18: Traitor

55 8 0
                                    

Holly's Point Of View

Ang sakit ng ulo ko sobra hindi ko magawang imulat ang mga mata ko. Nakikinig na lang ako sa pinag usapan nila tungkol sa nangyari sa amin sa special garden.

Lahat ng sinabi nila nonsense. Sinubukan ko ibuka ang bibig ko pero hindi ko kaya ang sakit sobra.

Natigilan ako na marinig ang mga yapak na lumabas. Sawakas wala ng tao sa loob. Sinubukan ko gamitin ang ability ko pero hindi gumagana.

Bumukas ang pinto, pumasok ang kung sino base sa nararinig na yapak na palapit sa akin. Hinawakan ang buhok ko. Ang gaan ng kamay niya parang may naalala ako pero hindi ko matanda ang eksato pangyayari.

“I am worried about you that you suddenly disappear. Pero agawa mo palayain si Jabie sa kaniyang paghihirap pero kapalit naman ng ka ligtasan mo.” inalis niya ang kamay.

“ I'm trying to use my combination skill. Ang telepathy at mind reading ko nagawa ko magkaroon ng pangatlong ability.” huminto siya saglit sa pagsasalita. “I know you can use Combination Ability. But I do not know what results in case you combine your microwave and personal switches, your ability.” Dagdag pa niya.

Headmaster? Umalis siya na hindi ko man lang naramdaman. Hindi ko alam kung ilang araw na ako tulog.

Naalala ko si Jabie kumusta na kaya siya. Napabuntong hininga ako na maalaala ang misyon ko dito.

Teka, halos hindi ako nakahinga na maalaala ang sinabi ni Headmaster tungkol sa combine skill. Biglaan tumibok ang puso ko sa sobrang pagkapanabik. Ano kaya ang pangatlong ability ko.

Lumipas ang dalawang araw naka recover na ako pero hindi pa tuluyan gumaling. Hindi ko magamit ang Microwave maliban sa personality switch at personal information.

Nakausap ko kanina si Jabie nag paalam ito sa akin na uuwi sa kanila. Naging kapamte na ako dahil hindi siya galit sa akin.

Mabilis ako nag tago na lumitaw ang isang lalaki sa hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Nagpalinga linga ang lalaki. Halos na bigla ako na humarap ito sa direksyon ko.

Kung si Hannah ay hindi traitor nahuhumaling lang sa dark stone sa Miyan Farm. Hindi na bumabalik sa Special Academy sa kagustuhan gusto matuto sa gabay ni Sean. Pero ang babaeng ito, hindi ko pa ito nakita simula dumating ako sa Special Academy.

“I'm here again. Four days the holiday will end. I need to expand my knowledge of the Special Academy.”

Ngumisi siya na parang alam niya may nagma-masid sa kaniya. Hindi ko alam ang gagawin, hindi humngin ang palibot para sana makapag invisible ako nito.

Hinawakan ko ng mahigpit ang mga damo sabay pikit ng mata. Naririnig ko huminto ito sa harap ko.

“Pangit ng halaman ito.”

Lumipas ang ilang minuto wala ako narinig na boses. Sa aking pag mulat halos hindi ako makapaniwala.

“Barrier?”

Nasa loob ako barrier, walang ibang studyante ang may ability nito maliban kay Mengchi.

Impossible na siya ang traitor sa loob ng Academy. Hinawakan ko ang barrier, binawi ko ang kamay na naramdaman ko ang unit mula dito.

Kahit nagtataka ako sinubukan ko basagin ito ngunit walang epekto. Napansin ko ang aking sarili na parang nasa anyo ng halaman. Isa na naman sa kakayahan ng Microwave na mag tago sa halaman. Umalon sa katawan ko ang dahon na kinalalag nito.

Hinawakan ko ang lupa na naging sanhi na umalon ang lupa, sa pagkakataon ito hinampas ko ang barrier. Na basag ito sa marami piraso.

Nagmamadali ako umalis para mag tungo sa Clinic. Kaso pag dating ko sarado. Pumunta ako ng cafeteria, nakahinga ako ng maluwag nandoon si Manang Stella.

Masaya ito nakaupo habang nakaharap sa isang salamin na masayang nagsasalita. Nang makarating ako huminto siya.

“Holly, mabuti naman magaling ka na.”

“Hindi pa tuluyan gumaling. Gusto ko ng isang baso softdrink.”

“Teka lang ha.” Muli siya humarap sa salamin. Nalilito ako nakatingin sa kaniya na marinig ang boses na mula sa loob ng salamin.

Nag paalam si Manang sa kausap niya.

“Naku, alam ko ang tingin na yan. Anak ko ang kausap ko, ability niya ang mirror sa halip na gamitin niya ang cellphone, ang mirror na lang.”

Nakatingin lang ako sa kaniya na nilagyan ang baso.

“May iba pang continent na normal lahat walang halong special. Sinasabi ko sa iyo, Holly. Nakikita ko hindi ka bagay dito.”

Hindi ako makapag salita sa sinabi niya. Kinuha ko ang baso saka nag paalam sa kaniya.

Umupo ako malapit sa bintana. Gusto ko man i tanong kay Manang pero na unahan ako ng hiya.

Habang uminom ako ng softdrinks bigla ako natigilan na yumanig ang lupa. Nabitawan ko ang baso na ikinabagsak nito sa sahig.

Napatingin ako kay Manang pero nakatingin ito sa labas ng bintana. Sinundan ko ito ng tingin. Wala naman ako nakikita na kakaiba.

Natauhan si Manang na huminto ang lindol. Napatingin siya sa direksyon ko. Lumapit sa akin na walang emosyon habang dala ang walis at bakal na transcan.

Pakiramdam ko parang may mali. Hindi ako sigurado kung ano yun.

"Holly lumabas ka ng Cafeteria. Mas mabuti umuwi ka muna sa dorm o hindi kaya sa garden.”

Sa pag bitaw niya sa walis at transcan kusa ito gumalaw na parang may buhay. Ang lakas ng ability niya kahit hindi elemental.

Nag paalam ako kay Manang Stella habang nakatingin sa kaniya. Tuluyan ako nakalabas ng Cafeteria sakto naman papasok ang dalawang estudyante na mula sa Special.

Huminto ako Napalingon saglit. Nalaman ko na unang babae ay si Mingcho at kasama nito ang lalaki si Astroid na kaklase ko aa Extra Ordinary.

Hindi ko namalayan nakarating na ako ng dorm. Napapaisip ako si Mengchi ang babae yun pero iba ang name nakikita ko. Ang ability niya ang Barriers din.

Pumasok ako ng dorm, napagtanto ko may Traitor sa loob ng Academy. Pero ang tanong kung si Mengchi ba? Kung hindi sino? Alam na kaya ito ng Headmaster.

“Holiday ngayon, hindi magtatagal uulan ng niyebe.”

Biglang yumanig ang gusali sa sobrang lakas na tumba ako na una ang ulo ko. Hindi ko sinadya magamit ang ability ko muli na ikinasira ng sahig. Sa pagkakataon ito halos dumugo ang mata ko.

Napahiyaw ako sa sakit. Sa kagustuhan ko ibalik sa dati ang sahig, nag tagumpay ako gawin ngunit nandoon pa rin ang bakas na pag ka sira nito.

Nagpagulong gulong ako sa sahig. Napahiyaw ako sa sobrang sakit na halos pati palad ko namumula na.

Lumagpas ako sa limatasyon ko. Ayaw ko mawalang ng malay, kahit mahirap pinanatili ko nakadilat ang mga mata ko.

Bumukas ang pinto at niluwal si Ate Hena na nag alala sa akin. “Omygosh, Holly!” Hinawakan niya ang sahig na tuluyan nawala ang bakas na pagkasira.

Lumapit siya sa akin, tinapik niya ang pisngi ko. “Holly huwag ka matulog. Nandito ako para bigyan ka ng gamot pero ginulat mo naman ako.” Sinimulan ako gamutin ni Ate Hena. Ngunit hindi ko na kaya labanan, tuluyan na pumikit ang mata ko.

Huli ko narinig ang katagang “May isang traydor sa loob ng Academy.” hindi ako nagkamali sa hinala ko.

Special Academy ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon