Chapter 21
Contrary to my thoughts, nakita ko na lang ang sarili ko na nililiko ang aking sasakyan pabalik sa Shamxia. Binaba na ni Derwick ang call kaya wala akong ideya kung ano nang nangyayari roon. I wasn't able to say anything either.
I hope they are still there.
I opened the window while waiting for the traffic lights. I spat saliva on the side at natawa sa sarili ko. Para akong tanga.
"What the hell am I doing?" Napailing ako sa sarili kong desisyon. Hindi ko na maintindihan... if my car's only alive and talking, dito ko isisi ang biglaan kong pagliko.
Well, it wasn't just my own will. I'm just... being a good classmate. Kagrupo ko siya sa NSTP. Kailangan ng mag-o-organize sa barangay hall. That's... it. Tumutulong lang ako para matapos namin ang activity.
I nodded consecutively.
Right... iyon lang. I wouldn't do this for her. Because if I will—which won't happen, I won't hesitate. At kung nagawa ko man, hindi ko sinsadya. That's human instincts and not to mention... the deal. Our deal.
The lights went green so I drove straight to the university.
Here I come... for... charity.
Sa harap pa lang ng gate, natatanaw ko na ang problemadong si Derwick. Sinubukan kong hanapin si Maelle sa paligid ngunit hindi ko siya makita.
Baka pumasok sa loob.
Tinapatan ko siya, bahagyang pumasok sa entrance ng university. Agad niya akong nakita dahil nakabukas pa rin ang bintana ng aking sasakyan.
"Rhys, tang ina!" Tumakbo siya palapit sa akin. Gumapang ang tingin ko sa bendang nasa kamay niya.
Hindi pa rin magaling iyan?
"Tang ina!" Mura niya pang muli bago sumakay sa front seat. Pinanlisikan ko siya ng mata.
Ang usapan, si Maelle. Bakit siya ang nandito? There's no way he pranked me because... I heard her in the background!
"Where's she?"
I glanced in the front, hoping that she'll come out at nauna lang ang tarantadong ito.
"Where is she?!" Tanong ko pa ulit. This time, nakatingin na sa kaniya.
Malikot ang mga mata niya habang nagbabalisa. I can't read his thoughts lalo na't walang lumalabas sa bibig niya kung hindi mura.
"Where's Maelle—"
"She's gone."
Kumunot ang noo ko.
"Gone? What do you mean, gone? I just heard her a few minutes ago—"
"Umalis siya, okay?! Tinangay niya ang motor ko!"
"What?!" I ridiculously asked.
Halos bunutin niya ang kaniyang anit dahil sa frustration.
"I'm sorry, I don't know what to do! Help me!" Gulong-gulo niyang sigaw.
"Then at least give me the context! Hindi 'yang darating ka rito at magpa-panic na parang aso!"
Sinamaan niya ako ng tingin.
Can you blame me? Siya na lang ang nagpapatulong sa akin, ayaw niya pang ayusin!
"I brought my motorcycle a while ago dahil iyong LTS namin, sa Bagong Silang pa." Finally, medyo nakakalma na siya. "Tapos... naabutan ko si Mae sa harap. Wala raw siyang sasakyan papunta sa Sibul dahil na-late siya ng bangon kanina. And..."
BINABASA MO ANG
The Touch of Eternal Sorrow (Altarieno Series #3)
Storie d'amore[COMPLETED] Getting over the fact that Meara Kariza Connors is gone has never been too easy for her boyfriend, Haryhson Tomas Altarieno. She was the best future he could ever have. The most valuable person he could ever hold. But then, things starte...