Chapter 23
I did not sleep for days.
Bukod sa wala akong pahinga kakatrabaho, dumagdag sa mga iniisip ko ang nangyari kay Maelle... ang family situation niya, at ang mga nangyari sa aksidente. Basically, the things I have discovered and experienced lately.
Mom was hysterical that I almost got into an accident. Si Dad, nagalit dahil binangga ko ang Ferrari. Other than that, wala nang violent reactions. Well, aside from my grandfather who's trying to ground me for a week-which he can't do since I have classes.
And for everyone's sake... ground? What am I, twelve?
"Men, tignan mo 'tong naka-match ko sa Tinder!"
We're on break from work. Papaidlip pa lang ako nang bulabugin na naman ako ni Karl.
"Inang iyan, ang laki ng..."
I did not move an inch. I put his pillow above my head, to cover my ears. Naririndi na ako sa kaniya.
"Rhys! Tulungan mo ako!" Ramdam kong hinila niya ang paa ko.
Nakapikit akong suminghap.
"Fuck you and your problems." I grunted. "Malapit na ang birthday ko. Kahit tulog na lang ang i-regalo mo sa akin!"
He chuckled. "Oh, boy... taga-QC! Hell, yeah! Jackpot!"
Inalis ko ang unan sa ulo ko at inis na bumangon. Hinagis ko iyon sa kaniya. Ngingisi-ngisi pa ang tang ina.
"Aray!" Daing niya na para bang hollowblocks ang binato ko. "Inaano ka bang tang ina ka?!"
Pinanlisikan ko siya ng mata.
"You're really asking me that?!"
"Bakit? Nagpapatulong lang naman! I want to get laid once in a while!"
I scoffed, horrified.
Why am I hearing this? Kung gusto niyang lumandi, kailangan pa bang kasama ako?
"Ituloy na kasi natin ang night out bukas!" Yakag niya pa. "Next month pa ako babalik sa QC! I need a break from all these... crap!"
Umirap lang ako.
Karl's originally from QC. Doon nakatira ang pamilya niya until he decided to come here for Shamxia. They moved here as soon as he passed the admission. Ang sabi niya noong una ay dahil mas masipag daw magturo ang mga professors dito at mas efficient kaysa roon sa mga universities sa kanila.
Ngayon... basta. Alam kong nagbago na ang opinyon niya.
"Come on! It's a Saturday night!" He persuaded me. "Cut some loose! Iinom lang tayo at makiki-party! That's all! Uuwi na rin!"
"Do it yourself."
"Sige, mamili ka." Hamon niya sa akin. "Sasama ka bukas o... tutulungan mo ako sa mga Tinder girls?"
"Is that even an option?"
"It isn't." He picked his phone up and showed me the screen. Tinder nga.
Pakiramdam ko talaga ay may sakit siya sa utak. He can't damn focus on one thing! Paano ba siya nakakahanap ng trabaho?
"Tignan mo 'to. Iyong taga-QC." Tinuro niya sa akin si Jackie, from what I can read. "Real or not?"
Kumunot ang noo ko.
"Real... person?"
"What? Have you gone nuts? The boobs!"
"Who the hell cares?" 'Ni hindi ko man lang iyon tinignan. Wala akong pakialam. "It's for her to like, not you. Grow up. Nobody cares about plastics."
BINABASA MO ANG
The Touch of Eternal Sorrow (Altarieno Series #3)
Romans[COMPLETED] Getting over the fact that Meara Kariza Connors is gone has never been too easy for her boyfriend, Haryhson Tomas Altarieno. She was the best future he could ever have. The most valuable person he could ever hold. But then, things starte...