1: First Day

269 19 1
                                    


Chapter 1
Ang mahina ay mananatiling mahina kung hindi mo kaya ipaglaban ang iyong sarili laban sa iba.

“Welcome to Especial Academy!” sigaw ng ka dorm mate ko.

“Thanks nga pala. Name?”

“By the way, my name is Kuro.”

“Holly. Hindi pa nag start ang class natin?”

“Hindi, bukas pa.”

“Ito ba yun room ko?” sabay turo ko sa pinto nasa harapan ko.

“Oo.”

“Pasensya ka na ha, bukas na lang tayo mag kwentuhan.”

Binuksan ko ang pinto. Bago pa man ako pumasok sa loob, nakita ko sa ibabaw ng ulo niya ang detailed.

Name:Kuro
Gender: Female
Age :19
Especial Ability: Invisible

Sinara ko ang pinto matapos marinig ang boses niya. Wala naman ako dala na mga mabibigat maliban sa maliit na bag.  May maliit na kama na kasya sa isang tao. Simple ang loob ng kwarto ko.

Napag pasyahan ko matulog sa subrang pagod sa byahe.

Kinabukasan nagising ako sa ingay ng alarm clock. Nagmamadali ako naligo at nag bihis dahil malapit na ako ma late nito.

Hindi na ako kumain sa hiya na baka ma late ako nito. Pag dating ko sa room. Para ako hihimatayin, nagtuturo na ang guro. Sa unang tingin ko pa lang mala dragon ang ugali nito.

Tumigil sa pagsasalita ang guro na napansin ako.

“New Student?” umikot ang mata na wika niya.

"Yes, Ma'am. Sorry huli ako dumating sa klase mo.”

“It's okay. But next time... Bweno, pumunta ka sa harap at mag pakilala." Taas baba ang kilay nito nakatingin sa akin.

“Holly Trinidad, 18 year old. Hmmm... my especial ability is he—”

Hindi ko na tuloy ang sasabihin na mag salita si ma'am. Naghanap ako ng bakante upuan, nakahinga ako ng maluwag ma makita sa pinaka dulo malapit sa bintana.

Umupo ako na hindi nagsalita.

“Ano ability mo?” tanong ng katabi ko.

Akmang sasagot ako.

“Ms. Sinner? Kung hindi ka interested sa klase ko. Lumabas ka!”

“Sorry, Ma'am.”

“Nasaan na ba tayo sa topic natin?”

Tumayo ang lalaki nasa unahan.

“Ma'am Belinda, about the history of academy.”

Napatitig ako sa lalaki, lumitaw sa ibabaw ng ulo niya ang detailed gaya ng kay kuru.

Name: Harvey Waley
Gender: Male
Age :19
Especial Ability: Fire Manipulation

“Thank you Mr. Waley. Ang Academy ay itinatag ng unang tao na may especial ability noong 1942, December 5. Si John Dalton  ang unang tao na apektuhan ng virus na mula sa meteorid. Isa siyang magsasaka, bumagsak ang meteor sa kaniyang pananim at sa oras na iyong kasalukuyang siya nagpapahinga malapit sa taniman. Dahil doon na apektuhan siya ng sobra ng virus na kumalat sa palibot.”

Lumipas ang isang oras, sa wakas natapos din. Lumabas na kami patungo sa susunod na klase.

“Holly anong Ability mo?” napalingon ako sa babaw katabi ko kanina.

“Hindi ko pa alam ang ability mo. Bakit ko naman sasabihin sa iyo?”

“Relax ka lang. By the way, Sharon, Air Manipulation.”

Napahinto ako. “Manipulation? Ganoon pala. My ability is Waving Touch,” maikling sagot ko.

Pumasok na kami sa sunod na klase. Gaya na una ganoon pa rin ang ginawa ko ngunit ang pinagkaiba pinatapos ako magsalita.

Hindi na ako nakinig. Halos tapos ko na nabasa sa libro ang ipinapaliwanag ni Sir ang tungkol sa basic ability.

Matapos ang klase nag madali ako nag tungo ng cafeteria. Hindi ko na malayan sa pag liko ko na bangga ko yun babae.

Bumagsak ako sa sahig samnatala siya nakatayo.

“Tabi!” sa pag hawi niya sa hangin kasabay tumilapon ako patungo sa pader at patuloy naglakad ang babae.

Muntik na ako tumama sa pader. Ginamit ko ang aking kakayahan para mapahinto ko ang aking sarili.

Tumayo ako na kay masamang tingin sa babae. Hinawakan ko ang sahig hindi nagtagal umalon ang sahig na naging sanhi na pag ka dapa ng babae.

Masama ito lumingon sa akin. Hindi ko inaasahan ang pag tilapon ko pa layo sa kaniya na tumama ako sa hangganan ng pader sa hallway. Hindi sana ako tatama kung nagawa ko lumiko.

“Omygosh siya yun new student. Malas niya girl kinalaban pa niya si Queen.”

“Kawawang new student. I think maging new laruan lang siya.”

“Hindi niya yata kilala ang Queen.”

“Sayang pare ang ganda kaso baka madamay tayo.”

Ilang lang yan sa narinig ko na bulung bulungan.

“Hindi ito pwede!” tinadyankan ko ang sahig na muli pag alon patungo sa kinaroroonan ng babae ngunit lumutang ito sa eri at ibang studyante ang nadapa.

“Oh yan lang ba ang kaya mo, talunan!”

Kainis agaw atensyon ako ngayon.  Tinitigian ko siya sa mga mata, lumitaw sa ibabaw ng ulo niya ang detailed.

Name: Hannah Montano
Gender: Female
Age :19
Especial Ability:Creation Tornado

Nabuo sa magkabilang kamay ang buhawi. Iwinasiwas niya ang kamay niya na naging dahilan na lumaki ang buhawi. Itinutok niya sa akin ang kamay niya, pinakawalan niya ang dalawang buhawi.

“Mamamatay ka, talunan!” gigil na wika nito.

Papunta sa akin ang dalawang buhawi. Hindi pa ako bihasa sa ability ko. Pero kailangan ko subukan ang makakaya ko.

Hinampas ko ang sahig ng buong lakas. Umangat ang sahig na paalon na mas mataas pa sa nauna ginawa ko. Ang ingay ng paligid ng pagsalpukan ng mga atake.

Tumilapon ako ng bumalik ang alon sa akin. Tumama ako sa pader, bumagsak na una ang pang upo.

Samantala ang kalaban ko ay nakulong ng sarili niya buhawi. Hindi niya yata inaakala babalik din sa kaniya ang atake niya. Lumipas ang isang minuto naglaho ang buhawi, bumagsak siya sa sahig na habol hininga.

“Ms. Montana, ano na naman ginawa mo? Ngayon din pumuta kayo sa office ko!”

Hindi ako makapag salita na masama tumingin sa akin ang bagong dating.

Sumunod kaming dalawa ni Hannah sa kaniya. Huminto sa harap ng itim na pinto, napaangat ako ng tingin na napansin ang nakasulat.

Pumasok kami dalawa matapos mabuksan ng babae ang pinto. Malawak ang loob, walang gamit maliban sa nag-iisang upuan.

“Pinatawag ko kayong dalawa para malaman kung ano ang nangyayari.”

Inunahan ko na mag salita ang bruhilda, mahirap na. Baka ako pa ang mukhang masama.

Matapos ko masabi ang lahat sa babae.

“Ms. Montana, last chance mo ito. Sa susunod na gagawa ka pa ng kalukuhan ibabalik kita sa pinakamababa  na ranggo. Maari ka na lumabas.”

Lumabas si Hannah na nakayuko sa takot na mas lalo magalit sa kaniya ang babae.

"Oh pasensya ka na sa isang yun. New student?”

“Yes po.”

“Fatimah guidance teacher.”

Lumabas na ako ng room matapos ko malaman ang lahat na dapat ko malaman ang pasikot sikot at impormasyon sa loob ng academy.


Special Academy ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon