21: Counted Died

40 7 0
                                    


Third Person Point Of View

Paglabas ng Headmaster kasama ang iba pang guro maliban sa guidance teacher na kanina pa hindi bumalik.

“Protektahan niyo ang mga estudyante lalo na ang mga sugatan!”

Nagtakbuhan ang lahat ng guro sa iba't ibang direksyon para tulungan ang mga estudyante.

Sa tulong ng Telepathy ability ng Headmaster madali niya nabalaan ang iba na ang kalaban nila ay mga dual ability.

Walang kahirap hirap na pinatay ng Headmaster ang mga kalaban na simulan niya kontrolin ang isip nila bago patayin ang sarili mismo sa utos ng Headmaster.

Ngunit nakaharap niya ang isa sa mga kalaban na may ability na shield. Hindi kaya pasukin ang isip nito sa kahit anong paraan. Wala siyang nagawa kung hindi makipag laban dito ng hindi ginagamit ang ability.

Nag palitan ng suntok ang bawat isa. Walang nag patalo halos pantay ang laban pero napaatras siya napansin walang buhay na si Holly.

Huli na iwasan ng Headmaster ang kutsilyo ibinato sa kaniya na dumaplis sa tagiliran. “Ahh!” hiyaw niya.

“Oh no...!”

Hindi magawang iwasan ng Headmaster ang bolang shield. Kaunti na lang tatama na ito ngunit may biglaan sumuntok dito na bato na kamay.

Bang!

Napalingon ang Headmaster sa nag may-ari sa Earth Goblem. “Thank you Wave.”

“Headmaster Khie. Mas mabuti ako na ang haharap sa isang ito.”

Walang nagawa ang Headmaster kung hindi ang tumakbo patungo sa ordinary na kasalukuyang nahihirapan sa kalaban.

“Dual ability?”

“Yes my dear.”

Nanglaki ang mata ni Wave na marinig ang boses nito.

“Fatimah?”

“Ako nga. Gulat ka?”

Lumikha ng maraming Goblem si Wave upang harangan ang mga pinaulan na bolang shield.

Sunod-sunod na sumabog ang bawat Goblem at bolang shield.

“Why did you do it? Fatimah nakalimutan mo yata Special Academy ang nag ligtas sa iyo sa kamatayan!”

Natawa ang babae sa mga sinasabi ni Waves. Hindi niya malilimutan ang Special Academy ang naging dahilan kaya namatay ang kaniyang kapatid. Dahil sa misyon na ipasok ang ancient door na kasalukuyang inilagay sa loob ng library.

Ang pinto minsan na napasok ni Holly na hindi nila alam wala na itong silbi maliban kay Fatimah at Wave.

“Sinong kumuha sa energy? Ako lang dapat ang karapatdapat na kumuha yun.”

Hindi magawa makasagot ni Wave patuloy umaatake si Fatimah na halos na parang walang katapusan.

Huminto si Fatimah. Akala ni Wave tapos na ito pero sa kisap mata nasa loob silang dalawa ng shield na likha ni Fatimah.

“Ngayon walang makakalabas sa atin hangga't walang mamatay.”

“Fatimah huwag mo gawin ito. Ang kumuha ng energy walang iba kung hindi si Holly.”

Na tulala saglit si Fatimah. Ang galit niya dahan-dahan nawala. Alam niya sa sarili kilala niya si Holly sa simula pa lang. Minsan na niya nakilala si Holly sa isang ampunan kung saan gusto ampunin ng kapatid niya. Ngunit hindi ito nagawa dahil sa estudyante pa lang sila sa panahon yun.

Bumagsak ang katawan ni Fatimah na mawalang siya ng kontrol sa ability niya.

“Fatimah?”

Nagmamadali lumapit si Wave. Hindi niya alam kung anong nangyayari dito.

Nang makarating siya saka niya ito hinawakan ang kamay.

“Fatimah ayos ka lang?”

Ang normal na kulay ng balat ni Fatimah unti-unting namutla resulta sa pag gamit niya ng sobra na lampas sa limatasyon ng ability niya.

“Sorry hindi ko sinasadya gawin ito. Sorry, sorry,” mahinang sambit nito.

“Fatimah gagaling ka pa.”

Umiling si Fatimah kasabay nawala ang shield na ginawa nito.

"Paki sabi kay Headmaster Khie, sorry sa nagawa ko at kay Holly masaya ako siya ang nakatanggap ng energy.” Tumitig si Fatimah sa huling pagkakataon sa mga mata ni Wave. “Mag ingat kayo kay Master Eleven dahil taglay niya ang abili—”

Naiyak na lang si Wave na hindi niya naramdaman tumitibok ang puso ni Fatimah. Napailing siya ng bahagya, bago niya iwanan ang katawan ni Fatimah hinalikan niya ito sa pisngi.

Sa kabilang banda nahihirapan ang special section. Ngunit nakayanan nila patayin ang kalaban sa pagsusumikap na mag tulungan.

Sa kabilang banda binitawan ni Namsoon ang walang buhay na katawan ni Holly.

Hindi niya maiwasan maiyak kahit sa maikling panahon nakilala niya si Holly. Ngunit tumatak sa kaniyang isipan ang mga tagpu nila.

“Namsoon anong nangyari sa kaniya?”

Napatingala si Namsoon sa nag salita.

“Ms. Heal patay po siya.”

Hindi kaagad nakapag salita si Hena.

“Kahit patay na siya, gagamutin ko pa ang mga sugat niya.”

Tumadyak sa lupa si Namsoon kasabay umangat ang lupa sa likod ni Hena kasabay tumama ang atake.

“Ms. Heal huwag ka mag alala. Ako na po bahala sa palibot, nakakabuti pumasok na kayo sa loob.”

"Namsoon tulungan mo ang extra ordinary section may na mamatay na...!”

Napalingon si Namsoon sa direksyon itinuro ni Mengchi.

" Ako na bahala sa kanila.”

Walang nagawa si Namsoon kung hindi sundin ang sinabi ni Mengchi lalo na may punto ito sa sinasabi.

“Ms.Heal mas mabuti tumakbo na lang tayo at bago yun pumasok muna na tayo sa barrier.”

Pinalutang ni Mengchi ang katawan ni Holly na ipasok ito sa isa pang Barrier. Habang tumatakbo sila may napansin sila na numero sa eri.

“Counted dead ba yun?” takang sambit ni Hena.

Ligtas sila nakapasok sa loob.

“Mukhang ganoon na nga Ms. Heal.”

Sa labas ng Special Academy nakatayo ang dalawang bagong dating. Ang unang lalaki may mahabang buhok na may paress na pulang mata. Katabi nito ang lalaki kasalukuyang nag lagay sa eri ng counted dead.

Sa pamamagitan ng ability ng lalaki nalalaman nila kung ilang ang namamatay na sa bilang nila at sa mga estudyante sa Special Academy.

“Hindi naging madali ang pa bagsakin ng Special Academy. Siguro naman sa pagkakataon ito na muli kami maghaharap ng Headmaster mas malakas na ako kumpara sa kaniya. Ano sa tingin mo?”

“Mukhang ganoon na nga ang mangyayari. Ayon sa isa natin kasamahan masyadong mahina ang mga estudyante lalo na ang Headmaster.”

Sa gilid ng gate nakaupo ang walang buhay na mga bantay. Inamoy ng lalaki ang hangin upang malaman kung ano kasalukuyang sitwasyon sa loob ng Special Academy.

Palihim ito napangiti na masigurado oras na para mag pakita.

“Ngayon muli ako makakakuha ng mga ability na mula sa mga estudyante.”

Pumalibot sa dalawa ang hangin mula lupa hanggan eri at sa isang iglap nag laho ang dalawa na walang na iwan bakas.

Special Academy ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon