"Cute."
Agad kong tinakpan ang bibig ko gamit ang dalawa kong daliri. Sa utak ko lang dapat iyon pero hindi ko namalayang nasabi ko pala ng malakas pagkatapos ng turn niya sa introduce yourself.
Riley Sophia Alegre...
"Cute pala, ha." Natatawang bulong ni Russel habang nakatingin lang sa harapan, pero alam kong ako ang kausap niya.
"Gago." Balik kong sabi sa kaniya na tinawanan lang niya.
Napatingin ako sa linya ng mga babae na opposite sa pwesto namin at nakita roon si Riley. Kitang-kita ko kung paano niya pakalmahin ang sarili pagkatapos niyang magpakilala sa harapan. Hindi siya sanay na tumayo sa harap ng maraming tao. I think she has Glossophobia.
Tumikhim ako at napaayos sa pagkakaupo nang mamalayan kong napapangiti na ako habang pinagmamasdan siya. Ibinalik ko na ang atensyon ko sa harapan at sinubukang makinig. Pero ilang beses pa rin akong napapatingin sa kaniya. Para siyang magnet na hinahatak ako. Tsk, malala ka na, 'tol.
Maaga natapos ang klase namin dahil puro preview lang naman para sa future lessons. Nakatitig akong muli sa pwesto nila Riley at pinagmamasdan siyang makipag-usap sa mga seatmates niya habang inaayos ang kanyang gamit. Napapangiti ako tuwing tipid siyang napapangiti sa kanila. Aaminin kong nagagandahan naman kasi ako sa kanya. Ang simple niyang tingnan at hindi naman siya masiyadong attractive, pero attracted pa rin ako sa kaniya.
"Hoy, Trent! Potek, natulala ka na riyan." Bumalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni Russel. Saglit ko siyang sinulyapan bago ako tumayo at sinukbit sa balikat ko ang bag ko. Lumabas na rin naman ang tinititigan ko kaya wala nang dahilan para manatili ako rito.
"Ano ba'ng sinasabi mo?" Nakatingin ako sa may bintana dahil naglalakad pa roon si Riley kasama ang dalawang babae na seatmates niya.
"Punta raw tayo ng mall." Si Markus na ang sumagot.
"Ano'ng gagawin do'n?" Tumingin ako sa kanila.
"Palamig muna tayo ro'n. Napaka-init!" Sabi ni Russel habang pinapagpag ang kwelyuhan niya para ipakitang naiinitan siya.
"Tara."
Pumayag ako kasi narinig kong pupunta rin doon sila Riley. Hindi ko nga lang alam kung magtatagpo ang landas namin dahil sa laki ng mall. Medyo malabo na mangyari iyon.
Dumeretso kami sa third floor, kung saan naroon ang Food Court. Nagutom na kami sa paglalakad papunta rito. Malapit lang naman kasi ang mall na ito at kayang-kaya lakarin. Nakakapagod lang din dahil sa tirik na araw. Marami-rami nang tao rito sa Food Court. Nag-aalala kami na baka may nauna na roon sa palagi naming pwesto, malapit sa Just Dance na nandito sa Food Court. Doon kami palaging pumu-pwesto tuwing pumupunta kami rito. Pinapanood namin ang mga naglalaro roon. Mostly, mga bata ang sumasayaw doon. Nakakaaliw kasi silang panoorin at sobrang laugh-trip naman kapag ka-edaran namin.
Nagtatalo na itong mga kasama ko dahil natatanaw na namin na may nakaupo na roon sa palaging pwesto namin. Nagtalo pa sila dahil natagalan kami roon sa Street food vendor na nadaanan namin.
Habang palapit kami nang palapit sa table na palagi naming tinatambayan, lumalakas ang kutob ko na kilala ko ang isang babae na nakaupo roon. Ang dalawa niyang kasama ay nagsasayaw doon sa Just Dance habang pinapanood lang niya sila.
"Uy, classmate ka namin, 'di ba?" Russel made my conclusion right when he said that. Lumingon si Riley sa amin.
"Oo, classmate natin siya. Sila 'yong katabi ni Zierah." Sabi naman ni Markus.
Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila at pinagmamasdan ang reaksyon ni Riley. Like what I expected, halata sa kanya ang pagkagulat. Halata rin na hindi niya alam kung paano siya sasagot sa kanila. Hindi siya sanay sa presensya nila.
BINABASA MO ANG
Sea of Lights (Rich Daughters Series #4)
RomanceRich Daughters Series #4 Alegre is a family of Architecture. But, Riley chose to take a different path and pursue her dream of becoming a Fashion Designer. She is pure and kind that everyone likes to be her friend, including Trent, a Film Student.