8:Fire Ball

83 13 0
                                    

Chapter 8


Isang linggo na ang lumipas simula malaman ko kasama ako sa misyon. Hindi ko alam kung anong misyon, hindi pa sinasabi sa akin ng Headmaster. Ayon sa kaniya ang Leader ng Higher ang magsabi sa akin pero hanggan ngayon wala pa rin.

Abala ako sa pag sagot sa long quest sa normal subject. Ang teacher namin sa mga normal subject walang iba kung hindi ang Guidance Teacher. Subrang higpit niya lalo na sa quest, activity at. Project.

Hindi ko pa alam ang kaniyang ability sa hindi ko malaman dahilan. Isang linggo na rin hindi ko magamit ang makakita ng personal information ng iba.

Matapos ko saagutin ang quest kaagad ko ito binigay kay Ma'am Fatimah. Lumabas na ako ng room pero sinalubong naman ako ni Kuro.

“Holly pinatawag ka ni Headmaster.”

“Bakit?”

“Hindi ko alam eh. Ang mabuti pa pumunta ka, hindi kita masasamahan.”

Matapos mag paalam ni Kuro. Pumunta na ako sa Office ni Headmaster pero pagdating ko doonn wala naman tao. Napansin ko sa mesa ang papel na may nakasulat na Stone support.

Akmang dadamputin ko na sana ito kaso narinig ko ang yabag  na papalapit. Minabuti ko umupo na lang.

Bumukas ang pinto. “Ms. Trinidad here you are, I'm sorry to tell you. I will be transferred you to the other section.”

“Bakit po?”

“Let's say that your ability is not suitable for that section. Your ability is adjusted to the section ordinary.”

Hindi na ako nag reklamo. Finally hindi ko na makikita ang pagmumukha palagi ng mga elemental.

“ From now on in your usual section. Just fine with me if you didn't go in now.”

“Naintindihan ko po. Yun lang po ba kung bakit mo ako pinapunta?”

Umupo si Headmaster saka seryuso nakatingin sa akin.

“Tell me what happened to you. One week passed I did not believe in your reasons.”

“Okay sasabihin ko na ang totoo. Hindi po ako okay sa totoo lang, nararamdam ko pa rin ang sakit ng ulo ko sa tuwing sinusubukan ko gamitin ang ability ko pero mabilis ako nanghina.”

“Then?”

“Tatlong araw ang lumipas hindi ko magamit ang ability ko.”

Tumitig sa mata ko si Sir pero napakunot noo siya. “I think Ms. Trinidad kailangan mo mag pahinga, hindi sapat ang pahinga mo.”

“Maraming salamat po. Maiwan na po kita.”

Lumabas na ako ng office. Hindi ko alam kung saan ako patungo sa subrang lalim ng inisip ko. Dinala ako ng paa ko sa loob ng library sa pinakatago. Nagtaka ako na wala ako makita na mga libro gaya ng dati.

Lumitaw sa harapan ko ang fire ball. Sinundan ko ng tingin ito. Huminto ito sa pader, hindi ko inaasahan tumagos ang fire ball sa pader. Sinubukan ko rin, tumagos ako. Pag tingin ko sa harap. “Wow ang ganda,” tanging na sambit ko.

Nakalutang ang hagdan patungo sa ibaba. Ang dilim hindi ko makita ang nasa ibaba, pag tapak ko sa hagdan saka naman nagsilitawan sa gilid ang mga fire ball.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggan sa umabot ako sa harap ng higanteng pinto. Linapat ko ang palad ko sa pinto. Kusa naman nag bukas patagilid ang pinto.

Pumasok ako para malaman kung anong mayroon sa loob. Pyramid ang nandito at walang ng iba. Sa tuktok ng pyramid may kumikinang. Sa kagustuhan ko malaman hindi ako nag dalawang isip na puntahan.

Maraming patibog sa bawat tapak ko ngunit walang wala ito sa akin nang magamit ko muli ang aking ability. Nakarating ako sa tuktok. Nasa gitna ang bato nakalutang gaya ng nasa panaginip ko ganoon ang hugis ng bato.

Nang mahawakan ko ang bato maraming pumasok sa isipan ko na mga imahe. Sa isang iglap na punta ako sa nakaraan ng tao dati may-ari nito. Para nanonood ako ng movie. Pero malabo ang bawat eksena nakikita ko.

Nanumbalik ako sa realidad ng tumilapon ako palabas ng higanteng pinto. Pag bangon ko nandito ako ulit sa library pinakatago. May mga libro na ang nandito  gaya ng dati.

Napagpasyahan ko na lang umuwi. Habang naglalakad patungo sa dorm hindi ko maiwasan isipin ang nangyari sa akin. Biglaan ako napaluhod sa sakit, napansin ko dahan-dahan nagkaroon ng tattoo ang magkabilang pulso ko ng hugis alon.

“Ayos ka lang?” - Ate Hena.

Tinulungan ako tumayo ni ate Hena at inalalayan pa lumakad. Naramdaman ko sa palad ni ate Hena ang pagpasa ng enerhiya upang pagalingin ako.

Nag pasalamat ako kay Ate Hena na makaabot ng dorm. Sumalubong sa amin si Kuro nag alala.

“Kainin mo ang Candy Healing. Huwag ka muna pumasok, napapansin ko mas lalo humina ang katawan mo. Kuro ikaw na bahala dyan sa kasama mo,” paalam ni Ate Hena.

Pumasok na kami sa loob ni Kuro nang hindi ko na matanaw si Ate Hena.

“Holly anong nangyari sa iyo?”

“Humihina ang katawan ko. Hindi ko magamit ang ability ko.”

“Hula ko ginamit mo palagi ang ability mo? Yan kasi kasalasan ang epekto at may malala pa na pwede mangyari,” natatakot na paliwanag niya.

“Ano?”

“Paralyzed .”

Naalala ko ang Sleep paralysis sa sinabi niya. Katakot kahit kailang hindi ko gustuhin mangyari iyun. Siguro mas malala ang paralyzed na sinasabi niya.

“Pahinga ka na doon sa kwarto mo, Holly.” itinulak niya ako papasok sa kwarto ko. Wala akong magawa kung hindi ang tumawa. Ang ingay niya para siyang nanay kung nagsalita.

“Huwag kalimutan kainin candy healing na binigay ni Ate Hena ha?”

“Oo nay,” kitang kita ng dalawang mata ko umusok ang ilong niya. Kaagad ko sinara ang pinto mukhang na bad mood ang invisible girl.

Lumapit ako sa bintana para mag pahangin. Kinain ko ang candy healing. Ang ganda talaga ng tanawin sa ibaba.

“Fire Ball?!”

Napa atras ako nasa harapan ko ang maraming fire ball.

Hinarang ko ang kamay ko pero walang nangyari kung hindi tumagos ang mga ito.

Nilibot ko ang paningin ko. Nagkalat ang fire ball at lumalapit sa libro kinuha ko sa library. Lumapit ako saka dinamput ang libro, binuklat, nagtataka ako mga dati blankong pahina mayroon ng lamang.

Each person with a special ability has a matching stone to strengthen the special ability they have.

Positive side effect strengthens the special ability that a person has and the partner special ability that the person has will appear.

A Negative side effect is the severe weakness that the body did not immediately accept the energy entering the body.

Ngayon naintindihan ko na. Ito ang negative side effects anf naranasan ko.

Sa pag laho ng fire ball kasabay bumalik sa blanko ang pahina binasa ko. Isinara ko ang libro saka nilapag sa mesa.

Napagpasyahan ko humiga sa kama habang iniisip kung anong kapares na ability ang mayroon ako at sinong tao kaya.

Special Academy ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon