14: Monsters

69 10 0
                                    


Chapter 14

Sumapit ang gabi patuloy na umaagos ang dugo sa mga mata ko.

“Gusto mo ba tulungan kita?”

Napalingon ako sa palibot ngunit wala ako makita.

“Ako ay ikaw.”

“Hindi totoo yan. Paano ikaw ay maging ako?”

Narinig ko ang tawa sa isipan ng babae. Magkaboses kami pero ang pinagkaiba nakakatakot sa kaniya.

“Nakalimutan mo yata ang sinungalingan mo sa Headmaster na may ability ka ng switch personality.”

Nabitawan ko ang hawak ko na mapagtanto nangyayari na ang kasinungalingan ko.

“Paano? Ang alam ko lang may dalawa ako kakayahan yun ang microwaves at makakita ng personal information ng ibang tao.”

Tinakpan ko ang tenga ko. Hindi ko matiis ang sakit na patuloy siya nagsasalita.

“Dahil sa Switch personal na ability mo. Hindi ka ba nagtataka bakit malakas at marami kaya gawin ang microwaves na ability mo? Na pinaniwalaan mo na touch wave.”

Napailing ako ng maraming beses. Napahiyaw ako sa sakit ng ulo.

“Kung kailangan mo ng tulong tawagin mo lang ako.”

Bumagsak ako sa lupa na wala na ako marinig na boses sa isipan.

Dinukot ko sa bulsa ang Healing Candy saka kinain. Nakahinga ako ng maluwag na nag hilom ang sugat natamo ko sa braso at huminto ang patuloy na pag agos ng dugo sa mata ko.

Umakyat ako sa puno at nang nakarating sa isa sanga umupo ako habang nakatingin sa ibaba. Hindi nagtagal dumating ang baboy na nag bigay ng gamot sa akin.

“Full moon? Kailangan ko masabihan si Master kung hindi malaking problema ang kakaharapin namin. Asan na kaya ang dalawang yun?!”

Palinga-linga siya sa palibot. Bumalik kaagad patungo sa bahay.

Tumingin ako sa buwan. “Ano kaya tinutukoy niya?”

Lumipas ang maraming oras na hindi ko inalis ang tingin sa buwan. Naakit nito, pakiramdam ko lumakas ako ng kaunti.

Napabaling ako ng tingin na marinig ang mga yabag at boses ng paparating.

“Master kumusta ang paghahanap mo sa mga estudyante ng Special Academy. Malaking problema kung hindi natin sila mahanap. Lalo na yun headmaster ng paaralan na yun matigas ang ulo.”

Nakakunot ako. Kalbo ang lalaki, nakasuot ng pajama at walang pang itaas.

“Huwag ka mag alala. Alam ko kung nasaan sila. Pero alin ang matimbag na unahin ko, sa tingin mo?”

Akmang mag salita ang baboy. Itinaas ang kaliwang kamay ng kalbo na ikinatahimik nito.

Nanlaki ang mata ko na patungo sa direksyon ko ang mga blade na mula sa kalbo.

Tumalon ako para iwasan at doon tumama lahat sa sanga. Ligtas naman ako lumapag sa lupa.

“Sino siya?”

“Master siya yun babae humingi ng gamot. Nakalimutan ko sabihin na hindi ko siya pinauwi, alam mo naman ang mangyari pag nagkataon.”

“Tama ang yun ginawa. Sa tingin ko mula ka sa Special Academy base sa kilos mo.”

Gwapo ang lalaki. Ramdam ko malakas ang ability taglay niya. Kahit kailan hindi ko susubokan alamin ang personal information niya kung hindi ito kusa makikita ng mga mata ko.

“Tama ka sinabi mo. May itatanong lang sana ako.”

“Tungkol ba yan sa mga estudyante ng special academy na hindi pa nakabalik. Tama ba?”

“Ganoon na nga po. Nasaan sila?”

Na tahimik ang baboy. Samantala ang lalaki na hindi ko pa rin kilala kung sino ito.

“Isang araw na lumipas na hindi ko sila makita. Binalaan ko sila pero ayaw makinig sa akin. Kung hindi ako nagkakamali nandoon sila kweba.”

Sasagot na sana ako kaso narinig namin ang mga ingay na mula sa hindi kilalang hayop.

“Nandito na naman sila. Ihanda mo ang iyong sarili mapapalaban tayo!”

Muntik na ako matumba sa pag ka bigla na lumitaw sa harapan ko ang taong pusa. Umiwas ako sa kalmot niya.

Mabilis kumilos ang kalaban kahit anong iwas ko nadadaplisan ako sa iba't ibang parte ng katawan ko.

Sinalo ko ang bawat suntok niya sa akin. Hindi ko magamit ang ability ko. Sobrang bilis umatake.

Sa kisap mata hawak niya ang leeg ko. Nakabaon ang kuko nito na sanhi na pag dugo ng leeg ko. Inilaan ko ang lahat ng enerhiya ko sa palad saka buong pwersa itinulak na naging sanhi na malakas na tumilapon at tumama sa puno at bumagsak na walang malay.

Nagtago ako sa likod ng puno. Tumilapon ang lahat ng mga taong pusa na pumalibot sa dalawa ang panangga na likha sa apoy.

Tumakbo ang dalawa patungo sa kakahuyan matapos matalo ang lahat. Sumunod ako sa kanila, hindi ko maiwasan humanga walang kahirap hirap na tinalo ng lalaki ang mga humarang sa daan.

Habang tumatagal nararamdaman ko ang dark energy na sanhi na pag agos ng dugo ko sa mata.

Hindi nagtagal nakarating kami sa harap ng kweba. Mula sa loob ng kweba may kulay berde na asul.

Na una pumasok ang dalawa. Parang hindi ko na kaya ang bigat. Pinilit ko pumasok kahit hirap na hirap na ako.

Bumungad sa akin ang halimaw na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko. “Ano ito? Sobrang pangit!” Tumakbo ako para iwasan ang sinuka nito na kulay berde na likido.

Tumalon ako sa bato na kumalat ang likido sa lupa. Ang buong katawan ng halimaw ay gawa sa jelly kaso ang pangit ng combination ng kulay.

Nag palipat lipat ako sa mga bato na matunaw ang mga tinapakan ko. “Oh no!” wala na ako matatapakan. Dahan-dahan gumapang likido sa bato tinapakan ko.

Sakto naman humangin na ipinagtaka ko. Naramdaman ng palad ko ang hangin na sanhi na umalon ito saka lumutang ako na parang nakatapak sa hangin na umaalon alon.

Muntik na ako mahulog na maraming tumilapon na jelly sa direksyon ko at mabuti na lang ginawa ko panangga ang hangin.

Nakahinga ako ng maluwag na may umatake sa halimaw kaya tumigil na ito sa akin kaka atake.

“Oh no!”

Sa isang atake ng lalaki sumabog ang halimaw na labis nag pa inis sa akin. Tumilapon ako sa sobrang lakas ng pag sabog kasabay lumindol saglit.

Bumagsak ako sa bato na una ang pang upo.

“Ayos ka lang?”

Kita hindi ako ayos magtatanong pa. “Ayos lang ako.” tumayo pero muli ako bumagsak.

“Puntahan mo na yun kasama ko. Baka mamatay sila!”

Nakahinga ako ng maluwag na umalis ang lalaki. Muli ako kumain pang huli healing candy.

Special Academy ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon