22:The opponent's leader

51 7 0
                                    

“Headmaster...!” sigaw ng babae mula sa Ordinary na tinamaan sa bandang dibdib ng mga bakal.

Naglaho sa paningin ng dalawang kalaban si Kuro matapos gamitin ang ability nito.

“Christine?”

Tanging sigaw na lang ang nagawa ng Headmaster matapos mamatay ang estudyante si Christine.

Kahit gamitin niya ang ability niya mind manipulation, wala itong silbi sa kaharap niya na elemental ability.

Mabilis tumakbo ang Headmaster sa direksyon ni Hanabi na kasalukuyang hindi makagalaw sa bigla pagkamatay ng matalik niya kaibigan si Christine.

Muntik na tumama ang metal sa dibdib ni Hanabi mabuti na lang na hila siya ng Headmaster at doon tumama sa lupa ang metal.

Natauhan si Hanabi na sigawan siya ng Headmaster sa sobrang inis. Kaagad humingi ng tawad si Hanabi bago humarap sa kalaban.

“Hindi magtatagal malapit na darating ang pinuno namin.”

Napatalon ang dalawa ng gumalaw ang metal. Na iwasan nila ang mga metal kahit sobrang bilis na ito ngunit nanakit ang kanilang binti at halos sobrang bilis ng tibok ng puso na halos lalabas na ito.

Bumagsak ang dalawa sa lupa na habol hininga. Lumikha si Hanabi ng maraming papel saka hinagis sa eri. Sa gabay ng Headmaster nagawa nila makatakas sa dalawa.

“Natakasan tayo!”

Hindi nagawa ng dalawa habulin pa sila ng humarang si Hanshi. Tinapakan ang kanilang anino.

Nagtaka ang dalawa nakatingin kay Hanshi. Nagpupumilit na makagalaw ngunit hindi nila magawa. Sa pagkakataon ito hindi rin nila makontrol ang kanilang ability.

“Pinatay niyo ang ordinary student. Ngayon papatayin ko rin kayo...!”

Bumagsak ang magkabilang tuhod ng dalawa sa lupa. Nagawa makatakas ng kalaban na sumabog ang katawan ng babae kasama.

Mabilis tumakbo ang lalaki saka tumalon sa eri at bumagsak sa harapan ni Hanshi, ngunit bigla na lang ito huminto.

“Minamaliit mo talaga ako? Pwes papatayin na rin kita.”

Nanginginig ang buong katawan ng lalaki. Nanglalaki ang mga mata na sinuntok siya sa dibdib ni Hanshi saka sinapa sa tiyan na ikinatilapon.

“Hindi man lang ako nahirapan.”

Mabilis iniwasan ni Hanshi ang mga metal na patuloy umaatake sa kaniya. Kahit hindi na magawang makatayo ng kalaban pero nagawa pa nito kontrolin ang mga metal.

“Kailangan mo ng tulong?!” sigaw ni Stella kakatapos lang patayin ang nakalaban niya.

Hindi magawang makasagot ni Hanshi. Tumango na lang siya dito.

“Walang problema!”

Hinawakan ni Stella ang mga bato at patay na nagkalat. Gumalaw ang lahat ng hinawakan niya. Sa kumpas ng kamay niya unang bumagsak kalaban ang bato sa bandang ulo na ikinamatay nito bago bumagsak ang mga bangkay.

Natalo na nila ang lahat ng kalaban ngunit bagsak din ang kanilang katawan sa sobrang pananakit. Nakahiga ng maluwag ang lahat.

Ngunit natigilan sila na biglang may buhawi ang lumitaw na hindi ganoon ka laki. Sa pag laho ng buhawi, nawalang ng pag-asa ang lahat na makita ang dalawang lalaki nakatayo.

Naramdaman ng Headmaster ang pamilyar na mula dito. Namukhaan niya ito. Kahit maraming taon na ang lumipas hindi malilimutan ng Headmaster ang pagmumukha ng minsan na niyang naging kaaway sa loob ng Main Academy sa panahon estudyante pa siya dito.

“Ikaw siguro si Master Eleven na sinasabi ng mga tauhan mo.”

Napatingin ang lalaki sa Headmaster na may mababang tingin. Pinakiramdaman ang ability ng Headmaster.

“Hmm... Isa ka rin Dual, matagal rin hindi tayo nagkita muli.”

Parang sasabog sa galit ang Headmaster na hindi nagkamali ito sa hinala.

Flash Back

Nakaupo ang dalawang lalaki sa harap ng Main Academy Office. Matalik silang magkaibigan at halos kapatid na ang kanilang turing sa isa't isa.

Ang araw na pinakahihintay nila ang makatapos sa pag aaral sa pinaka unang Academy para sa mga Special.

“Pinapatawag ko kayong tatlo para sa pag pili sa susunod na Headmaster ng Special Academy. Ngayon official ko binubuksan ang pag pili sa susunod na Headmaster,” natutuwa sambit ng babae.

Nagtaka ang dalawa kung sino ang pangatlo. Ngunit laking gulat ng dalawa na pumasok ang binata na may kakayahan makakita ng hinaharap.

“Unix Zeke?” gulat na sambit ng dalawa.

Hindi nagsalita ang binata. Umupo ito sa tabi nila na hindi sila nilingon.

Nagsimula ang pagpili ng Headmaster ngunit nanatili tahimik si Unix Zeke habang pinakikinggan ang kabuohan nagawa nila simula pumasok sa Main Academy hanggan sa makatapos sila.

Matapos ang pag anonsyo ng kung sino ang napili Headmaster. Kaagad tumayo si Unix Zeke para kontrahin ang naging pasya ng mga nakakataas.

Simula sa araw na iyong hindi na muli nakita si Unix Zeke. Ang bagong pinalit sa posisyon si Jake Khie ngunit hindi niya ito tinanggap sa kadahilanan hindi niya pinangarap maging Headmaster.

Ngunit hindi pumayag ang mga nakakataas. Ayaw nila maging Headmaster si Keleven dahil kulang ito sa kaalaman, karanasan, may hindi magandang ugali at higit sa lahat may mababang kakayahan.

Nakaramdama ng inggit si Keleven na maliitin siya ng mga Special Council. Simula sa umpisa nagsusumikap siya na matupad ang pangarap na maging Headmaster.

Kinabukasan hindi nagpakita si Keleven kasabay I anonsyo ang susunod na Headmaster ng Special Academy.

Akala ni Jake Khie abala lang si Keleven. Ngunit na magtagpu ang kanilang landas muli sa loob ng Main Academy. Nagkaroon ng labanan sa pagitan nila pero hindi nag tagumpay si Keleven na pahintuhin ng mga Special Council. Dahil dito Official na tinanggal si Keleven sa Academy. Kahit saan man mag punta na Academy hindi siya tatanggapin lalo na ang kaniyang anak sa pinakamamahal niyang nobya. Iniwan sa kaniya ang bata na walang rin silbi dahil mahina ang ability nito na Microwave. Kulang sa kaalaman si Keleven dahil dito sa takot iniwan niya ang bata sa basuraan.

Nalaman ni Jake Khie ang tungkol dito. Muli nag away ang magkaibigan, bago mag hiwalay sugatan ang bawat isa.

Hinanap ni Jake Khie ang bata. Ang tanging alam niya batang babae ito nasa anim na taon gulang. Ngunit sa matagal na paghahanap hindi niya ito nahanap.

End Flash Back

“Keleven?”

“Ako nga.” tinapik ang balikat ng kasama ni Keleven ng hindi nakikita anyong kamay na hangin.

Napansin ng Headmaster ang balak ng kasama ni Keleven. Sa kisap mata bumagsak ang lahat maliban sa Headmaster, Hanshi, Wave, Eljah at Mengchi.

“Keleven itigil mo ito!”

“What is the reason?” na iiyak na sambit ng Headmaster. “Why you did this destroy the Special Academy?”

“You do not have to ask for any reason. I know, you know what.”

Nagsimula kumilos ang lalaki para patayin ang Headmaster. Pero nagawa ito harangin ni waves gamit ang Goblem at pinalakas ni Hanshi sa pag kontrol sa anino ng mga Goblem.

Samantala ang dalawang babae abala sa pag tulong sa iba na para itakas habang abala pa ang kalaban.

“Keleven?!”

Napalingon ang lahat. Bumilis ang tibok ng puso makita ang pugot na ulo ni Jabie na kasalukuyang hawak ni Keleven.

Special Academy ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon