10: Illusion

70 11 0
                                    


Chapter 10


Kung kanina puno ng kasayahan ngunit ngayon kabaliktaran. Nandito kami ngayon sa tinatawag nila na Aither. Nasa likod ng Academy.

Nakahiga si Lea sa malambot na mga bulaklak. Naka uniform siya. Isa batas sa paaralan na huwag bihisan ang namatay.

Dahan-dahan ako lumalapit sa walang buhay na katawan ni Lea. Nilagay ko sa gilid ng katawan niya ang bulaklak. Ako kasi ang pakinahuli mag lagay. Hindi ko sinasadya na mabunggo ko saglit ang kamay ni Lea.

Nakahinga ako ng maluwag na walang nakapansin. Bumalik ako kinatayuan ko kanina.

Nakakunot noo ko na pumasok ang isang lalaki. Walang nakapansin sa kaniya.

“Maraming salamat Lea sa lahat ng ala-ala mo. Mananatili nasa puso at isip namin ang mga yun.” - Jabie.

Nawala ang lalaki sa paningin ko na mag simula mag iyakan ang lahat maliban sa akin nanatili tahimik.

Nag liwanag ang buhok ni Lea. Dahan-dahan nagkaroon ng daloy sa ugat ang liwanag sa buong katawan.

Sa kisap mata naglaho pa angat ang katawan ni Lea.

“Ano?” mahinang sambit ko.

Lumitaw ang personal information sa hangin.  “Lea Cyra Gates.” pamilyar sa akin ang full name niya. Halos manginig ang buong katawan ko na makita ang special ability.

“Hindi maari.”

Tinapik ako sa balikat ng kambal. Hindi ko sila pinansin. Naalala ko na naman ang araw na iyon. Hindi ko namalayan malaya umagos ang luha ko.

“Hindi...!” sigaw ko.

Nagulat ang lahat na tumingin sa akin.

Hinawakan ako sa magkabilang balikat ni Christine. “Ayos ka lang? Ang putla mo subra.”

Hindi ko magawang makapag salita. Napailing iling ako. Biglaan ko narinig ang malakas na pag sabog.

Hinawakan ko ang aking buhok saka sinabutan ang sarili.

“Holly tama na. Anong ginagawa mo sa sarili mo?” - Kura.

Imposible hindi nila narinig ang pagsabog. Nanlaki ang mga mata ko na makita nasa likod ito ni Jabie.

Itinuro ko ito ngunit biglaan bumagsak ang magkabilang tuhod ko. “Siya yun?” parang may humanpas sa leeg ko.

***

“Are you okay?” bungad sa akin ni Sir Alibaba.

“Yes. Nasaan ako?” pikit dilat paulit ulit na ginawa koo habang bumangon.

“In my office. Your classmates brought you here.”

“Tell me what happened to you?”

Nakatayo si Sir sa gilid  ng anino na kama. Ang kama kinahigaan ko. Sa paghawak niya sa anino sa kisap mata kaagad ito naglaho.

“I don't know if you will believe me sir.  I saw a man with red eyes earlier.”

“Where did you see him?”

“Sa Aither.”

Tumitig si Sir sa mata ko. “Is that man wearing pure black?”

“Yes sir.”

“Oh. Maybe he killed Lea or he has other attention besides going in Aither. Are you the only one who saw him?”

“Yes sir.

“Do not worry.  I will report it to the headmaster for immediate action.” Umiwas siya ng tingin sa akin. May dinukot siya sa kaniyang bulsa at ibinigay sa akin ang candy. “This is candy healing, eat it to restore your strength.”

“Thank you po.” kinain ko ang candy. “Sir pwede na ba ako umuwi?”

“Yes. Take care.”

Lumabas na ako ng office ni Sir.

***

Nakaupo ako sa sanga ng puno para mag pa hangin. Kahit bawal lumabas ng alas otso ng gabi nandito ako sa hardin.

Nagmamasid ako sa ibaba. Hindi makita ng kahit sino ako dahil natatakpan ng mga dahon kinaupuan ko.

Napatayo ako na marinig ang pag sabog at sigawan na parang nag habulan. Hindi nag tagal pumasok ang lalaking nakita ko kanina. Huminto ito na matamaan ng lupa. Wala na rin ito matatakasan pa na umangat ang lupa sa palibot niya maliban sa harap.

“Huli ka!”

Walang kahirap hirap na bumalot ang lupa mula ibaba hanggan leeg ng lalaki.

“Anong pakay mo sa Special Academy?!”

“I won't say anything.”

“Wala pala.” sa kisap mata nasa harapan na si Namsoon ng lalaki. Susuntukin niya ang lalaki ngunit biglaan ito huminto, kita ang hangin na mula sa kamao na halata pinipigilan ang sarili.

“I have him under my special ability. I'm going to run away.”

Pilit sinira ng lalaki ang lupa bumabalot sa kaniya ngunit nabigo ito.

“Personal information,” bulong ko sa hangin.

Wala ako makita maliban sa special ability ng lalaki. “Kung ganoon illusion may kakayahan ipakita ang imahinasyon. Nasa ilalim siya ng illusion na malayo sa reality.”

Umalon ang lupa kahit tinitigan ko lang ito. Natumba si Namsoon kaya nanumbalik ito sa realidad ang kaisipan.

Sakto dumatimg si  Leo Shang na pina angat lalo ang lupa. Na kasunod sa kaniya si Eljah na lumapit kaagad kay Namsoon para gamutin.

Lumutang ang lalaki na balot ng hangin.

“Buti dumating ka Hanzi. Dalhin na natin yan sa Guidance.” - Leo Shang.

“Mabuti pa nga.” - Eljah.

Nagsimula naglakad ang lahat ngunit napasigaw ako ma may kumagat na insekto sa leeg ko. Muntik na ako mahulog kung hindi ako Kumapit ng mabuti.

“Mauna na kayo ako na ang titingin.” - Hanzi.

“Sige ingat ka.”

Umalis na ang tatlo samantala si Hanzi paparating na sa puno kinalagyan ko. Napabitaw na may kumagat muli na insekto sa kamay ko.

Pumikit ako  habang nahuhulog ngunit lumipas ang isang minuto na hindi pa rin ako bumagsak.

“Wala naman tao. Makaalis na nga.”

Pag dilat ng mata ko kasabay naman pagtalikod ni Hanzi.

Paano nangyari hindi niya ako nakita. Hindi ako gumalaw sa takot na marinig ni Hanzi. Ayaw ko maparusahan, balita ko ipinagbawal gamitin ang ability ng isang linggo.

Nakahinga ako ng maluwag na tuluyan na siyang umalis. “Paano ko nakontrol ang hangin?” nakalutang sa umaalon na hangin habang nakapalibot sa akin ang invisible na alon.

“Hindi kaya maari ko makontrol ang ibang ability ng iban tao gamit ang alon?”

“Paano na ito? Hindi ko alam paano bumalik sa normal.”

Wala akong nakagawa kung hindi pa angatin ang sarili sa eri gamit ang hangin na pinaalon ko. Para ako lumipad sa kalagayan ko. Sumabay ang katawan ko sa alon pa alis ng hardin patungo sa dorm.

Lumipas ang maraming minuto nasa harap na ako ng bintana ng kwarto ko. Napahawak ako sa dibdib na may tumingin sa direksyon ko. Mabuti naman bumalik ito sa ginagawa.

“Ang babae yun ay kabilang sa Special.”

Mabuti bukas ang pinto. Pumasok ako na walmg ingay ang nagaawa. Ngunit biglaan ako nahulog at mabuti bumagsak ako sa kama na una ang mukha.

“Muntik na ako ma huli. Sana bukas maayos ang lahat, walang makakaalam na lumabag sa ako sa batas.”

Pinaalon ko hangin na itulak ang bintana pasara. Hindi ko na kayanan ang antok. Hindi ko namalayan nakapikit na ang mata ko.

Special Academy ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon