23:Holly Is A Live

50 7 0
                                    

Chapter 23

Samantala sa loob ng Clinic huminto si Hena na habol hininga matapos pahilumin ang sugat sa leeg ni Holly. Bumagsak siya sa gilid ni Holly , kanina pa siya gumamot sa mga estudyante at pang huli si Holly na tuluyan siya nanghina. Naririnig niya ang sigawan ng mga tao sa labas. Nagpupumilit siya makatayo para makita ang nangyari.

Iniwan niya si Holly matapos masiguro na tapos na niya pag hilumin ang sugat nito. Paika ika naglakad palapit si Hena. Nang makarating, hindi niya naiwasan magalit. Sa ibaba kitang kita ng dalawang mata niya ang leader ng kalaban.

Natatakot si Hena na baka umabot sa punto mamatay ang lahat ng estudyante. Ikababagsak ito ng Special Academy sa ranking ng lahat ng Academy. Dinukot ni Hena sa bulsa ang Cellphone saka binuksan at tumawag sa Main Academy at Special Agent para humingi ng tulong. Sinabihan na si Hena ng Headmaster na huwag mag sumbong sa main, pero wala na siyang pagpipilian pa.

“Oh no...!”

Tumakbo si Hena sa gilid kasabay nawasak ang pader ng Clinic. Kitang kita niya ang kasalukuyang nangyayari sa labas. Pinagtulungan nila ang kasama ng pinuno ng kalaban, nag tagumpay sila na matalo ito. Pero hindi nila nagawa pang umatake sa pinuno, nang bigla hindi bumagal ang kanilang ability.

“Gaya ng sabi ng Headmaster, huli na makakarating ang Special Agent. Kailangan ko tumulong, hayaan ko na dyan ang katawan ni Holly.”

Tumakbo si Hena saka tumalon at bumagsak sa lupa na nakatayo.

“Kailangan niyo ba ang tulong ko?”

Napalingon sa kaniya ang lahat. Napatawa ng bahagya ang lalaki na malaman nito na wala naman rare especial ability si Hena. Anong magagawa ng healing ability sa kaniya.

“Mas mabuti sumuko na kayo at ibigay sa akin ang huling apo ni Unikzake.”

Sa kumpas ng kamay ni keleven bumagsak si Hena na hindi makakilos.

“Kung hindi niyo ako pagbibigyan pwes buburahin ko kayo lahat!”

Nabuo sa palad ni Keleven ang malaking buhawi, tumadyak sa lupa siya naging dahilan na umalon ang lupa na hindi tumigil.

“Wala na kayong pag-asa makaligtas sa akin.”

Makikita sa mata ni Keleven na walang emosyon, nilamon na siya ng inggit, galit at tanging nasa isip niya palagi ang maghiganti.

Gumuho ang gusali sa paaralan na walang natira ang nakatayo. Nag-alala ang iba kay Holly pero wala silang magagawa kung hindi isipin paano sila makakatakas.

Hindi na magawang makalikha ni Mengchi ng barriers dahil halos hindi na niya maigalaw ang kamay.

Nagpupumilit na humakbang si Hanzi kahit nagkasugat sugat na siya sa alon. Pinigilan siya ng Headmaster ngunit hindi na ito nakinig.

“Master papatayin ko na rin ba itong dalawa?” tanong ng kasamahan ni Keleven na kasalukuyang nakatutok ang espada sa leeg ni Hanshi at Wave.

“A-Ako ang huling apo ni Unixzake.”

Napalingon si keleven sa binata na kasalukuyang naglalakad palapit sa kaniya. Kapansin-pansin ang sugat sa iba't ibang katawan ng binata na sanhi na ginawa pag alon ni Keleven.

“Isa na naman special ability ang mapasakamay ko.”

Itinuro ni Keleven si Hanzi kasabay lumutang sa eri.

Lumitaw ang maraming alitaptap na mula sa kung saan, nalilito ang lahat kung ano ang nangyari.

Napatingin sila kay keleven na lumabas mula sa kaniyang bunganga ang maraming alitaptap.

Dahan-dahan lumulutang sa eri si Keleven na ikinabahala ng lahat.

“Master huwag mo ako kalimutan bigyan ng lakas!”

Ngunit natigilan si Keleven na umalon ang hangin na muntik na siya matangay nito. Ang pag alon sa lupa ay huminto.

Nanlaki ang mata ng kasama ni Keleven na bigla na ito sumuka ng dugo.

"Anong nangyayari?” tanging na sambit ng lalaki bago bumagsak na walang buhay.

“Lumayo ka papa.”

Hinanap nila ang pinagmulan ng tinig ngunit hindi nila matukoy kahit gamitin nila ang natatanging kakayahan, subalit parang may pumipigil na kung ano man.

“Sino ka?! Magpakita ka, huwag ka duwag!”

“Nandito lang ako Ama. Hindi ako makakapayag na kunin mo sa kanila ang biyaya natanggap nila at lalong hindi kita hahayahan na pumatay.”

“Headmaster! “

“Hanzi!”

Dinapuan ang dalawa ng alitaptap na naging sanhi na humina sila bigla.

“Hindi ito pwede mangyari!”

Mas lalo lumakas ang alon na ikinatilapon ng mga alitaptap pabalik sa nag may-ari nito.

Sa pag hinto ng alon kasabay naman dahan-dahan nabuo ang pigura ng isang babae.

“Anak?”

“Ako nga ama.”

“Hindi maari, patay ka na!”

Balot ng liwanag ang pigura hindi nila alam kung sino ang babaeng ito. Pagkakataon na lumapit ni Hena kay Hanzi kahit hirap na gumapang patungo nito.

Nagpakawala ng atake si Keleven ngunit inalon lang ito pabalik sa kaniya. Bago pa man ito tumama sa kaniya, pinaglaho niya ito.

“Paano ka nabuhay anak? Ang huli kong balita patay ka na.”

Iniwan ni Keleven ang bata ngunit hindi siya umalis hanggat wala ito makakita upang masiguro ang kaligtasan nito.

Umalis si keleven na masiguro kinuha ng babae ang kaniyang anak. Lumipas ang taon muli siya bumalik upang malaman kung ano ang kalagayan ng bata. Peor nabalitaan niya patay na ito kasama ang bata.

Muli nagpakawala ng atake si Keleven ng sunod sunod-sunod gamit ang iba't ibang ability nakuha niya.

Walang kahirap hirap ito sinangga at pinasabog ng babae.

Sa paghupa ng liwanag bumungad sa kanila. Ang isang babae na may kulay violet na mata at may mahabang kulot na buhok hanggang beywang. Walang pinagbago ang kasuotan, ganoon pa rin.

“Holly?” hindi makapaniwala sambit ng Headmaster.

“Ikaw nga, anak ko. Pero hindi pwede tumigil ako sa akin mithiin malapit ko na ito maabot. Sumama ka sa akin anak.”

“Ang iyong inggit ang nangingibaw sa puso at isipan mo. Nakalimutan mo na iyong pagmamahal sa lahat, ama.”

“Wala kang alam, manahimik ka!”

Sabay ang dalawa nag pakawala ng atake na naging sanhi na malakas na pag sabog.

Bigla huminto ang lahat maliban sa oras. Gumagana ang special ability ni holly na Microwave na lagpas sa hangganan nito.

“Sorry Ama, pero dito na lang magtatapos ang lahat ng pangarap mo.”

“Huwag...!” sigaw ng Headmaster.

Huli na ang lahat na mag vibrate ang hangin kasabay bumagsak ang walang buhay na katawan ni Keleven. Samantala ang kasama ni Keleven nagkapiraso piraso ng maraming beses na naging sanhi na pagkamatay.

Hindi nila inaasahan ang sunod na nangyari dahan-dahan naglaho si Holly.

Special Academy ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon