15: Confession

27 4 4
                                    

━━━━━━━━━━ • × • ━━━━━━━━━━

I am so fragile. Hindi ko alam kung aware siya doon. Apaka dali kong masaktan at sumama ang loob. Minsan gusto ko siya intindihin pero hindi—am I even still a friend to him after what I've done? Or napipilitan na lang siya dahil wala siyang choice. Dahil kailangan nila ako academically.

Lagi ko na lang napapansin, tinatakbuhan nila ako lagi pagdating sa academics, tinatanong ko sila bakit hindi si Alijah, kesyo busy. So lumalabas na naman ako ay isa sa option.


"Sigurado akong satin ang pinaka-worst." Halos nanlumo ako sa narinig ko mula sa bibig niya at sigurado akong boses niya iyon. Ito tayo eh, gusto mo sa kanila kasi alam mong mahihila ka din pataas dahil sa talino nila.

Great tandem and sadly I am not with them, kukunin sana ako nila as a member ako talaga ang pangalawang member yet Arthur chooses me already. It was an economics project and I hated and liked the fact that he chose me, ang pangit ng kasama namin. Ang hirap buhatin ito, plus hirap ako.

My mind is blurred, I am so devastated.

Walang gumagana sa brain cells ko at gusto kong umiyak pero walang luhang lumabas. Pero iyong salita niya na mula sa bibig niya—para akong binagsakan ng langit at lupa. May efforts ako doon, at tatawagin pa ng mismo mong leader iyong ginawa niyo is worst. Leader siya pero parang mas gusto niya ang gawa ng iba? Nasaktan ako, this is my work but not my idea nor my creativity.

Hirap na hirap ako kumilos mag-isa, dahil naka-dikit ako sa leader. At I have this rule, leader lagi masusunod.

I am disappointed—for putting my efforts here too, he doesn't like it. So do I, I hate the way it looks. Kulang, apaka kulang at pangit ng backround sa gawa namin. It was so empty. Hindi ko siya masisisi, pero sana hindi niya pinarinig sa'kin eh.

"Probably, walang nakilos eh." I agree, but deep inside nasaktan ako, nadismaya, nanlumo at gustong-gusto umiyak.

Kinakagat ko ang labi ko at pilit pinakakalma ang sarili, ayoko umiyak dito 'no.

Nag-mumukha na naman akong mahina.

Some of my friends and kakilala complimented the progress but the thing I can hear from him is disagreeing with them.

"Anong cute? Parang ano eh."

Napalunok ulit ako bago lumingon, tuloy mo pa, saktan mo pa ako ng palihim. Hindi nga ako nasaktan dahil sa mga mix signals mo, pero parang minaliit mo na din ako.

"Kaya nga anong cute diyan?" Kunwari kong akto, umaaktong naiinis sa gawa namin—The friend of us na chess player din na nagsabi na cute daw look at us confused. Siguro tinatanong niya bakit kami ganoon sa gawa mismo namin.

He hates it, so my effort is wasted too.

Pinalampas ko lahat, as in lahat kahit iyong kinahihiya niya iyong gawa namin. Ako nagdala ng gawa namin, dahil alam ko sa sarili ko na nadidiri siya sa gawa namin. Kaya ko naman, independent enough ako para dalhin.

I chatted him at that time na gusto ko magpa-tulong, but I was not confident enough that he would agree to help me–tutulong siya oo pero pilit sigurado... Kaya ko naman di ba, bakit ako mag-papatulong. Ikasira pa ng pride niya iyon, masaklap dito 'e mas mahalaga ang pride sa kanya kahit na may nasasaktan na siya. He was not aware, walang nag-sasabi 'e.

Or masyado akong soft para sa kanya?

• • •

Inis na inis ako at tarantang taranta, ang boring tignan ng gawa namin. At hindi ko alam bakit walang pumapasok sa utak ko. Naiinis pa din ako sa sarili ko dahil hindi gusto ng leader namin iyong gawa, nababasa ko iyon sa face expression at pag-kilos niya. Kaya pati ako nawalan lalo ng gana, mismo ba naman sa bibig niya mang-gagaling iyon.

Players Game |Where stories live. Discover now