16: Piece of necklace

51 9 0
                                    


Chapter 16


Kinabukasan maaga ako nagising para mag luto. Napansin ko ang note na iniwan ni kuro.

Pasensya na hindi ako nag paalam na uuwi ako. O nga pala holiday ngayon at sa susunod na linggo ang balik ko.

-Kuro

Wala akong magawa buong araw kung hindi ang mag kulong sa kwarto pero na isipan ko lumabas ng dorm ng dis oras ng gabi.

Alam ko bawal lumabas sa ganitong oras pero hindi ako mapakali. Maingat ang paglilibot ko sa loob ng paaralan hanggan sa napadpad ako sa office ni Headmaster. Nakabukas ang pinto, minabuti ko pumasok.

Napansin ko sa bookshelf na may kwintas. Kinuha ko ang kwintas saka nag madali lumabas ng office. Nagawa ko maglaho sa paningin ng mga teacher na paparating.

Habang nakatapak ako sa hangin tiningnan ko ang kwintas. Sa hindi malamang dahilan bigla na lang ito nagkapiraso pisaro sa maraming beses.

Nataranta ako naramdaman ng mga guro ang presensya ko. Sa kisap mata nasa harapan ako ng pinto ng dorm.

Pumasok ako na may gulat na eksrespyon. Umupo ako sa sahig na puno ng katanungan. Ang mga piraso ng kwintas sa palad ko lumutang at muling na buo. Isang imahe ang nilabas ng kwintas.

“Jabie?”

Anong kinalaman ni Jabie sa kwintas na ito. Hindi kaya may nalalaman siya sa pagkamatay ng kaibigan ko.

Naglaho ang imahe kasabay ang kwintas. Na iwan ako tulala. Napagtanto ko marami pa ako hindi alam sa sarili ko.

Una ang kakayahan ko makakita ng ibang information ng may special ability. Pangalawa akala ko touch wave ang kakayahan ko, yun pala microwaves. Pangatlo ngayon nagawa ko makarating sa kisap mata sa harap ng pinto ng kwarto ko. Hindi kaya isa ito sa kakayahan ng microwave ko.

Tumayo ako at lumapit sa bintana. Tanaw ko sa ibaba ang lalaki nakaupo sa ilalim ng puno.

Napatakip ako ng tenga na biglaan humangin. Hindi ko inalis ang tingin sa lalaki kahit hindi ko makita ng malinaw kung ano ginagawa niya.

“Holly I'm just here.”

Nanginginig ang buong katawan ko. Nakakakilabot ang boses na parang mula sa ilalim ng lupa.

“Holly help me!”

Bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa pangalawa pagkakataon na marinig ko ang boses niya, niyakap ko ang aking sarili sa sobrang ginaw.

“Holly, do not talk to him.”

Hindi ko na kaya ang sakit ng ulo ko. Pero pinipigilan ko sumigaw.

“Don't look at him.”

Nanlaki ang mga mata ko makita ang kaluluwa ni Lea, Sabrina at Althea. Hindi ako nagkakamali nakaluhod sila sa harapan ng lalaki.

“Holly close the window!”

Tumilapon ako at tumama sa pader. Nanhihina ako bumagsak sa sahig. Bago ako mawalang ng malay, nakita ko ang isang babae, malungkot nakatingin sa akin.

Special Academy ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon