23

828 20 1
                                    

Chapter 23
3rd Person's POV
Tatawa-tawa si Desiree noong pagkagising niya noong umaga halos lumuhod sa harap niya si Loki para humingi ng sorry sa ginawa niya.

"Pero kapag may sakit ka at ginawa mo din iyon sa ibang babae babaliin ko lahat ng buto mo sa katawan," ani ni Desiree. Sunod-sunod na umiling si Loki sinabing hindi niya gagawin iyon.

Hinawakan ni Desiree ang pisngi ni Loki at doon nakumpirma na wala na itong lagnat.

"Hatid ka na muna namin sa school Desiree," ani ni Tiago. Hawak na ni Tiago ang bag ni Desiree. Nilabhan na ni Azure kagabi ang uniform ni Desiree kaya naman nasuot na iyon ni Desiree kinabukasan.

"Tawagan niyo ako kapag nakarating na kayo doon okay?" ani ni Desiree. Natawa sina Azure at sinabing tatawag sila agad. Inaya na nina Loki si Desiree palabas ng unit.

Suot ni Desiree ang coat ni Tiago. Kumaway si Desiree noong nakita na palabas na ng gate ng university ang sasakyan nina Loki.

Noong mawala sa paningin niya ang sasakyan nawalan ng expression si Desiree at tumalikod. Tahimik na tinahak ni Desiree ang daan patungo sa gymn.

Nabasa ni Desiree ang text ng leader ng dance club na sa gymn ang practice nila.

Walang ingay na pumasok si Desiree sa gymn at saktong nandoon ang ilang ka-teammates ni Desiree. Binati nila si Desiree ngunit nagtaka sila matapos sila lampasan ni Desiree at para bang hindi sila nakita.

Nakapako ang tingin ni Desiree kay David kasama ang ilang miyembro ng dance club na mukhang mga baguhan din. May pinagtatawanan itong mukhang original members ng grupo.

Nasa kabilang side ang mga ito kasama ang group leader. Napatigil ang leader ng grupo matapos maaninag niya ang girlfriend ni Loki.

Nagulat sina David matapos tumaob iyong nakakalat na isang upuan matapos sipain iyon ni Desiree at itapon ni Desiree ang bag niya sa sahig.

"Totoo ba David? Pinalitan mo ng sport drinks ang inumin ni Loki?" tanong ni Desiree. Natawa si David at tumayo.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi ko magagawa iyon," ani ni David at lumapit pa kay Desiree.

"Boss, ayan ba iyong ex mo? Chix ah. Ngayon alam ko na bakit galit na galit ka kay Loki. Ang ganda naman talaga," ani ng isa sa mga lalaking nakaupo sa gilid ng stage.

Natawa si David at lumingon. Sinabing magsasawa din si Desiree at babalik sa kaniya.

Napatigil si David at napaatras noong bigla siyang sakalin ni Desiree. Na-shocked ang lahat lalo na noong dumugo ang leeg ni David dahil sa kuko ni Desiree.

"Desiree!"

Hindi maalis ni David ang kamay ni Desiree at hindi siya makagalaw. Hindi siya makahinga at hindi siya makapaniwalang may ganoon na lakas si Desiree.

"Kapag kausap kita humarap ka sa akin at huwag mo ako dededmahin. Tinatanong kita. Ikaw ba ang nagpalit ng drinks ni Loki?" malamig at walang emosyon na sambit ni Desiree.

Napatayo ang mga barkada ni David at lalapitan nito si Desiree nang lumingon ang babae.

"Isang hakbang niyo pa sasama kayo kay David sa morgue," malamig na sambit ni Desiree. Nawalan ng kulay ang mga mukha nito dahil wala sa mukha ni Desiree ang pagbibiro.

"Arghh! O—oo ako ang nagpalit! Hi—- hindi ako makahinga," ani ni David. Bumaon ang kuko ni David sa wrist ni Desiree na may ilang mga sugat dahil sa pagkalmot ni David.

Iaangat ni Desiree ang isang kamay para baliit ang leeg ni David nang may sumalo ng kamay ni Desiree at hilahin si Desiree palayo kay David. Nanlalaki ang mata ni Azure at Tiago matapos makita ang side na iyon ni Desiree.

Aatakihin ni Desiree ang taong humila sa kaniya nang makita niya si Loki na puno ang pag-aalala sa mukha. Nabitin ang kamao ni Desiree sa ere matapos makita ang mukha ni Loki at sa likod ni Loki ay sina Azure na puno ng gulat ang expression.

Kanina noong tinatahak na nila ang daan palayo sa university sinabi ni Loki na may mali kay Desiree. Wala naman napansin sina Tiago at sinabing mukhang ayos lang naman si Desiree.

Sinabi ni Loki na masama ang kutob niya kaya naman inutusan niya si Tiago na ibalik ang sasakyan. Pupunta sila sa school para silipin si Desiree.

Doon nakita nila ang ilang miyembro ng volleyball ang team ang nagtatakbuhan at tumawag ng professor sinabing nababaliw na si Desiree.

"Kumalma ka na ba?" tanong ni Loki na hawak ang isang kamay ni Desiree. Tiningnan ni Loki si David na nakaupo sa sahig at hawak ang leeg. Takot na takot ito sinasabing baliw na si Desiree at halimaw ito.

Inangat ni Loki ang hood ng coat na suot ni Desiree at kinabig ito palapit sa kaniya sinabing kumalma na muna si Desiree kahit kaunti.

Dinala si David sa hospital at pinatawag ang parents ni Desiree. Nandoon ang teammates ni Desiree at ang buong grupo ng dance club.

Sinabi ng mga kabarkada ni David na bigla na lang inatake ni Desiree si David.  Sinabing dapat dinadala sa mental si Desiree at may sakit ito sa pag-iisip.

Hindi naman umiimik si Desiree. Sinabi din ng captain ng volleyball team na hindi lang iyon ang unang beses na may nangyari na ganoon kay David. Binugbog daw ng magkakapatid na Lucero si David last time.

"Anong tunay na nangyari?" tanong ng dean at lumingon sa leader nina Loki. Ito kasi ang mga nandoon noong nangyari iyon at malapit sa insidente bukod sa grupo ni David.

"Tinatanong ni Ms. Ortega ang nangyaring insidente about sa taong nagpalit ng drinks ni Loki which is si David. Inamin niya iyon kanina at before si David sakalin ni Ms. Ortega— naririnig namin na may sinabing hindi maganda ang mga kabarkada ni David kay Ms.Ortega. Hindi pa dumarating kanina sa gymn si Ms. Ortega naririnig na namin sila na kung anu-ano ang sinasabi about sa girlfriend ni Loki na talagang nakaka-offend. May mga recording kami ng kwentuhan ng mga iyan kanina," ani ng leader ng grupo. Pinakita niya ang phone niya. Nagulat ang mga kabarkada nina David.

Kinausap ng mga Rivas ang dean about sa issue na iyon. Mali ang ginawa ni Desiree at dapat hindi ito nagpadalos-dalos. Nanakit ito ng estudyante kaya naman magkakaroon din ito ng punishment. Sa darating na game ay papasok sa game si Desiree sa 3rd and 4th quarter na then suspended ito start sa araw na iyon, after ng game at apat na araw before ang anniversary ng university.

Hopelessly, Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon