4: Jealousy of others' abilities

107 15 0
                                    

Chapter 4
Kung gusto mo matuto paghirapan mo. Walang magagawa ang inggit kung hindi hilahin ka nito pababa sa iba.


Ang sakit ng ulo ko halos hindi ako mapalagay sa kinahigaan ko. Nagpasya tumingin sa labas ng bintana upang makalanghap ng sariwang hangin. Tulala nakatingin ako sa mga nagtataasan puno, ito yun likod ng gusali ng dorm namin ang kagabutan. Tanaw ko ang mga hayop nagtatakbuhan, naninibago pa ako sa mga nilalang sa mundong ito.

Napangiti ako ng bahagya na napagtanto, ito yun gusto ko. Mapunta sa magical world pero nandito na ako, iba pa rin ang pakiramdam na masaksihan sa personal. Nakakunot noo ako tumingin sa kabilang gusali ang dorm ng boys. May isang tao ang balot ng itim na tela at nakasuot ng maskara kasalukuyang nakaupo sa sanga na malapit sa bintana na kulay ginto.

"Ginto?" nakakapagtaka bukod tangi kulay ginto ang bintana na iyong sa lahat.

" Sino kaya ang naninirahan doon?" Napatalon ako sa gulat na tumingin sa direksyon ko ang taong naka maskara. Kaagad ako umatras para hindi mahalata may nagmamasid sa kaniya.

"Muntik na ako doon. Dagdag iisipin, makatulog na nga baka mawala pa ang sakit ng ulo ko"

Tinamad na ako lumapit sa kama. Hinampas ko ang hangin sa eri na naging dahilan umalon ito kasabay sa pag angat ko patungo roon sa kama. Dahan-dahan ako bumagsak sa kama na parang walang nangyari. Bukas panibagong problema at kakaharapin ko.

Kinabukasan maayos naman ang lahat. Parang normal sa lahat ngunit nagbago ang ihip ng hangin na pumasok ang guro namin sa Ability Mastery.

Sa unang tingin ko pa lang sa kaniya, ang bata pa niya para maging guro sa paaralan ito.

"Good morning everyone. Ako ang Ability Mastery niyo hanggan sa makatapos kayo sa paaralan ito. Tawagin niyo na lang ako Alibaba. Bweno first meet pa lang natin."

"Excuse me, sir Alibaba. Ano po ba ang gagawin natin ngayon?"

"Good question, Ms. Vill. Dahil first meet natin, gusto ko mag pakitang gilas kayo dito sa harapan ang bawat isa sa iyo. Pagkatapos gawin ang ipinamalas na kakayahan, magpakilala at sabihin ang ability mayroon kayo."

Tumayo ako mula sa pagkaupo. "Sir Alibaba. Maari ba namin malalaman ang ability mayroon ka? Kung pwede lang." hindi ko na siya hinintay na sumagot, bumalik na agad ako sa pag-upo.

Nakatingin ang lahat sa akin bago tumingin sa guro namin.

"Sorry, nakalimutan ko. My Special Ability is Goblem Creation. Simulan na natin sa iyo, Ms. Vill!"

Tumingin ako sa mga mata ni Sir Alibaba gaya ng iba lumitaw sa ibabaw ng ulo ang Detailed.

Name: Wave Valley...
Gender: Male
Age: 23
Special Ability: Goblem Creation...

First time ko makakita ng ganito may mga period. Ano kaya ibig sabihin nito. Sobrang bata pa ni Sir Alibaba. Gaano kaya siya kalakas at kahusay sa pag gamit ng special ability. Pero nakakapagtaka ang layo ng name na gusto niya itawag namin sa kaniya.

Pumunta na ang kaklase ko si Ms. Vill. Tinapik ako ni Sharon kaya natauhan ako mula sa malalim na pag-iisip. Ngumiti lang ako sa kaniya bago muli tumingin sa harap.

Dahan-dahan siya lumutang sa eri habang nakapikit ang mga mata niya. "My name is Ivana Vill, Special Ability is flight. Sana makaibigan ko kayong lahat." ligtas siya lumapag sa sahig.

"Sa tingin ko sanay na siya sa Special Ability niya." - Sharon.

Bumalik na sa upuan si Ivana matapos magpakitang gilas. Tumayo ang tatlong babae sa unahan ni Ivana bago pa man ito pumunta sa harap kumaway pa sa amin.

Hindi ko na inaalam ang kanilang special ability baka sasakit lang ulo ko. Umabot nasa limitation ang kakayahan kong ito.

"Ano?" mahinang sambit ko.

Dumami sila, lahat sila ay umabot sa siyam na bilang. Ang bawat isa sa kanilan ay may dalawang clone. Naglaho ang mga clone matapos ipakita ang kaya gawin nila.

" Magandang umaga sa iyong lahat. Ako nga pala si Lisa Hollan, ito naman nasa kaliwa ko si Tina Wood at sa kanan ko naman si Ayina Wood. Halata naman kung ano ang special ability namin. Kami ang sikat na triple clone!"

Bumalik na silang tatlo sa upuan. Marami pang sumunod pero hindi ako intersesado makinig, nakaramdam ako ng antok. Na agaw ang atensyon ko na mag sigawan ang lahat pati na si Sharon sumabay na rin.

Sa kumpas ng kamay ng lalaki umulan ng dahon. Berde ang buhok niya gaya ni Namsoon. "Tian Lee. Plant Manipulation." Nag lakad na ito pabalik sa upuan nakangiti.

"Mr. Lee ihinto mo ang pag gamit ng ability.". - Sir Alibaba.

Sinundan ko ng tingin si Tian hanggan sa makaupo ito. Lumingon siya sa akin, nag tama ang amin mga tingin sa isa't isa. Napatayo ako na lumitaw sa ibabaw ng ulo niy ang detailed.

Name: Tian Lee
Gender: Male
Age:19
Special Ability : Plant manipulation

Kung ganoon kapatid siya ng mayabang na lalaki. Kainggit taglay nila ang elemental ability, kung mayroong lang ako ganyan ability siguro marami na ako matulungan.

Ano bang itong nararamdam ko. Bumalik ako sa pag-upo at umiwas ng tingin sa Tian na yun. Tumingin ako sa harapan na bigla nanginginig ang buong katawan ko.

Nagtama ang amin tingin sa isa't isa. Gaya ng iba nakita ko rin ang detailed niya.

Name: Khung Ta
Gender: Male
Age: 18
Special Ability: Snow Manipulation

Hindi ako mapaniwala isa na naman sub elemental ability. Nakaramdam ako ng inggit, hindi maari ito. Kailangan ko pigilan ang sarili ko.

Bumalik sa normal ang temperatura na huminto sa pag kontrol ang lalaki si khung Ta. Sumunod si Sharon, alam ko na ang ability niya, gumawa lang iyong ng munting ipo-ipo at nagpakilala.

Tumayo na ako nang umupo si Sharon. Hinawakan ko ang sahig na naging sanhi na umalon ang sahig muntik na matumba ang iba sa ginawa ko. Pagkatapos ko gawin, huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"Holly Trinidad. Ang Special Ability ko ay Touching Waves." akmang babalik na sana ako sa upuan ko ngunit nag salita si Sir Alibaba.

"Ms. Trinidad, isa kang may touching ability. Para sa iyong kaalaman tungkol sa iyong ability maari ka mag pagtulong o mag tanong sa ibang may touching ability dito sa loob ng Academy. Huwag kang pang hinaan ng loob, walang silbi ang lakas ng Special Ability kung hindi marunong gumamit at malawak ang pag iisip sa labanan, tiyak na hindi mahina."

Natauhan ako sa kaniyang sinabi. Tama hindi dapat ako mainggit sa halip pag butihan ko pa ang pagsasanay ko para lumakas kung hindi mananatili akong mahina.

"For today yun lang. Class dismissed. Good luck!"

Dumating ako sa upuan ko pero biglaan sumakit ang ulo ko. Hindi ko pinahalata sa iba baka gawin pa ito kahinaan ko.

Special Academy ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon