Chapter 20

6 0 0
                                    

Chapter 20

When I went back to the mansion, natanawan ko ang isang sasakyan sa garahe. I parked my car just in front. Bumaba na ako, mabigat ang damdamin.

What I saw was... unbelievable. Pangalawang beses na ito. Noong una, boses. Ngayon naman... siya na mismo.

I know the answer, though. It's either totoong tao iyon o baliw ako. And considering my case, most likely, it's the second one.

"Haven't I told you to get checked-up?" It was Tito Vince's voice.

Ang plano ko talaga ay didiretso na ako sa bahay nila Karl upang mag-asikaso ng mga kakailanganin sa trabaho. Naisipan ko lang dumaan dito para mag-shower at magpalit ng damit—na kung tutuusin ay pwede ko namang gawin kina Karl.

Maybe I sensed he was here. Good timing. I wanted to talk about that professor.

"Dad... magpa-confine ka na."

"What happened?"

Natigilan si Tito at si Lolo na nakahiga sa couch. Para bang may iniinda itong sakit.

Nagsalubong ang kilay ko.

"Where's his nurse? Is he okay?"

"Okay lang ako." Sagot ni Lolo habang nakahiga. "OA kayong lahat."

Umawang ang labi ni Tito Vince.

"Nagagawa mo pa talagang magbiro, Dad? May cancer ka for god's sake! Bakit ba ayaw mong magpa-ospital? Pwede ka pa nilang gamutin doon at—"

"Tumigil ka na, Vincent."

Dumating ang nurse at agad siyang inalalayang maupo. May dala-dala itong isang basong tubig na siya namang ininom ng lolo ko.

Naubo pa ito nang bahagya. Napakislot kami ni Tito.

"Hindi gagana ang pagiging aktor mo sa akin." Dugtong niya. "Hindi ko babaguhin ang mana mo. Fixed na iyon."

"Dad, that was not I am trying to point out—"

Lolo looked at me, nanghihingi ng tulong.

"Ihatid mo na ang tarantadong iyan sa labas. Magpapahinga ako sa kwarto ko."

Nagkatinginan kami ni Tito Vince. Wala akong magawa. Naghigit lang ako ng balikat.

If I were to ask, he is the kindest among Altarienos. He's the most genuine and less brutal. Iyon nga lang, madaling maimpluwensiyuhan. Masulsulan lang nang kaunti, bibigay na.

"What happened to him?" Iyon agad ang tinanong ko nang pareho kaming makalabas.

He hissed.

"The nurse contacted me. Dad has dyspnea."

Siya lang?

"Ako ang pinakamalapit sa kaniya..." Para bang nahulaan niya ang tanong sa isip ko.

"And he did not want to be taken into the hospital." I said. "How did he stabilize?"

"I suggested a stent. Somehow, after that... he got better. Na para bang walang nangyari sa kaniya at all."

"It's very him." I chuckled. "But really, what is dyspnea?"

Siya naman ang natawa.

"It's shortness of breath..."

Iyon lang pala, pina-kumplika pa. "There's no doctor?"

"Kilala mo si Dad. Tatawag pa lang ako ng espesyalista, humuhugot na siya ng kutsilyo."

I laughed even more.

The Touch of Eternal Sorrow (Altarieno Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon