Chapter 49

6 0 0
                                    

Chapter 49

Most of us can process the idea of death in our minds...

Of course, it is easy to comprehend. We do not have unlimited lives. We do not have perfect health. And for that, death comes to the picture.

Kadalasan, we chew hard if something's unfavorable for us. But at times when things are getting out of control... ano pa ang magagawa natin kung hindi maghintay?

Madaling unawain ang konsepto ng kamatayan ngumit mahirap iyong lunukin. Para kang kumain ng isda na may kasamang tinik. Para kang nagkusang maglakad nang nakapaa while still knowing its consequences. Madali pero kumplikado kapag naroon ka na.

And the appropriate three words to say for that are...

What the fuck.

"Kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi ka na nangre-raid sa bahay..."

Dumukot si Karl ng chips mula sa gilid ko. Ang kapal talaga ng mukha nito.

"Bakit hindi ka man lang nagsabi sa amin?" Napanguso na rin tuloy si Gab.

"We are friends for a reason, dude. We could have helped..."

Ngumiwi ako. "Cancer cannot be helped."

At paano ko naman masasabi sa kanila na na-bed rest na si Lolo? I'm still at my point where I can't function! Uunahin ko pa ba sila bago ang sarili ko?

"Ito naman! Tanga ka ba? Siyempre... emotional! Gano'n!"

Ngumunguya si Karl nang tumango. "Alam naming mayaman kayo pero hindi niyo mabibili ang comfort kahit anong gawin niyo."

"Oh, is that so? How do you plan on comforting me, then?"

"Hug?" Gab said, halos mandiri ako.

"Pass."

"Words!"

"Like what? Everything's going to be okay?" I appreciate the gesture but no... I'm fine. "Huwag na lang."

"Eh 'di kiss, tang inang 'to! Ang hirap mong pasayahin!"

"Mamamatay ang lolo ko, sa tingin niyo kaya niyo akong pasayahin?"

"Okay! Eh 'di huwag na!"

"Umuwi na nga kayo!" Kanina pa sila nagpapaalam sa akin, I swear to god! "Bakit ba sa kusina kayo dumiretso?"

"Hindi mo kami papakainin?" Punong-puno ang bibig ni Karl ng pagkain.

Umasim ang mukha ko.

"How on earth will I? You always help yourselves when it comes to foods."

"I'm out there." Si Gab.

"Well, that's because you finished eating your pasta?"

Nanlaki ang mata ni Karl. Palibhasa ay si Gab ang nauna kaya mas may nakain ito kaysa sa kaniya. "May pasta?"

I rolled my eyes. "Wala na!"

"Ang damot talaga. Huwag ko kayang saluhin ang trabaho mo?"

"Drop it all you want." I can always find another job. Mas maganda kung hindi pa ngayon. "I won't come back anyway."

"Kahit kailan?"

"For now. I just... have many problems to deal with."

They went silent. From the side of my eye, nakita kong maingat na binulsa ni Karl ang isang bag ng chips sabay kalabit kay Gab. Tumayo silang pareho sa kinauupuan.

Oh, natauhan?

"Aalis na kami... totoo na this time."

My lips parted.

The Touch of Eternal Sorrow (Altarieno Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon