13: Friends?

26 4 0
                                    

━━━━━━━━━━ • × • ━━━━━━━━━━

I have been with them before my birthday, medyo tahimik sa una pero nakasabay naman kahulian.

I am waiting for the time, parang ang awkward nothing all just waiting for your timer to end then tada I am already fourteen all by alone. I posted some photos but my birthday is not exposed that much, gusto ko tahimik lang at mga taong kilala ako ng lubusan ang nakaka-alam kung kailan ang kaarawan ko.

Arthur:
happy birthday

Napa-tunganga ako sa message, okay first viewer 'tong Arthur niyo. But since medyo dumaldal na ako kina Astrid at naki-kulit muna ako hindi ko muna siya nireplayan, basta alam ko binati niya ako. Nabati na ako kagabi kaya akala ko hindi na ako babatiin. Maling akala, maling ding umasa sa mga motibo.

Aanhin ko ba yon?

Hirap sa buhay ngayon mga mix signals giver kayo, pati ako litong-lito na. Kahit kailan hilig niyo ako bigyan ng motibo, buti mabait akong bata kung hindi hinampas ko na ng libro para naman matuto.

A few minutes I replied thank you at Athur's greeting.

As I thought.

Halos inubos ko na lang sa GC naming apat ni na Astrid at time ko hanggang sa antukin. Gagawa pa ako ng madaming gawain, apaka ganda nga ng sched ko. Birthday na birthday daming gagawin. At sa araw na din iyon nabuo ang quadro de manunulat namin. Nagkaroon pa nga kami ng page at apat kami nandoon.

#angapatnaestrangherongligaw ay nabuo na, mga manunulat na ginawang pantakas ang mundong imahinasyon.

• • •

Nagka-taon ding walang pasok sa susunod na mga araw, gustong gumala ni Astrid. Dahil nga wala silang maisip na place na pupuntahan, I requested dito na lang sa amin kung wala talaga sila mapuntahan. Dapat nga sa convenience store ang balak ko ang kaso nakalimutan kong dalhin 'yong chess mat ko, which is bagong bili ko noon at dumating noon bday ko, so I have no choice na ibalik sa una kong plano.

Bumili muna ako ng pagkain, bago sila dalhin sa bahay. Hindi ko din alam sa sarili ko, why I am opening myself to them, I mean this is my room and I am comfortable letting them stay with me.

Is it because Arthur has a connection to them?

Or because I feel comfortable with them.

"Tara, gilid lang kayo may aso kasi," sabi ko habang inaalalayan sila. "Di yan na ngangagat, nanglalapa lang." Biro ko na kinatakutan nila dahil tumahol na nga ang mga aso.

"Aaahh! AVERY...! 'Y-yong aso..." Naiiyak na sigaw ni Astrid na tinawanan ko habang inaalalayan pa din sila hanggang sa maka-pasok sa loob ng bahay.

"Hindi ka kakagatin niyan, hindi sila marunong noon," biro ko muli, "'Wag niyo na tanggalin tsinelas niyo medyo madumi kasi sala dito."

Dumeretsiyo lamang ako hanggang sa makarating sila sa kwarto ko, "Pag-pasensiyahan niyo na medyo makalat. Kakabukas ko lang kasi ng mga parcels." Dagdag ko at pumasok na sila.

"Ay wow may ilaw ah?" Tumawa ako sa komento nito, meron kasing nakadikit sa baba ng sahig ko na LED light. Trip ko lang pero halatang maitatapon ko sa pag-alis ko dito, medyo nakakainis kasi ayaw dumikit.

"Bakit dalawa kama mo?"

Isa sakin, isa para sa mga anak ko, namin. Biro lang wala pala akong jowa pano ako magkaka-anak. Boba man.

"Ah, yang isa kasi pinahiram. And itong malaki, akin talaga, nasa labas pa iyong pag-lalagyan and medyo hakot space kaya hindi ko muna ginagalaw." Sagot ko, "Upo kayo." Dagdag ko habang inaayos ang ilaw. Medyo madilim kasi pag red so I switch the light color into green.

"Ayon green," komento ni Asteria.

Pero ayaw niyang tinatawag siyang Asteria, masyado atang girly for her.

"Green flag kasi tayo kaya green–" Dagdag ni Astrid.

"Hoy, anong green?" Pag-tutol naman ni Asteria.

Oo, sila itong magkakaibigan na hindi mawawala ang bardagulan.

"Ako lang green dito 'no," sabat ko na kinatawa namin lahat.

"Mga feeling green flag, ano ba konek ng ilaw sa atin?" Sabi naman ni Gaia.

"Pero hindi, matanong. . . Ikaw lang talaga dito mag-isa?" Tanong ni Gaia sa akin. Napa-upo naman ako sa isang kama hindi siya kutsiyon na nakalatag sa baba, sa tabi ni Asteria. "Oo, matagal na." Sagot ko naman sa kanya. "Seryoso? As in ikaw lang?"

Tumango ako sa kanya.

"Wala kang magulang?"

"Ano yon? Naka-mute ka," pabiro kong sagot, "Wala I live alone here, I handle myself alone."

"Oh, sabi ko sa inyo independent woman itong si Avery eh." Sabi naman ni Astrid.

"Grabe nga, gusto ko ganto eh," sagot naman ni Asteria, "Pano bayarin?" Tanong naman nito.

"Kay mama," Tugon ko sa kanya.

"Saan ba mama mo?"

"Oh, my mother ay nasa Dubai." Sagot ko naman. Para talagang question and answer portion dito, at buhay ko pa nga ang natanong.

"Independent nga yan," sagot ni Astrid na medyo tumatawa.

Enjoy na enjoy ng bata.

"Gusto ko din ganto, ako lang mag-isa," bangit namn ni Asteria, "Tapos kasama iyong mga kaibigan mo."

Nakikinig lamang ako sa chismisan nila dahil inaayos ko na nga ang mga piyesa ng ahedres o chess sa english.

"Hoy, hoy paki-ayos ng live natin!" Request ni Asteria. Kaya napa-kuha na nga ako ng cellphone.

"May charger ka, Avery?" Tanong naman sa akin ni Astrid. Kaya medyo ako nabaliw kung ano ang uunahin.

"Type?"

"Ha? Siya." Sagot naman nito na kinatawa ko.

"Tanga, type C or type B."

"Type O."

Napakamot na lang ako sa ulo ko sa sagot niya. Humalakhak naman ng tawa ang dalawang natitira sa amin.

"Ano ba kasing type?" Sagot naman nito sa akin.

"USB type?" Tanong ko muli.

"Ayon! USB meron ka ba?"

"Meron, type B and USB type are the same kasi Astrid."  Ani ko at inabot sa kanya.

"Hoy live kasi tayo!" Singit naman ni Asteria.

"Oo na sandali lang," sabi ko at sinimulang buksan ang camera, "Ayan, ayusin mo na lang muna siya, kunin niyo mga libro doon."

"Avery ayaw gumana ng charger," tawag sakin ni Astrid na pinuntahan ko na agad. "Pasensiya na sa kanya, may topak kasi iyan," natatawa kong tugon dito at inayos.

Kumuha na din ako ng mga libro upang ipatong ang telepono ko, nagkataon pa ngang nahulog iyon. Buti nga di nabasag, pagkatapos ay tumapat na ako sa harap ng mga piyesa, hindi ako puti ngayon nakakalungkot lang gusto ko pamo mag-queen's gambit. Sayang!

E4.

The well-known opening.

Tumango ako at nag E5, nag-knight to F4 naman siya at nag-knight to C6 ako at dito na din lumipad bigla ang bishop niya sa C4.

"Hoy, lumipad na ang bishop," sabi ko naman, "Italian opening." Bulong ko.

At hanggang ngayon di ko pa din alam pano icounter ang Italian opening. Asa-asa na lang tayo sa mga mistake moves ng kalaban.

I guess, they become my friend. At hindi ko na din alam kung paano nangyari, ewan ko, hindi ko sigurado if nag-feeling close ako basta ang alam ko dahil sa koneksiyon ko kay Arthur nakilala ko sila. Halos biglaan talaga ang lahat, pero hindi pa din mawawala ang pag-dududa ko kay Astrid. Alam ko, at alam ng tao na kasama ko kung sino ang tinutukoy niya sa lahat ng parinig niya. Hindi naman ako ganoon ka-tanga, pero hindi din ako ganoong katanga para ibunyag siya dito. Basta kilala ko, at alam ko na pwedeng pag-mulan iyon ng gulom

"Ano na tira na!" Senyas sa akin ni Asteria.

|@vowels.

Players Game |Where stories live. Discover now