Chapter 6
Kung may gusto malaman ang kasagutan sa katanungan gumugulo sa isipan mas mabuti hanapin ang Kasagutan.Wala ako makita kung hindi puro kadiliman. Hindi ko alam kung nasaan ako. Ang alam ko nahimatay ako.
“Holly.”
Nilibot ko ang tingin kahit wala ako makita. “Sino ang nandyan?”
“Sundan mo aking boses. Dadalhin kita sa akin hardin.”
Sinunod ko ang kaniyang sinabi. Hindi nagtagal nakalabas ako sa kadiliman.
“Wow ang ganda. Nasaan ako?”
Nagtaka ako na walang sumagot sa akin. Napagpasya ko mag libot sa hardin. Ang ganda talaga para ayaw ko na umuwi.
Namitas ako ng masanas. Sarap mabuhay dito, wala problema ang gaan sa pakiramdam.
Natigilan ako na may nagsalita mul sa likod ko. Napalingon ako.
“Ikaw ba ang nagsalita kanina?”
Maganda ang kasuotan ng babae. May mga bituin na disenyo ang kaniyang pulsiras. Pero napapikit ako na tumingin sa mukha niya.
“Ako nga. Pasensya na hindi mo makikita ang mukha ko sapagkat hindi mo pa ako nakikita sa tunay na mundo.”
Ang lakas niya sa tingin ko lang. Parang may humihila paibaba sa mga magkabilang tuhod ko pero nanatili ako nakatayo. Nakakahiya kung makita niya ang hina ko.
“Sino ka? Nasaan ako?”
Inilahad niya ang palad sa akin na kaagad ko naman tinanggap.
“Ako direksyon ng lahat na may Special Ability. Nasa panaginip ka.”
Hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi. Ang ganito kagandang lugar ay isang panaginip.
Sinundan ko ng tingin ang itunuro niya. Napataas ang kilay ko sa nakita.
“Ano yan?”
Nakalutang sa eri ang maliwanag na bato na walang kulay.
“Yan ang kapares ng ability mo. Kung gusto mo lumakas hanapin mo ito sa loob ng Academy.”
Bumitaw siya sa akin. Lumapit ako sa bato para pag aralan ang kabuohan nito. May mga simbolo ang nakalagay na hindi ko maintindihan.
Humawak ako sa bato. Halos manginig ang buong katawan ko na may kasamang panlalamig. Napalingon ako sa babae. Bumitaw ako sa bato na lumayo ang babae sa akin. Tumakbo ako palapit sa kaniya pero lumalayo naman siya.
“Hintay..!”
Nagising ako habol hininga. Naliligo sa sariling pawis, bumangon ako na hindi mapalagay sa kinaupuan. Nilibot ko ang tingin sa loob, nandito ako sa Clinic.
“Mabuti naman gising ka na. Kumusta Ms. Trinidad?”
“Medyo ayos naman ako.”
Lumapit siya sa akin at binigay sa akin candy.
“Kainin mo yan para manumbalik ang iyong lakas.”
Sinunod ko ang kaniyang sinabi. “Nasa labas ang kaibigan mo. Maiwan na kita, pwede ka na lumabas kung gusto mo na umuwi sa dorm,” ngumiti siya sa akin bago lumabas.
BINABASA MO ANG
Special Academy ( COMPLETED)
FantastikHolly is a new student, in special academy. She entered to fulfill a promise to a friend who died. In the extra ordinary section, she felt envy especially in classmates in elemental capabilities and defensive capabilities. He moved to the ordinary s...