10

19 2 0
                                    

"Si Zie may boyfriend? Hindi halata!"

Kahit ako ay parang ayaw maniwala sa kinuwento ni Maya ngayon. Hindi ako makapaniwala na may boyfriend si Zierah. Pero baka meron talaga. Zierah was so silent to the point that we don't know that much about her. She wasn't open widely on some things about her. She is too private.

"Whe? Baka gawa-gawa mo lang 'yan." Asha still couldn't believe what Maya told us.

"Oo nga!" Anas ni Maya. "Nakita ko na kausap niya sa phone. Ka-chat niya sa IG."

"Gago, tsismosa ka." Sabi ni Asha.

Nakikinig lang ako sa kanila.

"Hindi ko naman sinasadyang makita, no! Nakita ko kasing nakalapag sa armchair 'yong phone niya last week kaya nakita ko." Sabi niya. "Aksidente lang!"

"Pa'no mo nakita? Ang haba naman ng leeg mo. Ako ang katabi ni Zie." Asha said.

"Eh, 'di ba nga, umupo ako sa upuan mo last week? Kaya nakita ko." Sagot ni Maya.

Tumahimik sila nang may pumasok sa loob ng classroom namin. Siniko pa ni Maya si Asha kaya tinampal ni Asha ang braso niya habang masama ang tingin sa kanya.

It was Zierah who came in. Tinitigan ko siya habang sumasagi sa isip ko ang sinabi ni Maya na may boyfriend na siya. Hindi lang talaga ako makapaniwala. Hindi kasi halata sa kanya.

I cut my thoughts when our teacher arrived. Normal na lessons lang din ang naganap. We also had a short quizzes on some subject. After our three classes, we went out for TechVoc class. We started our next project and to be finish by this week. Nag focus lang din ako sa project.

Pagbalik sa classroom ay nagkaroon kami ng meeting kaya ang mga officers ay nasa harapan ngayon. Zierah was the one talking and we were there to assist her.

Nagkaroon kasi kami ng meeting last week kasama ang Student council. It was called by Red. Malapit na kasi ang foundation day ng school at iyon ang unang project ng Student council at kasama kami.

Ang ina-announce ni Zierah ay ang magiging schedule next week. There will be no class next week because of Foundation Day that will be held the whole week. Pero kailangang pumunta ng lahat para sa attendance. Kaming officers ay required na pumunta dahil isa kami sa organizers.

Ito ang unang project ng SSG officers after they won the position. Kasama ang ibang class officers sa bawat grade at section sa tutulong sa event na iyon. Malawak ang Roosevelt at maraming estudyante kaya hindi kakayanin kung Student council lang ang kikilos.

Our week went normal. Puro lessons at may quizzesa and test din. Our teachers did that so we can enjoy the Foundation week without thinking about school activities or homeworks.

We met student councils on the stadium. Close for other students ang stadium dahil ito ang ginawang headquarters naming mga officers or organizers. Para lang sa linggong ito. Para sa Foundation week.

Nakasuot kaming lahat ng pare-parehong uniporme na para lang sa mga organizers. Kulay purple ang uniporme namin. Light ang sa mga class officers habang dark naman ang sa mga Student Council. Sa likod ay may nakasuot na 'officer' in a big letter at may nakasulat na apelyido namin sa ibaba ng 'officer'. Kalahati ang laki ng font n'on kumpara sa 'officer' na word. Sa harapan naman ay may logo ng Roosevelt sa left side.

Kailangan naming suotin ang uniporme namin sa mga araw na naka-duty kami at civillian naman sa araw na hindi kami naka-duty.

Mamaya pang hapon ang official opening ng event. Kahapon pa nagsimulang mag-ayos ang officers na naka-assign sa arrangements and designs. Tutulong lang kami para mas ayusin pa o kung may kailangang baguhin.

Sea of Lights (Rich Daughters Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon