36

716 18 0
                                    

Chapter 36
3rd Person's POV
Pinagkaguluhan si Desiree ng mga kapatid kasi nga nagpagupit ito. Tinanong pa ng mga ito kung broken si Desiree o may sakit.

Tinanong ni Jasper kung anong nangyari sa buhok ni Desiree. May pagka-fashionista kasi si Desiree like compare sa mga kapatid niya mas mahalaga dito ang looks niya. Ginupit na lang nito bigla ang buhok.

"Ano ba kayo! Masama na ba magbago ng hairstyle?" ani ni Desiree na nakakunot ang noo. Nailing na lang ang parents ni Desiree.

"Fine— ginupit ko dahil sa trauma nina Loki. Hindi ako makalapit sa kanila at hindi nila ako makilala," ani ni Desiree. Napatigil sina Phinea then tumili ang mga ito at niyakap si Desiree sinabing dalaga na si Desiree

Napamura si Desiree at pabirong pinaghahampas ang mga kapatid. Nasa mansion sila ngayon ng mga Lucero para dumalaw bukas naman ang mansion ng mga Lucero para sa mga Ortega katulad ng kung paano welcome ang mga Lucero sa mansion ng mga Ortega.

Pinainom na ni Desiree ng gamot sina Loki at Tiago para maiwasan ang anxiety ng mga ito. Kumakain na din naman sina Loki as long mga dry food iyon.

Sa kalaliman ng gabi napabangon si Loki. Muli pinagpapawisan siya ng malamig. Nagpa-panic na kinuha niya ang lalagyan ng tabletas sa table ngunit sa pagmamadali niya nahulog iyon sa sahig.

Hindi nakokontrol ni Loki ang emosyon at katawan. Feeling niya nagbabago palagi ang sa paligid niya at pakiramdama niya lumulutang siya.

Napatigil si Loki matapos may humawak sa kamay niya. Nakita niya si Desiree na may sinusubo na gamot sa kaniya at may hawak na tubig.

Binuka niya ang bibig at nilunok iyon. Pinainom siya ni Desiree ng gamot at niyakap ng mahigpit.

"Desiree, kapag ba hindi ako gumaling iiwan mo ako. Paano kapag—"

"Gumaling ka o hindi. Wala akong balak iwanan ang kahit na sino sa inyo. Hindi ko kayo iiwan," putol ni Desiree. Noong humiwalay si Desiree ay hinalikan niya sa pisngi si Loki.

"Matulog ka na ulit. Nandito lang ako," ani ni Desiree. Natutulog si Desiree sa tabi nina Loki. Binabantayan niya ang mga ito— kung atakihin na lang ang mga ito bigla ay magigising siya at madadaluhan.

Noong makatulog muli si Loki sandaling lumabas si Desiree para lagyan ng tubig iyong inumin na nilalagay niya sa gilid ng table para kina Loki. Pagbaba niya nakita niya si Paris.

"Gising ka pa mom?" ani ni Desiree. Dumiretso siya sa kusina.

"Naalimpungatan ako kaya bumaba ako sandali. Nagising ba sina Loki?"

Bumaba din kasi kanina si Desiree noong magising si Tiago.

"Mom, ngayon naiintindihan ko na kayo nina mommy at daddy about sa pagi-stay, sa responsibility, importance, priority tapos love."

Naglalagay si Desiree ng tubig sa lalagyan. Sinabi ni Desiree na ayaw niya ng mga complicated things. Ayaw niya din ng masyadong maraming responsibility.

"It's all messed up mom. I'm a messed," ani ni Desiree na natatawa. Nahawakan ni Desiree ng mahigpit iyong pitsel.

"Iyong feeling na nahihirapan ka, drained ka na tapos pagod. I want to give up— but— I can't. Kahit yata mamatay yata ako sa exhaustion imposible na magawa ko i-give up sina Tiago," ani ni Desiree. Iyong sitwasyon nila, kondisyon nina Tiago lahat ng iyon— imposible niya mai-give up.

"I always choose to stay kahit natatakot ako palagi sa future. Natatawa lang ako kasi parang kahapon lang iniisip ko all about love is sex. Like kung magse-sex kami ayos na iyon, happy na— nagawa ko na ang responsibility ko sa kanila as a girlfriend at na-fullfilled na nila ang need ko as a girlfriend pero mali ako."

"Hindo nagtatapos ang relationship sa sex, needs, priorities at sa responsibility."

Napatigil si Desiree matapos hawakan ang ulo ng anak. Napalingon si Desiree.

"Even if you don't like— you should stay. You should, sweety because you love them and they are important to you. Give up is not part of your choices if you want to stay. You're so brave honey and I'm proud of you. Nagi-start ka pa lang anak," ani ni Paris. Napangiti si Desiree at tumango. Sinabi ni Paris na wala sa mga Rivas ang madaling sumuko.

"Malabo pa ako makahanap ng katulad nila— isang beses lang nagmamahal ang mga Rivas kaya hindi ako pwede sumuko. Ayoko maging matandang dalaga ng mahabang panahon."

Balak ng mga Lucero na dalhin sa ibang  bansa sina Loki. Kagabi kinausap siya nina Tiago about doon. Kung pagod na ba si Desiree o kung ibi-break na sila.

Agad na sumagot si Desiree ng no pero mukhang hindi iyon ang gusto nina Tiago na sagot niya.

Kinabukasan,
"What?" ani ni River. Yumuko si Desiree at sinabing aalagaan niya sina Loki hanggang sa maka-recover ang mga ito.

"I-reconsider niyo sana ang kahilingan ko," ani ni Desiree. Sinabi ni Desiree na kung hindi maka-recover sina Loki ng isang taon papayag na si Desiree na dalhin sina Loki sa ibang bansa para magpagaling.

"Desiree," ani ni River. Nilagay ni Desiree ang kamay sa likod niya.

"Alam ko masyado akong selfish. Pero masyadong malayo ang ibang bansa. Gusto ko sumama— ayoko mapalayo kina Loki. Hintayin niyo lang ako makatapos ngayong year. Mag-aaral ako sa ibang bansa— gagalingan ko na sa school!" ani ni Desiree na nakayuko. Na-shocked sina Loki matapos marinig iyon. Nagtatawa naman sina Phinea sinabing kaya ba iyon ni Desiree.

Napalingon siya matapos marinig ang boses ng mga kapatid. Namula si Desiree at sinigawan ang mga iti na huwag siya tawanan.

"Nahihirapan ka nga pumasa sa mga major subjects mo tapos mag-aaral ka pa sa ibang bansa? Mag-asawa ka na lang kaya," banat ni Destiny. Natawa ang mag-asawang Lucero.

"You're so cute honey," ani ni Tiago na niyakap siya mula sa likod.

"Nakausap na namin sina papa. Hindi din naman kami papayag kaya hindi mo kailangan makipagkasundo sa kanila. Dito lang kami— pwede naman sila magpadala ng doctor dito. Nangako kami na makiki-cooperate para hindi na nila kami dalhin sa ibang bansa," ani ni Tiago.

"Tapos hindi niyo sinabi sa akin! Hindi niyo ba alam na hiyang-hiya na ako dito," ani ni Desiree na ngayon ay namumula ang mga pisngi.

"Ang cute mo fairy kapag ginagawa mo lahat ng best mo. Ganiyan mo ba kami kamahal?" tanong ni Azure na natatawa. Lumambot ang expression ni Desiree.

"Yes, and I hate it," ani ni Desiree at napatakip ng mukha.

"Nakakasira kayo ng dignidad at image," ani ni Desiree. Bumanat si Lucky na matagal ng wala 'non si Desiree.

"Will you shut up."

Nilingon niya ang mga kapatid na nagtatawanan. Natawa din sina Loki.

Hopelessly, Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon