39

708 11 0
                                    

Chapter 39
3rd Person's POV
Natutulog si Loki sa lilim ng puno sa tambayan nila palagi nina Azure. Mag-isa lang siya doon dahil hindi pumasok si Tiago para samahan ang papa nila habang si Azure nasa klase.

Vacant time iyon at wala naman siyang practice. Dahan-dahan lumapit si Desiree na dala ang bag niya at kasalukuyang ngumunguya ng bubble gum.

Noong makalapit siya kay Loki ay umupo si Desiree sa harapan ni Loki at sinilip ang binata na natutulog.

Na-amaze si Desiree sa mukha ni Loki dahil napakagwapo nito. Si Loki iyong tipo ng lalaki na mikukumpara mo sa mga teenfiction books. Gwapo din naman sina Tiago siyempre pero may kaniya-kaniya ang mga ito na karisma na talaga naman magiging dahilan para magkandarapa dito ang mga babae.

Si Tiago na nerd type dahil sa suot nito na salamin ngunit cool at may pagka-bad boy ang datingan habang si Azure naman ang innocent and cute type with a charm that you can't resist.

Hahawakan ni Desiree ang mukha ni Loki nang masalo ng lalaki ang kamay ni Desiree. Naimulat ni Loki ang mga mata at nakita niya magandang mukha ni Desiree.

"Amoy sigarilyo ka," bulong ni Loki. Natawa si Desiree sinabing akala niya nawala na iyong amoy dahil ngumunguya siya ng bubble gum.

Niluwa ni Desiree ang bubble gum at tinapon kung saan. Umupo ng maayos si Loki at binitawan ang kamay ni Desiree. Sinara nito ang libro na kanina niya ay binabasa niya.

"May iniisip ka ba? Hindi ka naman madalas naninigarilyo," ani ni Loki. Nilapit ni Desiree ang labi sa pisngi ni Loki at sinabing madalas siya naninigarilyo nawala lang iyon noong mag-start ang relationship nila nina Loki.

"Hindi ko alam ang gagawin sa iyo Desiree," ani ni Loki. Napangisi si Desiree. Umupo si Desiree sa mga hita ni Loki at binaba ang bag niya.

"Anong ginagawa mo dito? Wala kang klase?"

Umupo si Desiree sa mga hita ni Loki at yumakap sa katawan ni Loki. In that way she feels warm.

Ikinulong ni Loki si Desiree sa mga braso niya  at hinayaan si Desiree humilig sa dibdib niya.

"Just rest if you are tired. Gisingin na lang kita before mag-start ang klase mo," ani ni Loki. Sinabi din ni Loki na bakante siya ng tatlong oras kaya doon lang siya hanggang sa mamaya.

Naramdaman na lang ni Loki na bahagyang bumigat si Desiree. Natawa ng mahina si Loki. Mukhang nanigarilyo ito kanina dahil pagod at inaantok.

Hinawakan ni Loki ang dulo ng mga hibla ng buhok ni Desiree. Maikli na ang buhok ni Desiree kaya naman kitang-kita ngayon ni Loki ang leeg ni si Desiree. May ilang pulang marka doon na sigurado siya na isa sa mga kapatid niya ang may gawa.

Umihip ang malamig na hangin. Kinuha ni Loki ang coat ng uniform niya at ipinatong iyon sa balikat ni Desiree.

"What?"

"Gusto ko si Loki."

Dumilim ang mukha ni Desiree matapos marinig ang sinabi ng lalaking iyon na para bang laruan lang na hinihingi nito ang boyfriend niya.

Tinapakan ni Desiree ang ulo ng lalaking umatake sa kaniya kanina at nag-start ng gulo.

Pumunta sina Loki da classroom ni Desiree dahil lunch na ay hindi pa nila nakikitang dumadaan ang girlfriend nila.

Napatigil ang tatlo noong galing sa kabilang hallwaya may nakasabayan silang dalawang lalaki na mukhang mga foreigner.

Nagkatinginan silang lima. Nagkahiwalay sila matapos ma-realize na na-stucked sila sa pinto.

"Ang lakas mong loob mong bakla ka na hingiin boyfriend ko!  Ilang buhay ba meron kang hayop ka!"

Napatigil ang lima at tumingin sa loob ng classroom. Maraming estudyante doon ang kasalukuyang mga walang malay. Sa unahan nakita nila si Desiree na nakikipagsabunutan sa lalaki.

"Desiree!"

Napapasok silang lima sa loob. Hinablot ni Loki ang bewang ng girlfriend na nabitawan iyong lalaki kanina na hinablot din noong lalaking nakasabayan nila pagpasok ng pinto.

"Emjay! What are you doing?"

"You idiot! Sinong may sabing hawakan mo ako!"

Hindi makawala ang lalaki sa pagkakahawak sa kaniya ng isa sa kambal. Natulala si Azure.

Magkamukha si Azure at iyong tinatawag ng kambal na Emjay. Kung mas maliit lang katawan ni Azure ng kaunti at medyo mahaba ang buhok ay magkamukha na sila.

"Desiree? Are you okay?" tanong ni Loki at binitawan na ang babae. Umuusok pa din ang ilong ni Desiree.

"Hey, ganiyan ba dapat ang tamang pagtrato sa babae?" tanong ni Loki at umisang hakbang palapit kay Emjay na bahagyang natulala matapos makita ang tatlo.

"Heh! Babae pala iyan?" tanong ni Emjay na parang nang-aasar pa.

"Why? Susuntukin mo ako dahil sinaktan ko ang girlfriend mo?" tanong ng lalaki. Napatigil si Loki noong magkalapit ang mukha nila. Kamukha ni Azure iyong lalaki na nasa harapan niya.

Nagulat ang lahat ng nasa classroom na iyon noong halikan ni Emjay si Loki sa labi. Parang nawalan ng kaluluwa si Desiree matapos makita iyon at na shocked sina Tiago.

"You brat!"

Lilipad ang kamao ni Desiree noong may sumalo 'non at hinablot si Emjay palayo kay Loki. Napa-what the heck si Azure.

"Hayop ka! Lumapit ka ditong bakla ka! Kakalbuhin kita!"

Nagwawala na si Desiree. Hindi na siya natutuwa. Ayos lang si Loki at Tiago— hindi bigdeal kasi magkadugo naman sila pero kapag sa ibang lalaki ibang usapan na iyon.

Pinagtulungan ni Azure at Tiago si Desiree. Napangisi si Emjay matapos makitang nagwawala iyong babae na kaaway niya kanina. Tiningnan niya si Loki na walang reaksyon na pinunasan ang labi niya gamit ang likod ng mga palad.

Napa-pokerface ang lalaki. Unexpected iyon. Dapat ngayon sumisigaw na din ito at galit sa kaniya dahil hinalikan siya nito.

"This is so childish," bulong ni Loki. Napa-what si Emjay.

"Masyado kang isip bata kung iisipin mo mao-offend ako sa ganitong gesture."

Napa-pokerface si Loki. Nagsisigaw si Desiree at minura si Loki.

"Hinalikan ka ng hayop na iyan! Iyan lang sasabihin mo!" sigaw ni Desiree. Napalingon si Loki.

"Kiss lang iyon. Isa pa pareho kaming lalaki. Nagki-kiss din naman kami ni Tiago hindi ba?" tanong ni Loki. Napasapo si Tiago sa noo. May pagka-Azure number 2 din pala ang kapatid niyang iyon. Akala niya si Azure lang stupid sa kanila.

"Oo nga, natural sa foreign country ang kiss," sagot ni Azure. Nakawala si Desiree. Napamura si Loki at Azure habang hawak ang ulo noong suntukin sila ni Desiree.

Natulala iyong tatlo kanina. Hinablot ni Desiree ang kwelyo ng lalaki at madilim ang anyong tinititigan si Emjay.

"Pinalalampas kita dahil kamukha mo ang isa sa mga boyfriend ko pero kapag inulit mo pa ito at hinawakan kahit isang hibla ng buhok nila— dudurugin ko ang mga buto mo sa katawan," malamig na sambit ni Desiree.

Hinila ng isa sa dalawang lalaki si Emjay at tinago sa likod nila ang lalaki na ngayon ay salubong ang kilay habang nakatingin kay Desiree. Nagsusukatan ng tingin ang dalawa.

Hopelessly, Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon