15

990 19 0
                                    

Chapter 15
3rd Person's POV
Hindi nagawa ni Desiree magpo-focus sa kawalanghiyaan na pinagsasabi ni David dahil sa kakaibang nararamdaman niya sa hawak, halik at haplos ni David sa kaniya. Nandidiri siya. Iba iyon sa mga hawak ay haplos sa kaniya ng magkakapatid na Lucero.

Napamura si David matapos siya pasuin ni Desiree at umatras. Gumusot ang mukha ni David at sinabing huwag mag-acting si Desiree na para bang napakalinis nitong babae.

"Bitch."

Napatigil si Desiree matapos biglang tumalsik si David matapos may sumuntok dito. Nakita ni Desiree na sinipa ni Azure si David at sinuntok ni Tiago sa bibig si David.

Iniikot ni Loki ang wrist niya na nakatayo sa harapan ni Desiree. Tinanong ni Loki kung gusto nito mawalan ng dila habang buhay.

"Loki— anong ginagawa niyong tatlo dito."

Napaigtad ang tatlo. Nakatakbo si David at pinagmumura sina Loki. Itinaas ni Azure ang gitnang daliri.

"Ano— napadaan lang kami. Tambayan din namin ito," palusot ni Tiago. Tumingin si Azure..

"Hindi ba tayo pumunta dito para maki-chismis kung sino iyong guy na hinalikan si Desiree?"

Nabatukan ni Tiago si Azure at sinabing manahimik na lang ito. Pinunasan ni Desiree ang labi.

"Bakit hindi mo siya agad sinapak?" tanong ni Loki. Nagulat si Desiree dahil hinawakan ni Loki ang magkabilang kwelyo ng coat ng uniform niya.

Galit si Loki. Hindi gaanong nag-react si Desiree at sinabing wala siyang dapat sabihin.

"Nakikipag-sex ako sa tatlong lalaki na hindi ko naman boyfriend. Pinagsasabay ko kay—"

"Na ginusto namin," putol ni Loki. Naiinis na binitawan ni Loki ang uniform ni Desiree at sinuklay ang buhok.

"Nevermind, bakit pa ba kami nangingialam. Hindi ka namin girlfriend," ani ni Loki at tumalikod. Sumimangot si Azure.

"Nandito tayo para humingi ng chance hindi ba? Aalis na tayo?" habol ni Azure kina Loki at Tiago. Napatigil sina Loki then si Desiree.

"You dumbass! Ilang beses ka ba inanak," ani ni Tiago at binatukan si Azure. Humahanap kasi talaga sila ng tiyempo ngunit natotorpe sila. Napasapo si Loki sa noo.

"Oo nga aalis na ba kayo? Hi-hindi niyo ako tatanungin?"

Napatigil sina Loki. Lumingon silang tatlo kay Desiree na nakatayo lang doon at hawak ang dulo ng skirt niya. Namumula ang pisngi at mga tenga.

"Hindi niyo din ba ulit ako pwede bigyan ng chance para baguhin ang isip ko?" ani ni Desiree. Lumiwanag ang mukha ni Azure. Tatakbo ito palapit kay Desiree nang hawakan ni Loki at Tiago ang kwelyo ng kapatid nila.

"Hindi ba masyado kang marupok Azure," ani ni Loki na nakakunot ang noo. Lumingon si Azure at tinaasan ng kilay si Loki.

"Hindi ako marupok. Si Desiree lang iyan iyong fairy natin!" ani ni Azure. Tinanong ni Desiree kung anong fairy.

"Fairy— mukha kang fairy, Desiree," ani ni Azure na nakangiti ng matamis. Napasapo si Loki at Tiago sa mukha. Namumula ang mga tenga nito. Tinawag siyang fairy ng tatlo.

"Cute," ani ni Desiree na natatawa. Sinabing gusto niya ang tawag sa kaniya nina Loki.

"Huwag kang makinig kay Azure," ani Loki na nahihiya. Nagtatawa lang si Desiree at bahagyang natanggal ang pagkailang niya.

Lumapit si Desiree kina Azure. Sinabi ni Desiree na kung pupunta sina Tiago sa bahay nila para hingin ang kamay niya dapat sabihan na muna siya.

"Para aware naman ako hindi ba?" ani ni Desiree. Inayos ni Tiago ang suot na salamin. Tinanong ni Azure kung gusto din ba sila ni Desiree.

"Sinong gusto mo sa amin tatlo?" ani ni Azure at hinawakan ang kamay ni Desiree. Napatigil si Desiree. Tiningnan niya sina Loki.

"Hi—hindi ba pwedeng kayong tatlo ang maging boyfriend ko?" tanong ni Desiree. Worried siya— ayaw niya may masaktan ni isa kina Azure at isa pa may makitang kasama ang mga ito na ibang babae.

Napangisi si Loki at sinabing hindi ba masyadong greedy si Desiree para silang tatlo ang gawin nitong boyfriend.

"Kaysa naman mag-away kayong tatlo o maging magkakakompetensya— kayong tatlo na lang gagawin kong boyfriend," ani ni Desiree. Straight niyang sinabi iyon kina Tiago. Nilapit ni Tiago ang labi sa pisngi ni Desiree.

"Wala ka naman sigurong balak humanap pa ng iba bukod sa aming tatlo diba?" tanong ni Tiago. Actually, they don't mind dahil magkakapatid naman sila.

"I don't have any hole na maio-offer sa kanila so? No, " sagot ni Desiree. Tumawa si Desiree matapos siya biglang kilitiin ni Azure sa bewang at halikan siya ni Tiago sa leeg.

"Nagbibiro lang naman ako," ani ni Desiree na natatawa. Niyakap ni Loki ang bewang niya. Sinabi ni Loki na dapat lang iyon. Ayaw na nila ng kahati.

Hinalikan ni Loki si Desiree na agad naman sumagot. Napangisi na lang si Azure at Tiago.

"Aww!"

Hinampas ni Loki ng hawak niyang junkfood sa ulo si Desiree. Nakahilig si Azure sa table, nakaupo naman si Tiago at nakatingin kay Desiree na hawak ngayon ang ulo.

"Kaya ka tumataba. Puro junkfood kinakain mo," ani ni Loki at umupo sa tabi ni Desiree.

"Grrr! Anong ginagawa niyong tatlo dito wala ba kayong practice! Huwag niyo pakialaman pagkain ko," iritable na sambit ni Desiree at aagawin niya iyon kay Loki nang itaas iyon ni Loki.

"What the heck!"

Kinagat ni Desiree ang braso ni Loki. Hindi binibitawan ni Desiree ang braso ni Loki at sa pagkakagat nito. Nagkatinginan ang mga tao na nasa loob ng cafeteria.

"Azure, nandiyan pala kayo."

Napatigil sina Azure matapos makita si Fider kasama sina Lucky at Destiny na nakatingin sa kapatid nilang kinakagat si Loki.

"Kahit ang dance club walang practice?" tanong ni Fider at umupo sa tabi ni Azure.

"Malapit na ang exam," sagot ni Azure. Walang practice 3 days before ang exam para nga may time silang mag-review. Kaya iyon attend sila ng klase tapos busy sa paggawa ng reviewer ngayon.

"Para saan ang mga books na ito?" tanong ni Lucky. Nagkalat sa table ang ilang books at print out.

Tinutulak ni Loki ang mukha ngayon ni Desiree na pilit inaabot ang pagkain niya.

"Hindi ba halatang nagre-review ako?" ani ni Desiree. Sinabi ni Desiree na may usapan sila ni Paris na kapag nagpatuloy pa ang pagbaba ng score niya sa exam patitigilin na siya sa paglalaro ng volleyball.

"By the way hindi siya magaling sa academics," ani ni Lucky na natatawa habang winawagayway ang print out na nadampot niya sa table.

"Lucky! Hindi ko lang siniseryoso ang exam okay? Hindi ako nakaka-attend ng klase kaya mababa ang score ko sa exam," hirit ni Desiree. Napairap si Destiny.

"Duhh! Pareho lang kayo ng chedule ni Fider hindi din siya nakaka-attend ng klase. Hindi siya nakakakuha ng 19 out of 95 sa exam," banat ni Destiny. Namula si Desiree ng todo. Sinabing huwag siyang ipahiya.

"Mas mabuti ng alam iyon nina Loki para hindi na sila magulat kapag hindi nakita pangalan mo sa rank 100."

Binato ni Desiree ng plastic bottle si Destiny na agad naman nasalo iyon at natatawang sinabi na hindi lang dapat ganda meron si Desiree.

"Grrr! Makakasama ako sa rank 100 tandaan mo iyan Destiny. Minamaliit mo ako masyado," ani ni Desiree na mukhang napikon na sa sinasabi ng kapatid. Natawa na lang sina Loki at hindi na pinansin ang tatlong magkakapatid.

Hopelessly, Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon