7:Ability Limitation

81 13 0
                                    


Chapter 7
Paano mo malalaman kung hanggan saan ang kaya mo gawin kung hindi mo susubukan.

Abala ako sa pagbabasa tungkol sa technology ability. Ngunit kahit isa wala ako makita patungkol sa kakayahan ko makita ang personal information ng iba. Linipat ko sa ibang pahina na matapos ko basahin. Pero ganoon pa rin ang kasunod wala konekta sa ability ko. Linapag ko ang libro dinamput ko ang libro binasa ko sa library.

Palipat lipat ako ng pahina hanggan sa huminto ako na makita ang simbolo ng mga elemental ability.

"Kung mayroon sana lang ako elemental ability baka sa panahon yun naligtas ko siya. Pero ito ang kasalukuyang na kailangan paghandaan."

Nilipat ko ang pahina. Halos nanginginig ako na makita ang larawan ng isang lalaki. Nag aapoy ang kaniyang buhok, may perpektong mukha na halos gugustuhin ng lahat.

Name: Xian
Special Ability: Pyrokinesis - create, control and manipulate fire, flame and heat.

Mas malakas pa siya sa fire manipulation. Wala ako nabasa sa history tungkol sa kaniya.

Nilipat ko ang pahina ngunit blanko. Isinarado ko ang libro maalaala kailangan ko pala kumain.

Naabutan ko sa sala si Kuro na kasalukuyang kumakain ng chocolate. Hinila ko siya palabas ng dorm.

"Anong problema mo?"

"Gutom na ako. Kailangan ko ng kasama. Hindi maganda sa Kalusugan ang puro kinakain chocolate ng buong araw."

Mabilis naman niya tinago ang chocolate na hawak niya. Walang nagawa si Kuro kung hindi ang sumama sa akin.

Dumating kami sa cafeteria na halos puno ang bawat mesa maliban sa kabila sa Higher Student ay kaunti lang. Hindi man lang umabot ng sampu.

Naghanap na kami ng mesa ngunit sa kasamaan palad sira pa ang upuan. "Ayos na rin ito kaysa wala. Wow ano ito?" turo ko sa notebook at pencil.

"Dyan isulat ang order mo."

Sumulat na ako ng order namin. Hindi nagtagal dumating ang order namin, maayos lumapag sa mesa ang pagkain at juice.

"Galing talaga ng ability ni Manang Stella. Hindi ba ka tulad mo lang siya ng ability, Holly?"

"Oo. Kaya niya mag pagalaw ng mga gamit basta nahahawakan niya. Samantala sa akin kaya ko gumawa ng alon sa pamamagitan sa pahawak at pag lapat ng palad ko."

Sinubo niya ang pagkain. Akmang magsalita pa siya ngunit pinigilan ko at pinagsabihan.

Abala kami kumakain ng bigla nagsiliparan ang mga pagkain at juice namin at bumagsak sa sahig. Tulala nabitawan ni Kuro ang kutsara.

"Lagot baka may ginawang sila hindi nagustuhan ng mga Higher."

"Kung pa ako sa kanila humigi na agad sila ng tawad habang maaga pa."

"Unang nakaaway ng Holly na yan si Queen. Ngayon malabo walang laban si Holly sa Higher. Kung kay Tian pa lang hirap na siya manalo."

Hindi ko pinansin ang mga marites. Masama ako tumitig sa may gawa. Hindi ko mapigilan ang nakaramdam ng galit.

Nagsilitawan ang mga detailed sa ibabaw ng ulo nilang anim. Malaya ko nakikita ito.

Personal information Higher Student.

•Hanzi Uwu, Male, 22 year old, and Special Ability Wind manipulation.
•Leo Shang, Male, 23 year old, and Special Ability Earth Manipulation.
•Eljah Sun, Female, 22 years old, and special ability Reflect Healing.
•Ling Tah, Female, 23 years old, and Special Ability Freeze.
•Harley Valley, Male, 21 year old, and Special Ability Self Detonation

Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kusa kumikilos ang katawan ko, ngayon kontrol na ako ability ko.

Sinuntok ko ang sahig na naging sanhi na umalon patungo sa Higher student. Humarang ang lalaki may pangalan Leo. Tumadyak sa sahig, umangat ang sahig at doon tumama ang alon.

Ayaw ko ng ganito. Kusa hinampas ko ang hangin na paparating sa akin, at bumalik ito sa kanila na umalon. Napayuko ang Higher Student. Napalingon ako sa likod nasa labas na silang lahat maliban kay Manang na seryuso nakatingin sa akin.

Mabilis ako tumakbo nang makarating sa kanilang harapan tumalon ako saka sinuntok ko ang ginawa pader ni Leo. Nawasak ko ng ganoon kadali. Ngunit sumalubong sa aking mga apoy ngunit ang lahat ng yun mabilis ko na iwasan.

Sumuntok ako sa kanilang harapan pero tumilapon ako na lumitaw ang barrier na likha ni Mengchi.

"Hindi ko makontrol ang sarili ko...!"

Pinipigilan ko ang kanang kamay ko na sumuntok sa sahig gamit ang kaliwang kamay ko. Ngunit sa bandang huli malakas na tumama ang kamao ko na naging sanhi na pag lutang ng mesa at upuan.

Hinawi ko ang hangin patungo sa kanila, ang lahat ng gamit sa cafeteria nakalutang sa eri ay sumabay sa hangin na umalon.

Pinalutang ni Hanzi si Harley sa eri para sumalubong sa ataki ko. Hindi ko inaasahan sumabog si Harley kasabay pag tilapon ko sa subrang lakas ng hangin na likha ng pagsabog.

Bumangon ako mula sa pagkahiga. Malaya umagos ang dugo sa mga mata ko. Napahiyaw ako sa sakit. May mga imahe nakikita ko sa isipan ko.

Hindi ko namalayan nakalapit na si Manang sa akin. Hinawakan niya ako saglit na naging sanhi nanghina ako. Hindi ko alam kung paano nangyari.

"All of you follow me!"

Napalingon ako sa nagsalita. Siya na kaya ang Headmaster ng paaralan? Pero ang bata pa niya, akala ko matanda na.

"Ms. Holly ayos ka lang?" nag alalang tanong sa akin ni Manang Stella.

Tumango lang ako kahit hindi maayos sa totoo lang. Umiikot ang paningin ko kasunod bumagsak ako sa sahig na hindi makagalaw.

***

"Ms. Trinidad suki ka ng Clinic." biro sa akin ni Ate Hena.

"Parang ganoon na nga po."

"Maiwan muna kita." Lumabas na siya ng silid, lumipas ang isang minuto pumasok ang pitong estudyante, si Ma'am Fatimah at ang Headmaster.

Lumitaw sa ibabaw ng ulo ng headmaster ang detailed kahit hindi ko ginusto.

Name:Khie yang
Gender: Male
Age: 90
Special Ability : Telepathy /Mind Reading

Napahawak ako sa ulo na sumakit na naman. Hindi ako makapaniwala ang tanda na pala ng Headmaster hindi halata baby face niya.

"Ms. Trinidad are you okay?"

Tumango lang ako. Pero bigla ako napaubo. Hindi ko namalayan umagos ang dugo sa labi patungo sa leeg.

"You not okay, Ms. Trinidad. Tell me what happened to you?" Headmaster.

Pinunasan ko ang labi hanggan leeg ko gamit ang palad ko.

Hindi ako makasagot. Nag iisip ng idahilan. Sana hindi niya mabasa ang isipan ko.

Umupo ang pitong estudyante habang si Ma'am Fatimah lumapit sa akin samantala si Headmaster nakatingin lang sa akin.

"Eljah, gamutin mo siya."

Lumapit sa akin si Eljah. Hinawakan niya ang ulo ko. Nakaramdam ako ng malamig na mula sa kaniyang palad. Lumipas ang limang minuto umayos ang pakiramdam ko.

Inalis ni Eljah ang kamay matapos niya ako gamutin.

"I don't want to force you if you don't want to say." - Headmaster.

"I am here to tell you that you are included in the mission of the Higher. I see your ability na malaking tulong sa misyon."

Halos hindi makakilos sa akin narinig. Ipapadala nila ako sa misyon kahit new student pa lang ako. Pero malaking pasasalamat ko nangyari yum kung hindi, baka hindi ko malaman ang limitasyon ko.

Special Academy ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon