Chapter 2

19 0 0
                                    

Chapter 2

School's just the same next day. A little glance on the schedule, late attendance, and annoying professors who share their life experiences more than the actual lessons. There's nothing special. Kung may photographic memory nga lang ako, I might become the summa cum laude. Well, even without it, I can still remember our topics and the activities. Ganoon talaga siguro kapag napagdaanan mo na lahat, madali na lang kapag binalikan.

"Hi..." Paalis na ako sa upuan ko after a three-hour class when a girl sat beside me. She's in the same class as mine.

She playfully looked at me.

"I have seen that... we have an identical schedule, lagi kitang nakikita sa class. I'm Maula. You are... Rhys, right?"

Naiinip ko siyang tinanguan.

"I am assuming that you still have no friends here. Well, I could be one! I also do homeworks for handsome men." She giggled. "For free..."

Masungit akong suminghal.

"I don't need friends."

"Oh my god... your voice. Ang deep! Your girlfriend must be so lucky!"

"She is." Tumayo na ako. "Excuse me."

Napanganga na lang siya.

Why? Is she expecting me to stay longer, entertain her, and make out with her until my next class? That's never gonna happen.

I went straight to the computer lab and grabbed a seat there. Matagal pa ang vacant period namin kaya rito muna ako. Whenever I am burned out, this is where I usually waste my time. Making random websites for nothing. I think I just really love computers. Either way, wala na akong ibang mapuntahang spot sa university. Lahat kasi ng lugar dito, natambayan na namin ni Kariza—maliban lang dito sa computer lab. This is newly built.

Don't get me wrong, I like the idea that my mind screams for her name. It's just that... I want to control it. Hindi ko alam kung anong kaya kong gawin dahil sa sobrang pagka-miss ko sa kaniya. I bet she wouldn't like the idea that I will randomly cry in public.

Nang magsawa ako sa computer, dumiretso na lang ako sa billiard house. Mahaba-haba pa ang hihintayin ko kahit nagtagal na ako sa computer lab. Kailangan ko pa ring libangin ang sarili ko, otherwise... I will just get drowned in so much thoughts—mostly, depressing. That's fucked up.

"Wow... Rhys!" Gulat na ani Roger, ang may-ari ng billiard house nang makita ako. "Welcome back! Ang tagal mong hindi nagpakita, ah?"

Hindi na lang ako kumibo. Basta na lang ako lumapit sa table kung saan ako normal na naglalaro.

Ang huling punta ko rito ay noong sinama ko si Kariza. She desperately wants to learn how to play billiards. Iyon nga lang, hindi siya natuto. Hindi ko rin alam kung bakit.

Sabi nga niya... astig iyon.

"Beer?"

I quickly grabbed my cue and rubbed some chalk on it. Iritado akong humarap kay Roger.

"Nag-aalok ka pa rin ba ng alak sa mga estudyante?"

"Estudyante ka ba?"

"Hindi ba halata?" I leaned at the table after fixing the balls. I am now aiming using my cue ball.

I stroke my fingers at the cue then released it. Shoot. Tatlo.

"Wala ka pa rin talagang kupas!" Pumalakpak siya. "Kahit kulang sa inom, walang olats. Ibang breed ka, idol!"

"Tss..." I put my cue down. Umupo ako sa table. Old habits never really die.

"Iyan ka na naman."

"Ako na nga lang ang customer mo, aangal ka pa."

The Touch of Eternal Sorrow (Altarieno Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon