Chapter 11Hindi ako mapalagay lakad doon, lakad dito ng paulit ulit.
“Holly tumigil ka nga. Anong problema mo?”
“Wala.”
Sinabunutan ko sa sarili ko. “Kainis hindi mali yata yun.”
“Ang alin?”
“Anong pinagsasabi mo dyan alin?”
“Yun sinabi mo.”
“Anong balita tungkol kahapon?” iba ko ng usapan.
“Hays hindi kita talaga maintindihan. Nangyari tungkol sa iyo kahapon, ayos lang. Na bigla lang kami, akalain mo yun, umiyak ka. Hindi mo naman kakilala yun si Lea.”
“Naalala ko yun kapatid ko.” pagsisinungaling ko.
“Kaya pala. Pasensya na pinaalaala ko ulit sa iyo.” narinig namin na tumunog pinto na may kumatok. “Ako na ang magbubukas.”
Sinundan ko lang siya ng tingin. Binuksan ang pintuan at niluwal si Christine.
“May new balita ako sa inyo. Bago yun bigyan ako ng kape. Ang lamig.”
Pagkatapos isarado ni Kuro ang pinto. Kaagad siya nag tungo sa kusina para ipagtimpla si Christine.
Bumalik si Kuro na dala ang tasa. Ibinigay niya kay Christine na kaagad naman niya tinanggap.
“Ang sarap ng kape.” inamoy pa niya bago uminon ulit. “Nabalitaan niyo kagabi may nangyari. Akala ko kagabi guni-guni ko lang narinig ang pagsabog pero.”
“Hay naku, Christine. Huwag ka na pabitin dyan.”
“Sige na nga. May nahuli kagabi na outsider. At may namatay sa section na natin na babae ulit. Si Sabrina namatay kagabi, naabutan ng kadorma mate niya na walang buhay nakahinga sa sofa. Nakadilat ang mga mata gaya ng kay Lea hinala ng Higher may pumatay.”
“Ang ibig mong sabihin may koneksyon si Lea at Sabrina. Nakakapagtaka kasi kahapon hindi pumasok at wala rin sa Aither para mag paalam.”-kuro.
“Tama. Baka ang na huli kagabi ang pumatay sa dalawa.” - Christine.
“Yun naman pala. Wala na tayo dapat ikatakot. Na huli na ang nasa likod ng krimen,” sagot ko.
Tumayo si Christine. “Hinanap na ako ni Jabie. Nakalimutan ko may usapan kami na magkita kami ngayon.” nagmamadali siya lumabas.
“Walamg klase ngayon?”
Hindi sumagot si kuro. “Wala nakakatawa, may klase ba ngayon?” naasar ako pag may tumawa.
“Hindi mo maalaala?”
“Ang alin?” wala ako maalaala.
“Sabado ngayon, Holly. Nasanay na yata ka sa Extra Ordinary section?”
“Buti pinaalaala mo. Thank you.”
Iniwan ko siya sa sala ang daldal kahit kailan. Pumunta ako ng kusina para mag luto pero walang kahit ano ang nasa kusina. Tiningnan ko ang ref pero walang pagkain kung hindi puno ng ice cream at soft drink.
***
Tulala ako nakatingin sa mga dumadaan na estudyante. Nandito ako sa labas ng dorm nakaupo sa gilid ng pinto.
“Naalaala ko kagabi si sir. Paano niya nagawa yun kung Goblen Creation ang special ability niya? Hindi pwede magkamali ang ability ko.”
Natauhan ako na tinawag ako ni Jabie.
![](https://img.wattpad.com/cover/356798061-288-k920549.jpg)
BINABASA MO ANG
Special Academy ( COMPLETED)
FantasiHolly is a new student, in special academy. She entered to fulfill a promise to a friend who died. In the extra ordinary section, she felt envy especially in classmates in elemental capabilities and defensive capabilities. He moved to the ordinary s...