19: Warning

45 8 0
                                    

Third Person Point Of View

Abala ang lahat ng guro hindi umuwi sa kanilang tahanan lalo na malaman may nakapasok na taga-labas. Hindi na muli pinapapasok ang mga estudyante bumalik sa academy na hindi pa tapos ang holiday. Ang huli at una nakapasok ang Special Class, tatlo mula Extra Ordinary at dalawa mula sa Ordinary.

Lalo na tanggap ni Headmaster ang babala mula sa hindi kilalang kalaban. Kabado ang lahat lalo na ang mga estudyante. Kahit humingi pa sila ng tulong mula sa ibang paaralan at sa mga Special Agent. Malabo makarating agad sa kadahilanan malayo ang Special Academy sa bayan. Nasa gitna ito nakatayo ng kagubatan.

Napalingon ang Headmaster napansin si Mengchi na kasalukuyang wala sa sarili sinira ang barrier. Itinulak ng Headmaster na ikinatigil ang pag lindol.

“Who are you? Alam ko hindi ka si Mengchi.”

Natawa ang babae na dahan-dahan bumalik sa tunay na mukha.

“Hindi ako si Mengchi kung hindi ako si Mingcho.”

Sinubukan ng lalaki ipasok sa loob ng barrier ang kaniyang sarili upang maiwasan makontrol ang kaniyang isip ng Headmaster. Ngunit huli na ang lahat na mapasok ng Headmaster ang isip nito.

“Sabihin mo sa akin. Sino nag utos sa iyo?!”

Bakas sa mukha ng lalaki ang paghihirap na pilit nilaban ang bulong ng Headmaster. Ngunit sa bandang huli wala ito nagawa.

“Si Master Eleven... Balak niya pa-patayin ang lahat ng dual lalo na ang mga apo ni Unix Zeke.”

Matapos mag salita ng lalaki nawala sa kontrol ng Headmaster. Bumagsak ang katawan ng lalaki habang nanginginig na bumubula ang bibig. Akmang hahawakan pa sana ito ng Headmaster, pero binawian na ito ng buhay.

Gaya ng na huli nila spy ay dahan-dahan na sunog ang katawan ng lalaki. Bumalik ang Headmaster sa kaniyang office para ipatawag ang lahat ng nag trabaho sa Special Academy na nandito.

Hindi nag tagal dumating ang lahat. Samantala sa kabilang banda naka recover na ang katawan ni Holly ngunit nanginginig sa sobrang lamig.

Nag mulat mata si Holly kasabay sinigaw ang katagang “Ama...!” hindi niya lubos akalain mapanaginipan niya ang kaniyang ama. Kahit hindi niya nakita ang mukha nito sa panaginip pero alam niya, ama niya ang nasa panaginip.

“Microwaves?” takang sambit nito.

Nalilito na si Holly lalo na makita niya sa panaginip na hindi microwaves ang ability na taglay niya.

Kahit masakit ang buong katawan. Nagpupumilit na bumangon saka tumayo si Holly. Mabagal ang bawat hakbang na lumapit sa bintana.

“Anong nangyayari?”

Napansin niya na basag ang harang ng Academy. Napataas ang kilay na makita sa ibaba na kasalukuyang nakaupo sa damuhan ang mga Special student. Sa unahan naman ang extra ordinary at ordinary na halata nag uusap.

Napahawak si Holly sa ulo na sumakit bigla. Napapikit ng mariin habang kagat ang ibaba labi niya.

Yumanig ang gusali na naging sanhi na pag bagsak niya sa sahig na una ang pang upo. Gumapang siya patungo sa nakabukas na pinto. Hindi niya alam kung bakit ginagawa niya ang bagay na ito.

Ngunit nararamdaman niya may mangyayari hindi maganda. Kahit nag uunahan ang luha ni Holly na bumagsak sa sahig patuloy pa rin siya sa pag gapang.

“Ayaw ko gamitin ko ang aking kakayahan baka mas lalo pa hihina.”

Tuluyan siya nakalabas ng Clinic. Walang tao sa labas maliban sa mga anino nakikita niya mula sa kung saan. Dahan-dahan linamon ang kaniyang paningin kasabay hindi siya makagalaw.

Special Academy ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon