Chapter 45
"Am I interrupting something?"
Isang nagtatakang tingin ang gumuhit sa mga mata ni Scott nang madatnan ko siyang umiinom nang mag-isa sa rooftop ng mansiyon.
"Anong..." He drank the full shot of Bourbon. "Ginagawa mo rito?"
Nagkibit-balikat ako at naghila ng upuan papunta sa kaniyang tabi.
"Magpapahangin lang sana..." Para makapag-isip-isip. "Si Arin?"
"Sleeping."
"Sa bahay mo? Sinong kasama?"
Lumagok ulit siya ng whiskey.
"Si Mommy..."
Kumunot ang noo ko.
Hindi si Bernice? Hmm... that's new.
"Drink?" Inangat niya ang kaniyang shot glass, trying to tempt me—like it was going to happen.
"Pass." Masakit na ang ulo ko, I don't want to suffer even more.
Umikot ang kaniyang mata.
"KJ..."
"Tss. Ano bang problema mong bobo ka?" Kunwaring inis kong tanong. "Nag-away kayo ni Bernice?"
Umingos siya. Halatang iyon nga ang problema.
Well... that's not something new. Madalas naman talaga ay nagtatalo ang dalawang iyon, although during those cases... si Bernice ang laging bumibigay at nagpapatawad—kahit si Scott ang may pinakamalaking kasalanan.
I guess... the tables have turned.
O baka... wala pang nagpapatawad 'ni isa sa kanila?
Sarkastiko siyang natawa.
"Hindi ko maintindihan kung anong tumatakbo sa isip ng babaeng iyon. One day... he praises me for being a great father. Ngayon naman... pinupuna niya ang pagiging subsob ko sa trabaho." Napapailing pa siya.
Oh... another bits of this. Sa ganito lang naman umiikot ang mga pinag-aawayan nila. Paano, kahit manlalaki si Bernice, my cousin wouldn't care.
You know... things about being in a relationship without any feelings.
"Knowing Bernice... that statement doesn't automatically equate your capability as Arin's father..."
He frowned.
"Are you fucking kidding me?"
"What?"
"You can't read between the lines? She's implying that I have no time for my daughter!"
"May time ka pa nga ba kay Arin?"
"Anong klaseng tanong iyan? Of course, there is!" He aggressively poured the whiskey and drank it straight up.
Napangiwi ako.
"Ano bang kailangan mo para matahimik ka na? Assurance?"
"Mula sa'yo?" Umasim ang mukha niya. "Kahit huwag na!"
Oh, for god's sake... kinokontrol na naman ni anger ang tang inang 'to!
"Huwag mo na nga akong kausapin kung ba-badtrip-in mo lang ako!" Dagdag niya pa nang pabalang.
"I'm just lending my ears here. Bakit nagmukha pa akong masama?"
"Okay, then... just talk about your problems or... whatever! You're not helping at all!"
"Sure ka? Baka mabaliw ka..."
"May mas masaklap pa ba sa buhay ko?"
"You're just saying that because you have never heard mine."
BINABASA MO ANG
The Touch of Eternal Sorrow (Altarieno Series #3)
Romance[COMPLETED] Getting over the fact that Meara Kariza Connors is gone has never been too easy for her boyfriend, Haryhson Tomas Altarieno. She was the best future he could ever have. The most valuable person he could ever hold. But then, things starte...