Chapter 4
"Galing niyo!" Bungad ng ilang mga estudyante sa backstage pagkatapos ng kanta. I am pretty sure they are in the music club.
"Muntik pa ngang sumabit, eh!" Pagod na umupo si Derwick sa isang gilid. Sinundan siya ng drummer na tumabi sa kaniya.
"Ha? Bakit?"
"Last minute, nag-back out si long hair!"
"Si Hwang?"
"Oo! Gagong iyon! Tinopak yata! Ang solid pa namang mag-perform no'n, tinitilian!"
"Goods din naman iyong bago!" Sumulyap sa akin ang nagsalitang iyon. "Anong pangalan mo, men?"
Tumikhim ako. "Rhys."
"Rhys! Iyon! Galing mo kanina! Matagal ka nang tumutugtog?"
"No." Tipid kong sagot. "Just a casual... hobby."
"Weh? Hindi halata!" Sagot ng isa pa.
"Saang department ka?"
"Education."
"Ah, kasamahan nila Derwick?" I nodded. "Ayos, ah!"
Derwick laughed. "Mag-ingat ka, Teng. Allergic sa tao iyan."
"Ulol. Parang hindi naman." Naglahad iyong Teng ng kamay sa harap ko. "Teng nga pala, bro. Nice to meet you."
I shook his hands.
"Itong kasama ko, si Jones." Sinenyas niya ang lalaking nasa tabi niya.
"Yo!"
"Hey..."
"Iyong drummer, si June." Kumaway ang drummer. "Baka lang hindi mo pa kilala.
"Yeah..."
"So... are you up to the next event? You're good. Hahanap-hanapin ka ng crowd niyan."
"This is my last."
"Bakit?"
"Personal reason." Nagkibit-balikat ako. "I'm sure you can find someone better than me. I'm not performance worthy."
I can't see myself performing in front of everyone... again. I feel like I'm not really that type of person so... definitely, hindi na 'to mauulit.
Teng laughed. "Gitarista na, naging bato pa!"
"Buhay nga naman..."
"I'm sorry to steal the moment." Sabat ni Derwick. "Nasaan si Mae?"
Right...
Where is she?
Simula noong natapos kami, hindi ko siya nakitang sumabay sa amin papuntang backstage. She just popped like a bubble.
"Isa pa iyang vocalist niyo na iyan! Masiyadong sakit sa ulo!" Si Jones. "Magpe-perform na't lahat, naka-tengga pa rin sa tabi. Ano siya, artista?"
"May mga sapak yata sa ulo lahat ng miyembro niyo, 'no?"
It's fine if she won't show up every now and then. I was so distracted when I saw her came. I can't stop myself from thinking that... she's the same person I love. I am tired of these thoughts. Seeing her brings back so many memories. Kahit simpleng tingin lang... para akong masisiraan ng ulo.
"Baka ikaw?"
I looked at my back, utterly disappointed. Napakabilis baliktarin ng nag-iisang hiling ko.
"Mae! Sa'n ka galing?" Si Derwick ang yumakag sa kaniya patungo sa pwesto namin.
"Diyan lang..." Nag-iwas ako ng tingin nang lumingon siya sa akin. I can feel this random feeling again.
BINABASA MO ANG
The Touch of Eternal Sorrow (Altarieno Series #3)
Romance[COMPLETED] Getting over the fact that Meara Kariza Connors is gone has never been too easy for her boyfriend, Haryhson Tomas Altarieno. She was the best future he could ever have. The most valuable person he could ever hold. But then, things starte...