Chapter 15
"Ano yun?"
Sunod-sunod na pag sabog ang narinig ko mula sa pinakamalalim na parte ng kweba.
Tumadyak ako sa lupa na sanhi na pag alon na kasama ako. Hindi nagtagal dumating ako sa pinangyarihan. Bumungad sa akin magulo kapaligiran. Maraming nagkalat na piraso ng metal at itim na mga bato.
"Hannah?" tanging sambit ko na makita naglalaban si Hannah at yun lalaki.
Hinanap ng mga mata ko sila hanggan sa huminto ang paningin ko sa isang mala crystal. Nasa loob sila na freeze.
"Paano?"
"Finally matatalo kita!" sabay hagis ng babae ng itim na kapangyarihan patungo sa direksyon ng lalaki pero wala ito kahirap hirap na inilagan habang sabay na iniwasan ang mga tornado ni Hannah.
Ang tatlong baboy nakatayo sa gilid na nanginginig. Minabuti ko lumapit sa crystal pero bago pa man ako makalapit bigla ako napasigaw na parang may humigop sa ability ko.
"Aba may isa pang pangahas na may balak sirain ang dark stone. Ngayon ko makukuha ko rin ang ability mo."
Hindi ko magawang makapagsalita. "Tama na please!" habang tumatagal naninikip ang dibdib ko.
Inilabas niya ang dark stone na hawak niya na mas lalo nag pa hirap sa akin.
Dahan-dahan ako lumingon sa direksyon ng dalawa. Tumilapon si Hannah ang sakto tumama sa babae naging dahilan nabitawan ang dark stone.
Gumulong ito sa direksyon ko palapit. "Switch Personality," tanging na sambit ko.
Hindi ko alam kung nasaan ako, nasa gitna ako ng kadiliman. Napatingala ako na makita ang malaking screen, nakikita ko ang sarili ko nakipaglaban sa babae may ari ng dark stone.
"Anong nangyayari?"
Tumakbo ako sa kadiliman pero wala akong daan na makita. Muli ako napatingala na marinig ang pagkabasag ng Crystal, bumagsak sila sa sahig.
"Switch personality!"
Nilamon ako ng kadiliman matapos ko makita nabasag ang screen.
Nagising ako sa ingay sa palibot.
"Namsoon, Mengchi. Nasaan ako?"
Pikit dilat sa tuwing natamaan ng sinag ang mukha ko na mula sa labas ng bintana. Hindi nag tagal sanay ang paningin ko.
"Nandito pa rin tayo sa Miyam Farm, Holly."
Nagtaka naman ako nakatingin kay Mengchi nasa loob ako ng barrier niya.
"Sorry, ipinagbawal ni Sean na lumabas ka. Sobrang hina mo, isang linggo ka na tulog."
"Mengchi?!"
Hindi sumagot si Mengchi maging si Namsoon nakatingin lang sa akin.
Sinubukan ko lumabas sa barrier pero sobrang tibay hindi ko kaya sirain.
"Huwag mo na pilitin, Holly. Promise makakalabas ka sa barrier ko, kung malakas ka na. Sa ngayon makinig ka muna sa akin."
Bumalik ako sa paghiga. Napag isip isip ko ang nangyari sa akin. "Switch personality," bulong ko.
Napapikit ako. Hindi ko inaasahan sa pag mulat ko nasa gitna ako ng kadiliman.
"Hindi kaya ito ang ability ng switch personality ko?"
Nilibot ko ang tingin, gaya ng inaasahan ko wala akong makita kung hindi puro kadiliman. Napatingala ako sa itaas, nanliit ang tingin sa screen.
Napatingin ako sa harap na marinig ang ingay na mula sa kadiliman. Bahagya ako napaatras na lumabas ang magandang babae na ka mukhang mukha ko. Ang pinagkaiba namin ang kulot ang mahaba niyang buhok na kulay itim, maging ang labi nito.
Nag abot ang kamay namin, sa pag lapat ng bawat palad sa isa't isa. Napapikit ako na may malakas na enerhiya ang pilit ako itulak palayo pero hindi nag hiwalay ang palad ko sa kaniya.
Sa pag mulat ko, nandito na muli ako sa katawan ko. Napansin ko ang lalaking nakaupo sa gilid ng kama.
"Kumusta, Holly Trinidad?"
"Ayos naman."
"Nakikita ko ng malinaw isa kang dual ability. Don't worry makakauwi na kayo mamaya ng kaibigan mo."
"Maraming salamat po."
Hindi ko inaasahan na hawakan niya ang ulo ko. Na pahiyaw ako sa sakit. Sa kaniyang pag bitaw kasabay nawala ang sakit.
Sinabi niya ang lahat sa akin mula sa pag basag ko ng dark stone hanggan sa tungkol sa dual ability.
Bumalik kami ng Special Academy matapos ibigay sa amin ang libro patungkol sa dark stone. Naging masaya ang headmaster na malaman nag tagumpay kami sa misyon na walang na sawi. Ibinigay namin sa kaniya ang libro.
Hindi ko kinausap ang mga special at extra ordinary. Kinabukasan napagpasyahan ko hindi pumasok.
Nakaupo sa sahig, sinusubukan paganahin ang switch personality pero hindi na muli nangyari nang nadoon pa ako sa Miyam Farm.
"Holly!"
Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa pinto. Naalala ko bigla ang tungkol sa misyon iniwan sa akin ng kaibigan ko. Ito ang dahilan kung bakit ako nandito sa oras na malaman ko ang katotohanan at mabigyan hustisya ang pag kamatay niya. Aalis na ako ng Special Academy.
"Holly iwan ko lang dito sa labas ang kahon, papasok na ako!"
Tumayo ako naramdaman naka alis na si Kuro. Binuksan ko ang pinto at dinamput ang kahon. Binuksan ko ito.
"Black Card?"
Sinuri ko ang card na hawak ko. Wala naman napansin na kakaiba bukod sa simbolo may dalawang espada.
Isang linggo rin ako nawala dito sa Academy nakalimutan ko mag tanong kay kuro. Hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko ang switch personality na ability ko. Ayon kay Sean nakikita niya ang lahat pero hindi niya nalaman ang tungkol sa kakayahan ko makakita ng mga personal information.
Tinitigan ko ang card, nag baka sakaling gumana. Hindi nag tagal may lumitaw na screen.
The Black card defines some ability someone has and what kind of ability it is.
Sa pagkakataon ito hindi ko na maitatago na isa akong dual. Natatakot ako sa pwede mangyari lalo na baka ako maging sentro ng bully.
Lumapit ako sa bintana, sa ibaba nakita ko Sir Hanshi nakaupo ito sa ilalim ng puno habang nagsasalita.
Naalaala ko si Sir Alibaba na ginamit niya ang Shadow ability, hinala ko si Sir Hanshi ang nakausap ko sa oras na yun.
"Hindi kaya isa siyang dual kagaya ko."
Napasigaw ako sa kabilang banda malayo sa kinaroroonan ni Sir Hanshi, bumagsak ang isang babae. Maraming estudyante ang lumapit dito para tulungan ang babae.
Binuksan ko ang bintana para marinig ang ingay nila.
"Patay na si Althea!" naiiyak na sigaw ng lalaki.
"Anong nangyayari? Hindi kaya may kinalaman ito sa pagkamatay ng kaibigan ko."
BINABASA MO ANG
Special Academy ( COMPLETED)
FantasíaHolly is a new student, in special academy. She entered to fulfill a promise to a friend who died. In the extra ordinary section, she felt envy especially in classmates in elemental capabilities and defensive capabilities. He moved to the ordinary s...