9: Section Ordinary

78 13 0
                                    


Chapter 9

Maraming estudyante sa section ordinary mahigit umabot sa labindalawangput dalawa. Hindi ko na kailangan kilalanin pa sila gamit isa ko pang ability malalaman ko rin ang personal information.

Itinuring ko mula kahapon na Special Ability ang makakita ng information ng iba. Hindi ko pa alam kung anong klaseng ability at magagawa pa nito.

"Holly, kumusta sa section natin?"

"Ayos naman. Mababait ang mga kaklase natin, walang mapanghusga hindi gaya sa kabila."

Natawa si Kuro.

"Ano ka ba? Hindi kaya."

"Paanong hindi?" taas kilay ko sabi.

"Wala. Mabuti pa kumain na tayo."

Nandito kami sa ordinary area. Kung dati nasa Extra Ordinary ako pwes ngayon mas mahirap kasi hindi ganon kaganda at sasarap ang pagkain halos wala ng lasa. Ganoon din sa hardin at library. Mukha malabo makapunta pa ako doon sa pinakatago.

"Guys na balitaan niyo, patay na ang kaklasw natin kagabi," biglaan salita ni Christine na kakarating lang.

Umupo siya sa kabila. Nilapag sa mesa ang plato na may lamang na isang tasa gulay na ginisa, kanin at isang basong tubig.

"Sinong namatay?" - kuro.

"Hindi niyo alam? Kalat na kalat na sa buong Academy."

"Magtatanong ba ako kung alam ko?"

Nilunok muna ni Christine ang kinain bago magsalita.

"Pasensya. Si Lea namatay kagabi ayon sa Higher may pumatay sa kaniya."

"Sayang hindi ko siya nakilala," malungkot kong sabi.

"Kaya mamayang hapon wala tayo klase. Ang lahat ng student sa ordinary ay pupunta para makapag paalam sa huling pagkakataon."

"Pinagbabawal ng Headmaster na lumabas ang lahat ng alas otso. Oras na yan para magpahinga o matulog."

Napangiti ako na makita ko ang personal information ni Christine. Interesting isa rin mind reader katulad ng Headmaster.

"Thank you, pinaalam mo sa amin." - kuro.

"Anong next subject natin ngayon?" iba ko ng usapan.

"Ang Mastery Ability," pikit mata sagot ni Christine.

"Omygosh makikita ko ulit ang gwapong mukha ni Sir Alibaba!" pikit sigaw ng bagong dating na pandak na babae.

Nagkatinginan kami tatlo.

Napahawak sa dibdib ang babae na walang sumagot sa amin. Tumingin siya sa palibot nakatingin sa kaniya ang ibang section, at higher.

"Sorry guys. Pumunta ako dito para sabihan kayo oras na sa klase ni Sir Alibaba. Mauna na ako sa inyo,babush."

"Hays ito Jabie talaga kahit kailan. Teka lang!"

Nauna umalis si Christine sa amin.

"Ganoon talaga ang dalawang yun. Mabuti pa sumunod na tayo."

Hindi ako nagsalita. Naka sunod lang ako kay Kuro siya lang naman ang nakakaalam ng room.

Bago ako tuluyan makalabas ng cafeteria lumingon sa Higher.

***

Nakaupo na kami lahat habang naghihintay kay Sir Alibaba. Ang tahimik ng lahat halos may kaniya kaniya sariling mundo. Masyadong luma ang room namin, halata na sira-sira ang ibang upuan.

Special Academy ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon