21

862 17 0
                                    

Chapter 21
3rd Person's POV
"Patingin nga ako."

Pinayuko ni Desiree si Loki. Pinabubuka ni Desiree ang bibig ni Loki habang hawak ni Desiree ang panga ng lalaki.

Tatawa-tawa si Azure dahil mukhang hina-harassed ni Desiree si Loki. Nasa loob sila ngayon ng cafeteria at kasalukuyan ngang pinagtitinginan ng mga estudyante.

Dumating din si Tiago maya-maya at may dalang mga pagkain.

"Oh— nandito ka pala honey. Dapat pala dinagdagan ko ang mga binili ko," ani ni Tiago na may hawak na dalawang tray.

Hinihintay ni Azure at Loki si Tiago sa harap ng isang vending machine noong biglang dumating si Desiree.

"Kumain na ako kanina kasabay ko mga ka-teammates ko. Pumunta lang ako dito dahil sinabi nga ni Azure na galing kayo ng clinic. Akala ko napano na si Loki," ani ni Desiree at binitawan si Loki.

"Pinatingin lang namin lalamunan ni Loki pero sabi ng nurse uminom lang ng gamot si Loki magiging ayos din siya," ani ni Tiago. Naghanap sila ng table na mauupuan.

"Hindi ka ba hahanapin ng teammates mo? Naghahapit kayo ngayon malapit na ang game niyo. Next week na ba?" tanong ni Azure. Sinabi ni Desiree na nagpaalam naman siya sa coach niya.

"By the way pupunta kayo sa game ko?" tanong ni Desiree. Agad na sumagot si Azure at sinabing oo.

"Game kaya iyon ng girlfriend namin pupunta kami. Isa pa inaya din kami nina Fider. Sabay-sabay na kami pupunta," ani ni Azure. Inabutan ni Tiago ng fries si Desiree na agad kinuha iyon.

Sinabi ni Desiree na sure siyang sila ang mananalo at mangunguna sa 3rd district. Tumawa si Tiago at sinabihan si Desiree na goodluck.

Before ang actual game pinagpahinga na sila ng coach nila para i-preserve ang energy nila para sa game.

Gamit ng basketball team ang gymn at walang pwedeng pumasok doon para manood. Nakaka-distract daw iyon sa mga players. Pinuntahan ni Desiree si Tiago at Loki sa mini studio sa university nila.

Sumilip si Desiree. May mga babae din na nanonood. Nagulat pa si Desiree dahil nakita niya si David ang ex boyfriend niya na mukhang hinahamon ng gulo sina Loki.

"Anong nangyayari? Nag-aaway na naman ba sila ulit?" tanong ng isa sa mga babaeng estudyante.

Nasa labas ng glasswall si Desiree kasama ang iba pang estudyante. Sound proof ang studio na iyon kaya naman wala siyang naririnig. Nakikita niya lang na pinipigilan nila si Tiago at David.

"Sabi ng boyfriend ko may nagpalit daw ng sports drink sa inumin ni Loki. Allergy si Loki sa sports drink kaya naman kapag bumibili sila ng inumin sa grupo hiwalay ang drinks ni Loki tapos may nagpalit daw ng laman ng drinks ni Loki. Nagkaroon ng sore throat si Loki. Problema iyon sa grupo nila dahil kasalukuyan din silang nagre-record ng music na sasayawin nila. Si Loki ang napili nilang kakanta," ani ng babae. Nagulat si Desiree matapos marinig iyon. Tingin nila ang babae.

"Pinagbibintangan ni Tiago iyong bagong pasok sa team nila?" tanong ng babae. Tumango ang kaibigan nito.

"May nakakita daw. Nagagalit si Tiago dahil kung nagkataon na naparami inom ni Loki at hindi agad nalasahan ni Loki iyong nasa bottle niya baka na-hospital ang kapatid niya."

Sumalubong ang kilay ni Desiree matapos marinig iyon. Nakita ni Desiree na pinaupo ng mukhang leader ng dance group ang tatlo sa magkabilang bahagi ng studio.

Maya-maya nilapitan ng leader si Loki at Tiago mukhang pinalalabas ito ng studio.

Nakatayo lang si Desiree sa labas. Noong bumukas ang pinto tumabi iyong nga babae. Napatigil si Desiree matapos makitang pawisan si Loki.

"Desiree?" ani ni Tiago. Lumapit si Tiago at Loki kay Desiree na nakasandal sa poste. Maraming babae ang napatingin.

Umayos ng tayo si Desiree matapos. Ipatong ni Loki ang ulo sa balikat ni Desiree. Nagulat si Desiree noong maramdaman niya ang mainit na hininga ni Loki sa balikat niya. Hinawakan ni Desiree ang noon ng lalaki.

"Nilalagnat si Loki bakit hindi agad siya nadala sa clinic?" tanong ni Desiree at nilingon si Tiago.

"Pupunta na kami ngayon. Sabi niya kasi kanina kaya niya. Hindi namin siya maiwan ni Azure sa unit dahil— ano—"

Hindi masabi ni Tiago. Hindi na iyon ni Desiree na mapagtuunan ng pansin. Sinabi ni Desiree na wala siyang klase sa araw na iyon. Ihahatid na niya lang si Loki pauwi.

"Eh sure ka?" tanong ni Tiago. Sinabi ni Tiago na tawagan siya kapag may mangyari at hindi na ni Desiree kaya i-handle si Loki.

Napa-ha? Si Desiree. Lumingon si Tiago matapos si Tiago tawagin ng kagrupo niya.

"No, babalik na ako," ani ni Tiago. Lumingon si Tiago kay Desiree kung kaya ni Desiree dalhin si Loki patungo sa parking lot.

"Yes, mukhang kaya pa naman ni Loki maglakad," ani ni Desiree. Nagpaalam na si Tiago.

Siguradong si Desiree na nasa parking lot ang driver niya. Pahatid na lang sila sa unit ng mga Lucero.

Sa unit nina Loki,
Nagse-search si Desiree sa internet ng mga intructions paano magluto ng soup at paano mag-alaga ng may sakit.

Pagkainom kasi ni Loki ng gamot ay nakatulog na agad si Loki at pagkakain. Noong mabasa ni Desiree ang mga instruction at nag-start na siya magluto.

Matapos magluto ni Desiree at sa tingin niya okay na ang lasa sinara niya ang gas stove. Napatigil si Desiree matapos may yumakap sa likod niya at pinasok ang kamay sa uniform niga. Na-shocked si Desiree at lumingon.

Nakita niya si Loki na inaamoy ang leeg niya. Mabilis na humarap si Desiree at bahagyang tinulak si Loki.

"Anong ginagawa mo dito. Gosh, sobrang taas ng lagnat mo," ani ni Desiree at hinawakan ang pisngi ni Loki. Namumula ang mukha ng lalaki at pawisan. Namumungay ang mata nito habang nakatingin sa kaniya.

Mas naging gwapo at literal na hot si Loki sa paningin ni Desiree. Bagsak kasi ang buhok nito dahil sa paglalagay niha ng towel kanina sa noo nito at half naked. Wet look.

Umiling-iling si Desiree. Wala sa tamang pag-iisip si Loki dahil sa lagnat. Kahit papaano may delikadesa pa din siya para palampasin si Loki dahil may sakit ito. Inaaya ni Desiree si Loki na bumalik na sa room.

Napatigil si Desiree matapos siya yakapin sa likod ni Loki noong humakbang si Desiree habang hawak ang kamay ni Loki.

"Let's make a baby."

Nanuyo ang lalamunan ni Desiree at napa-what the fuck lalo na ng ihiga siya ni Loki sa table.

"So hot," bulong ni Loki na ngayon ay nasa pagitan ng mga hita ni Desiree at nakatingin kay Desiree na sinasabing kailangan ni Loki magpahinga.

Init na init si Loki sa nararamdaman. He want to get rid that heat. He want to eat something sweet and cold. Nakatingin si Loki kay Desiree na para bang napakasarap nitong pagkain.

"Stop messing around," bulong ni Desiree na ngayon ay nanunuyo ang lalamunan. Para kasi siyang kakainin ni Loki ng buo base sa pagkakatingin nito.

Hindi niya alam kung matatakot ba siya doon o mae-excite.

Hopelessly, Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon