42

684 14 0
                                    

Chapter 42
3rd Person's POV
"Kinuhanan na namin kayo ng upuan," ani ni Dahlia. Dumating na si River at Jayson. Umupo na ang dalawa. Maya-maya dumating na din si Desiree kasama si Azure at mga kapatid ni Desiree.

Openning, ilang introduction, mga speech then ang mismong event. Nanonood lang sina Desiree at maya-maya ini-anunsyo na ang ipe-perform ng dance club.

"Panghuli sina Loki," ani ni Desiree. Nakanguso ang babae at nag-cross arm. Natawa lang si Azure. Magaling iyong first and 2nd group. Pumalakpak sina Desiree. Noong sa 3rd group na napatigil si Desiree matapos makita ang mga familiar move ng 3rd group.

"Wait parang pamilyar move nila," ani ni Lucky at tiningnan si Desiree na na-shocked.

"Ayan iyong ipi-perform nina Loki ngayong araw. Ginaya nila," ani ni Azure. Napahawak ng mahigpit si Desiree sa railing.

Hinawakan ni Azure si Desiree sa kamay para pakalmahin ito. Bahagyang napatingin si Desiree.

"Magiging ayos lang sina Loki. Remember, magaling sila. Trust them— masosulosyunan nila iyan," ani ni Azure. Nakagat ni Desiree ang gilid ng labi at umayos ng upo.

Kapag pini-perform nila iyon pagtatawanan sila ng maraming tao and worst paalisin sila sa stage.

Tiningnan ni Desiree ang direksyon kung nasaan nakaupo ang leader nina Loki. Nakatingin ito sa stage at nanatiling kalmado.

After 'non ay lumabas na sina Loki— umakyat din sa stage ang leader ng grupo nina Loki. Maraming tao ang naghiyawan matapos makita sina Loki.

May pag-aaalala sa mukha ng mga kagrupo nina Loki. Nakagat ni Desiree ang daliri matapos may mapansin ang expression ng mga ito. Hindi ready ang mga ito.

Lumapiy ang leader  ng grupo sa announcer na nasa stage. Nakita naman ni Desiree na kinakausap nina Loki ang mga kagrupo nila.

"Okay magkakaroon ng kaunting pagbabago. Hintay lang tayo ng mga 1 minutes."

Bumaba sa stage ang president at vice tumungo sa backstage. Naiwan sina Loki at Tiago sa stage.

Hinubad nina Tiago at Loki ang hood nila. Na-shocked si Desiree.

"Mukha silang giggolo," ani ni Desiree na napa-pokerface. Maraming babae ang nag-act na mahihimatay matapos bahagyang lumingon si Tiago at ngumiti.

"Mukha lang nila sapat na para mapunta sa kanila lahat ng atensyon ng audience," ani ni Fider na natatawa. Marami siguradong magrereklamo kapag pinaghintay nag mga audience kaya naman ginamit ng dalawa ang mukha nila.

May ilang grupo ang nanggalaiti matapos makita iyon. Napamura ang isa sa mga ito. Tinanong ang leader nila kung anong gagawin nila. May pinaplano ang grupo nina Loki.

Lumabas na sina Uriel at Vincent. Nagkatinginan ang mga miyembro ng grupo nina Loki.

"Naalala niyo iyong gesture at move na tinuro namin sa inyo ni Loki?" tanong ni Tiago. Napatigil ang mga ito. Iyong don't touch move. Mga laro iyon na naisip nina Loki na tinuro sa kanila last week.

Kailangan nila gayahin iyong mga taong nasa center nila. Sinabi ni Uriel na apat ang center— which is siya, si Vincent, Loki and Tiago. Ganoon pa din ang position ng mga miyembro ngunit papalitan nila ang move ng sayaw which is kailangan nilang gayahin kung sino 'man iyong isa sa mga center ang pupunta sa middle nila.

"Makakaya kaya natin ito. I mean— sa mismong event?" ani ng isa sa mga members.

Tinapik ni Loki ang balikat ng kasamahan at sinabing i-enjoy lang nila ang event. Sa oras na iyon sa kanila ang stage.

Napatigil ang mga kasamahan ni Loki matapos marinig iyon. Naglakad na si Loki paunahan at ginalaw-galaw ang wrist niya.

Pumosisyon na sina Tiago. Lumakas ang mga ingay matapos makita nila sa unahan sina Loki at Tiago.

Nag-start na ang sayaw. Na-shocked ang mga nasa kabilang grupo. Paano kasi may nakahanda ang mga ito na ipe-perform sa mismong event.

"Si Tiago at Loki lang ang may alam ng step. Nadadala nila ng mabuti ang ibang members," ani ni Phoebe na nakahalumbaba.

Hindi napapansin ng mga audience ang distance ng pagsayaw ng bawat miyembro dahil lahat ay nakapako ang tingin kina Loki at Tiago.

"Halimaw ang president at vice ng dance club," komento ni Adonis na natatawa.

"Hindi nila alam ang step na ginagawa nina Loki at Tiago pero nagagaya nila iyon sa loob ng 5 seconds like hindi napapansin na ginagaya lang ng mga ito ang move nina Loki. Pinagbabasehan lang ng mga ito iyong tiyempo at beat," dagdag ni Adonis. Natawa si Phoebe dahil sa akala niya siya lang nakapansin.

Noong nasa kalagitnaan na sila. Nagulat sina Tiago matapos may umakyat na pusa sa stage. Napatayo si Desiree matapos makitang nagbago ang  expression nina Loki.

Anong ginagawa ng itim na pusa doon. Maibababa ni Tiago ang kamay nang sumigaw si Desiree. Ginawa nina Tiago lahat para sa event na iyon. Gusto ng mga ito ang pagsasayaw.

Nakikita ni Loki ang ina niya sa paligid. Maraming babae ang mahabang buhok at lahat ang mga ito nakatingin sa kaniya.

"Loki! Tiago!"

Napatigil sandali ang dalawa at napatingin sa direksyon ni Desiree. Nandoon lahat sila sina Azure, River, Jayson at ang buong pamilya ng mga Ortega.

"Galingan niyo brother in law!"

Nakatayo si Desiree at nakatingin sa kanila. Umilap ang mga mata nina Loki at Tiago. Nagpatuloy sila sa pagsasayaw. Inalis ang atensyon sa maraming tao at pinako ang tingin nila sa kaisa-isang babae hindi kumukurap o inaalis ang tingin sa mga mata nila.

Noong matapos ang sayaw. Tumalon si Desiree mula sa itaas ng railing at tumungo sa ibaba ng stage.

Nagulat ang lahat matapos biglang suntukin ni Desiree ang ex niya na siyang nagbato ng pusa sa stage at umagaw ng step ng grupo nina Loki.

"That's my girl," bulong ni Paris at natutuwa pa itong pumalakpak matapos makita ang ginawa ng anak.

Nagkagulo doon dahil sumugod din doon sina Lucky, sina Ceres at sina Phinea.

"Pipigilan ba natin sila?" tanong ni Adonis. Nag-cross arm si Jasper sinabing madadamay lang sila kapag pumagitna sila. Hindi nagpapapigil sina Ceres. Tiningnan ni River sina Paris at napasapo sa noo ngunit in some reason he feels relieved. Kung wala sila may mga tao ng poprotekta sa mga anak niya.

Nakita niya na bumaba sina Loki at hinablot ang bewang ni Desiree na hawak pa din sa buhok ang ex niya.

Binuhusan nina Ceres ng juice ang grupo ma iyon at pinagsisipa nina Phinea.

Hopelessly, Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon