3:Self-promise

108 14 0
                                    


Chapter 3
Huwag katakutan dahil nasa itaas sila kung hindi bagkus dapat labanan o gawin inspirasyon para lumakas.

Paglingon ko sumalubong sa aking, ang blade na sunod-sunod na patungo sa akin mukha. Mabuti na lang mabilis ako umiwas pero sa huling blade nadaplisan ako sa pisnge. Umaagos ang sariwang dugo, mahapdi. Ang lahat ng blade tumama sa sahig. Pero ngumiti lang ako sa may-ari ng blade. Dinamput ko ang blade saka nilapit sa bibig ko, hindi ako nag dalawang isip na itapon sa kaniya pabalik.

Walang kahirap-hirap na sinangga ng lalaki na mas lalong nag pakulo ng dugo ko. Tumigin ako sa kanilan na masama. Tinadyan ang sahig, umangat ang lahat ng blade. Sa muling pag tadyak ko umalon ang mga blade sa eri pababa.

"Anong klaseng ability yan?”. Takang wika ng babae.

Iwinasiwas ng lalaki na si Namsoon ang kamay sa eri. Sa kisap mata bumagsak ang lahat ng blade bago pa man tumama sa kanilang lahat. Tinitigan ko saglit ang blade na balot ng putik, kaya pala bumagsak.

Tumingin ako sa mga mata ni Namsoon. Lumitaw sa ibabaw ng ulo ang detailed.

Name: Namsoon Lee
Gender: Male
Age: 21
Special Ability: Geokinesis

Napapikit ako sa sobrang hapdi ng mga mata ko. Biglaan napahiyaw ako na hindi matiis ang sobrang init ng ulo ko. Isang Earth Element si Namsoon, sa tingin ko ito ang negatibong epekto na makita ko ang Profile Detailed niya.

Malaya umagos ang luha na hindi ko mapigilan, pinunasan ko ang pisnge ko gamit ang palad ko. Sa aking pag mulat tiningnan ko ang palad ko. Halos manginig ako na makita ang pulang likido.

“Hindi maari i-” naputol ang sasabihin ko na mawalang ako ng lakas na naging dahilan na pag bagsak ko sa sahig. Mabilis ang tibok ng puso ko, umabot sa punto nahihirapan na ako huminga.

Pikit dilat ang paulit-ulit ko ginawa. Nakita ko ang babae papalapit na nag alala. Naramdaman ko ang malamig niyang kamay na lumapat sa balat ko.

“Ayos ka lang?”

Tumango lang ako. Na walang ako ng boses, kahit anong buka ng bibig ko walang kwenta.

“Huwag kang mag-alala tutulungan ka namin. Namsoon buhatin mo siya.”

“Eljah, ayaw ko nga. Bahala siya dyan mamatay!”

Kitang kita ng dalawang mata ko, sinampal ng babae si Namsoon.

“Huwag kang mag salita ng ganyan. Namsoon sa oras na lumalala ang kalagayan ng babae ihanda mo na lang ang iyong sarili sa kay Headmaster at Guidance Teacher.”

“Leo, Hanzi buhatin niyo siya!”

Naramdaman ko na lang may bumuhat sa akin bago ako mawalang ng malay.

Nagising ako sa loob ng clinic. Hindi muna ako kumilos, naghihintay na pumasok ang healer.

"Kumusta, ayos ka na?” bungad sa akin ng Healer.

Napatingin ako sa kaniya ng seryuso, hindi ko sinadya lumitaw sa ibabaw ng ulo niya ang detailed.

Name: Hena Heal
Gender: Female
Age: 30
Special Ability: Touching Healing

Natulala ako sa nalaman. Isa na naman touching ability, ilang kaya kami lahat na may touching ability.

“Ayos na ako. Maraming salamat sa pag-alaga sa akin, Ms. Heal.”

“Your Welcome, Holly. Mabuti, maari ka na makalabas kung gugustuhin mo. Don't worry sa mga subject mo, na excuse ka ng Higher, inutusan ko sila.”

Nakahinga ako ng maluwag. Hays buti na lang nakakahiya, pangalawang araw ko pa lang, absent.

“Sino nag dala sa akin dito, Ms. Heal?”

Natawa siya sa hindi ko malaman dahilan.

"Huwag mo ako tawagin Ms. Heal masyadong formal. Ate Hena ang itawag mo sa akin. Bweno si Hanzi nag dala sa iyo.”

" Hanzi? Yun puti ang buhok.”

“Oo. Himala ang isang yun, hindi ko akalain maghahatid dito ng estudyante. Walang pakialam ang isang yun. Pero swerte ka.”

Na tahimik ako ng ilang sandali. “Ate Hena lalabas na ako ng Clinic, ayaw ko mag tagal dito parang nag mukha masakitin ako,” patawang sambit ko.

“Walang problema. Bago lumabas, kainin muna ang healing candy.”

Tinanggap ko ang binigay niya sa akin at sinunod ang sinabi niya.

Lumipas ang isang oras nag pa alam na ako kay Ate Hena. Malas ang araw ko ngayon hindi ako makapasok.

“Saan kaya maganda mag palipas oras. Ma tingnan nga ang mapa.”

Kinuha ko ang mapa sa bag saka binuksan. Paikot ikot ang mata ko kakahanap, nahinto ako na makita ang gusto ko puntahan.

Sinunod ko ang nakalagay sa mapa. Umabot ako sa harapan ng hardin, pumasok na ako na hindi man lang pinansin ang nakauslat sa itaas ng tarangkahan.

Naghanap ako ng magandang pwesto na patago. Umabot ako sa hangganan kung sa may mga puno na parang harang sa kabila. Umakyat ako sa puno, at makarating sa itaas umupo sa isa sa mga sanga. Tanaw ko ang magandang tanawin sa kabila.

Tago naman ako sa kinaupuan ko, natatakpan ng mga dahon. Ang ngiti ko napalitan ng simangot na makita ang Higher na kasalukuyang nag-uusap habang kumakain.

Ano ba naman ito, subrang unpair. Sa bahagi ng hardin na pinasok ko maganda naman kaso walang upuan o kahit ano na kagamitan samantala sa Higher ang ganda halos kompleto ng gamit.

Napatigil ako sa pag-iisip na marinig ko ang magandang tinig mula sa lalaki puti ang buhok. Kainis huminto ito saka nagpalinga-linga sa paligid.

Tumingin siya sa direksyon ko. Sa takot na makita niya ako, akala ko may kasandalan ako kaya ayon na hulog ako na una bumagsak ang pang upo ko.

“Ang sakit.”

Nagmamadali ako tumayo at tumakbo papalayo sa harang. Nakahinga ng maluwag na makarating sa pangit na bahagi ng hardin. Halos patay na ang mgabulaklak at halaman. Nag mistulang disyerto ang paligid dahil sa buhangin.

Umupo ako sa patay ng puno nakatumba. Nag-iisip paano makaganti sa kay Namsoon.

“Aha! Titiyakin ko pabagsakin ko siya sa mga kamay ko. Magsasanay ako ng ability at tumuklas na pwede pang magawa ng ability ko. Pangako ko sa sarili ko, lalakas ako, hihigitan ko sila kahit mahina ang ability mayroon ako.”

Nagsasalita ako mag-isa. Sana walang makakita sa akin baka isipin baliw ako. Tumayo na ako na dumilim na ang kalangitan na sengyales na uulan.

“Sarap siguro may maganda at malakas na ability ako, tulad ng mga element ability   na taglay ng Higher.”

Huminto ako na may humarang sa tarangkahan na bumunggo ako sa dibdib ng lalaki. Nang tumingin ako sa mukha nito.

“Sorry hindi ko sinasadya. Next time mag-iingat na ako.”

Nag madali ako tumakbo para iwasan ang isang yun. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Special Academy ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon