag-upo ko ay ang pagpasok nila Trent. Mukhang kakain sila. Napagod siguro sa rehearsal.

Nginitian ko si Trent nang tumingin ito sa akin. Naglakad siya palapit sa direksyon ko kaya inabangan ko siya.

"Kumain ka na?" He asked.

Umiling ako. "Hindi pa."

"Sige, kukuha ako."

Tatalikod na sana siya para kumuha pero napatigil siya nang akbayan siya bigla ni Russel.

"Ako rin, hindi pa kumakain." Nakangising sabi ni Russel kay Trent.

"O, ano ngayon?" Trent sharply said.

"Luh! Ikuha mo rin ako!" Nakangusong sabi ni Russel.

Inalis ni Trent ang pagkakaakbay sa kanya ni Russel. "Malaki ka na. Kaya mo na 'yan."

"Malaki na rin naman si Riley, ah!" Maktol pa ni Russel at dinuro ako.

Hinampas ni Trent ang kamay niyang nakaduro sa akin. "Huwag mo nga siyang duruin! Putulin ko 'yang daliri mo, eh."

Natawa ako sa kanilang dalawa. Tumalikod na si Trent pagkatapos niyon. Sumunod si Russel sa kanya na nakaakbay kaya inis na inis si Trent sa kanya. Inaalis niya ang braso ni Russel sa balikat niya pero binabalik lang iyon ni Russel at humahalakhak, halatang tuwang-tuwa siyang naaasar si Trenrt sa kanya.

Kahapon, hindi ko pinapansin si Trent pero pinansin ko pa rin siya afterwards. Parang hindi namin natitiis ang isa't-isa. Hindi nagtatagal ang iwasan namin. Siya rin naman kasi ang nauunang lumalapit sa akin.

Sea of Lights (Rich Daughters Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon