31

787 17 0
                                    

Chapter 31
3rd Person's POV
Pagbalik nila ng school sina Loki at Tiago naman ang naging busy dahil sa practice.

Hindi pa din nagpa-fade ang marka sa leeg nina Loki kaya naman noong nakita ito ng mga kagrupo nina Loki nagtatawanan ang mga ito at biniro about doon. Nakisakay na lang sina Loki.

Nakasando kasi 'non sina Loki at pants  kaya naman kitang-kita talaga ang marka ng dalawa tapos nagkataon pa na sa field ang practice.

Hapit na hapit ang leader nila dahil ilang araw na lang before ang pagpe-perform nila.

Wala silang breaktime kung meron ay mga nasa 5 minutes lang. Napamura si Tiago at napaupo na matapos ianunsyo ng leader nila ang 5 minutes break.

"President, wala ba tayong magagamit na room. Mamatay kami sa init dito," reklamo ng isa sa mga kasamahan nila. Binuhusan ni Loki ang sarili ng malamig na tubig  bago tinungkod ang dalawang kamay sa tuhod.

"Gamit ng tatlong grupo ang gymn, club at ang studio. Wala tayong magagamit na room ngayon," sagot ng leader nila. Tanghaling tapat iyon. Nandoon sila sa gitna ng field.

"Bakit dito kayo nagpa-practice?"

Napatigil sina Loki at lumingon. Nakita nila sina Lucky at Destiny. Napatayo si Tiago matapos makita ang dalawa. Napatingin din ang buong grupo.

"Wala kaming room," sagot ni Loki at napakamot sa likod ng ulo. Natawa si Destiny.

"Kapag nakita kayo ni Desiree na ganiyan ang tiyura niyo magwawala iyon. Mukha na kayong mga star fish na natuyo," banat ni Lucky. Napa-what the heck si Tiago.

May hinagis si Destiny kay Loki. Agad na nasalo iyon ni Loki. Nakita nilang susi iyon.

"Gamitin niyo ang green room. 3pm pa naman namin gagamitin iyon. Kapag may nakakita sa inyo at sinita kayo sabihin niyo sinabi ko na gamitin niyo ang room na iyon. Kami na bahala makipag-usap ni Lucky. Huwag niyo lang gagalawin mga gamit namin na nandoon," ani ni Destiny. Lumiwanag ang mukha nina Tiago matapos marinig iyon.

Nagpaalam na sina Lucky sinabing punta pa sila sa next class nila. Nagpasalamat sina Loki.

"Leader! Pinahiram tayo ng mga Ortega ng room!" natutuwa na sambit ni Tiago. Natuwa ang grupo matapos marinig iyon. Malaki ang green room at open space.

"Kailan pa kayo naging close sa kambal na iyon?" tanong ng vice. Tumawa si Loki at sinabing kapatid iyon ni Desiree. Madalas doon sila natutulog sa bahay ng mga Ortega.

Napamura ang mga kasamahan nina Loki. Pahingi daw ng swerte ganiyan ganito. Natawa lang sina Loki. Maganda lang naman kasi ang mga babaeng Ortega ngunit kakaiba ang mga ito.

Dala ni Desiree ang bag niya habang naglalakad patungo sa next class niya kasama ang mga kaklase. Nakita niya si Lucky at Destiny kasama si Fider. Mukhang sinundo ng mga ito si Fider.

"Tapos na klase niyo?" tanong ni Destiny. Sinabi ni Desiree na may next class pa siya. Tinanong ni Desiree kung pauwi na ang mga ito.

"Nope, may aayusin pa kami ni Lucky sa green room. By the way nandoon sina Loki. May utang ka sa amin dalawa," ani ni Lucky at kinindatan pa ang kapatid. Napataas ng kilay si Desiree.

Umalis na ang tatlo. Nagpaalam si Fider. Kumaway lang si Desiree kay Fider— naglakad na paalis si Desiree at tinungo ang next class niya. Napaisip si Desiree kung bakit nasa field kanina sina Loki. Kung wala ba na bakante sa gym.

Matapos ang practice may 30 minutes na break. Binigay iyon na oras ng leader ng grupo nina Loki para kumain ngunit mukhang napagod ang magkapatid na Lucero at nakatulog na.

Sumilip si Desiree. Kumakain ang buong grupo except sa dalawang lalaki na nasa kabilang bahagi ng room na tulog.

Pinapasok siya ng leader sinabing tulog iyong dalawa. Nagpasalamat si Desiree at naglakad papasok sa loob ng room. May dalang paper bag si Desiree na may mga pagkain.

Kanina kasi nag-text si Loki sa kaniya na baka ma-late sila ng uwi. Mauna na umuwi si Desiree.

Bumili siya ng mga pagkain kanina sa baba dahil alam niya na hindi bababa ang dalawa para kumain.

"Kanina pa sila tulog?" tanong ni Desiree at lumingon sa dalawang lalaki na nasa tabi lang din nina Loki na kumakain.

"Kanina lang mga 15 minutes. Pinakakain namin sila ayaw nila. Matutulog lang daw sila saglit," ani ng lalaki. Tiningnan ni Desiree ang wrist watch niya. May 5 minutes na lang siya before mag-start ang next class niya.

Tiningnan niya sina Loki. Tulog pa ang mga ito. Nakaupo si Desiree sa sahig at tinitingnan ang dalawa.

Maya-maya ay hinalikan ni Desiree sa noo si Loki at Tiago. Na-shocked ang mga tao sa loob ngunit walang pakialam si Desiree.

"Kapag nagising sila pakibigay ang mga ito. Pakigising sila 10 minutes before kayo mag-start para makakain sila," ani ni Desiree at kinuha na ang bag niya. Umalis na din si Desiree at nagpasalamat sa team leader nina Loki.

Napakamot sa ulo ang vice  at sinabing wala sila nakita. Siniko niya ang team leader. Umiwas ng tingin ang lalaki at sinabing wala siyang nakita kanina.

After 5 minutes ginising sina Loki ng mga kasamahan. Nagkakamot si Tiago sa ulo ng bumangon at naghikab.

"Sana lahat gwapo pa din kahit  bagong gising."

Tinaas ni Tiago ang gitnang daliri sa mga kagrupo niya na mga nang-aasar na naman.

"Pumunta girlfriend niyo dito. Nagdala ng pagkain. Umalis din agad may klase pa yata," ani ng vice president. Iyon 'yong hawak ni Loki na paper bag nasa tabi kasi iyon ng bag nila ni Tiago.

Kinuha ni Tiago iyong orange juice at burger na nandoon. Bigla siyang nagutom matapos maamoy ang pagkain.

"Meron na lang tayo 10 minutes," anunsyo ng leader nila.

May pumunta doon na teacher sa room at nasita sila ngunit umalis din noong sinabi nina Loki na pinahirap sila ng mga Ortega ng susi.

Noong 3pm na wala na din naman init kinuha na nina Loki ang gamit nila para bumaba. Dumating na din sina Lucky.

"Kapag wala kayong room bakante ang room na ito ng 10am to 3pm hanapin niyo kaming dalawa ni Lucky. Ipahiram namin ito sa inyo," ani ni Destiny. Nagpasalamat sina Tiago. Tumawa si Lucky sinabing huwag na ang mga ito maging formal.

Parang isa na din naman silang pamilya. Pumasok na sina Lucky at Destiny sa room kasama ang ilan pang photographer. Nilinis nina Loki ang room na iyon dahil nakakahiya kina Destiny.

Umalis na sina Loki then sinabi nila sa leader nila. Napabuga ng hangin ang leader nila at sinabing mabuti naman.

"Pres, ano palang nangyari? Sa atin dapat ang club diba? Doon tayo palagi nagpa-practice," tanong ng isa sa mga miyembro habang naglalakad sila palabas ng building.

"Inaagaw ng grupo ni Jordan iyong room sinabing palagi nasa atin ang room na iyon. Ayoko na makipagtalo kaya mga hinayaan ko na," ani ng leader nila. Nahahati sa apat ang dance group ng university kapag may ganoon na event sa loob ng university nila.

Nagiging grupo lang ang mga ito at nagkakaroon ng collab kapag may gaganapin na competetion sa labas ng university.

Nakita na nina Loki ang tatlo pang leader bukod sa president ng dance club which nasa team nila at hindi nina Loki gusto ang mga ito dahil mayayabang.

"Hayaan niyo na atleast may magagamit na tayong room hindi natin kailangan sumayaw sa gitna ng initan katulad kanina," ani ng isa sa mga kagrupo nina Loki. Natawa ang mga ito matapos nga maalala nila na tinawag nina Lucky na mukhang tinuyo na star fish sina Loki.

Napa-pokerface ang dalawa at pabirong sinakal ang mga kasamahan na kanina pa sila inaasar.

Hopelessly, Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon