40

743 13 0
                                    

Chapter 40
3rd Person's POV
"Hey it's hurt!"

Halos mabura na ang labi ni Loki dahil sa ginagawang pagpunas ni Desiree sa labi niya. Hindi nasa-satisfy si Desiree kaya naman sa harap ng maraming tao ay hinalikan ni Loki si Desiree. Na-shocked si Desiree. Noong magkahiwalay ang labi nila natatawang sinabi ni Loki na hindi maalis ng kiss lang na iyon ang idea na kay Desiree na siya.

"Stop being upset because of a freaking kiss specially sa lalaki. Ilang beses na kami nag-kiss ni Tiago. Then sa isang play sa dating university namin nahalikan ko na din si Azure."

Napasapo si Tiago sa noo. Sinabing iba sila ni Azure magkakapatid sila. Natural lang na magalit si Desiree kung mag babae o kahit guy pa na humalik sa kanila.

"No! This is not about who the person you kissed with or where are you from. This is about my feelings!

"Naiintindihan ko na lumaki kayo sa foreign country at pagbati lang sa inyo ang kiss. Hindi sa iyo big deal dahil straight ka or what— but for me! That something you can't do in every person you meet! I'm your girlfriend you idiot," umuusok ang ilong na sambit ni Desiree. Natatawa lang sina Loki. Ang cute ni Desiree habang nagagalit. Nakaupo si Desiree sa table habang nakaupo si Loki sa upuan sa harapan ni Desiree. Pinisil ni Desiree ang dalawang pisngi ni Loki dahil sa inis.

Akala ni Desiree na iyon ang last. Wala kasing ginawa ang lalaki na iyon kung hindi lapitan si Loki. Na-wary na din sina Tiago at Azure dahil dinaig pa ng lalaki ang ahas.

"Hey stop harassed him!" sigaw ni Azure at nilalayo ang mukha ng lalaki kay Loki.

Nakatingin lang naman si Loki sa mga kapatid. Nahawakan ni Loki ang baba habanh nakatingin kay Emjay na nakikipagbardagulan kina Tiago.

Loki feel something different from Emjay. Hindi niya ma-explain ng maayos since hindi niya alam kung dahil ba iyon sa kamukha nito si Azure o may iba pa na rason.

Tiningnan ni Loki iyong dalawang guy na laging nakabuntot kay Emjay. Masama ang timpla ng mukha nito habang nakatingin kina Tiago at Emjay.

Sumasakit ang ulo ni Loki dahil sa gulo nila tapos dumating si Desiree. Hinarangan na ng dalawa si Desiree. Sinabing aalis na sila doon. Sinasaktan kasi ni Desiree si Emjay. Hindi naman gaano pero nandoon pa din iyong idea na mag-aaway ang dalawa.

"Dapat kanina niyo pa ginawa! Tumabi kayo diyan. Namumuro na sa akin ang alaga niyo," pikon na sambit ni Desiree. Napatigil si Desiree matapos may nakita siyang something sa loob ng uniform ng isa sa dalawang magkapatid.

Isa iyong tattoo. Bukas kasi ang tatlong butones ng uniform ng lalaki kaya naaninag niya ang malapad na dibdib ng lalaki.

Napatigil ang lalaki matapos habluyin ni Desiree ang kwelyo niya at bubuksan nito ang uniform ng lalaki nang may humawak sa kamay ni Desiree.

Napatigil si Tiago at Azure noong biglang nawala sa harap nila si Emjay.

"What? You freaking touch my man? Bawal iyong sa iyo?" tanong ni Desiree at ngumisi.

"Pipigilan ba natin sila?" tanong ni Loki. Katabi niya ang mga kapatid pati iyong dalawang lalaki kanina. Nag-alisan na ang mga tao sa cafeteria.

Nasa sulok silang lima at pinanonood si Desiree at Emjay na nagbabatuhan ng upuan.

"Titigil din naman siguro sila kapag napagod."

Humila na lang sila doon ng upuan at napagpasyahan na kumain na lang habang may nagliliparang mga pagkain at upuan.

Noong matapos nga ang dalawa para naman itong mga aso na hinaharangan ang mga buto nila.

Nagsusukatan ang tingin ng dalawa. Sa tingin ni Loki hindi naman talaga sa kaniya interesado si Emjay. Hindi lang talaga niya maintindihan kung bakit lapit ito ng lapit sa kanila.

"Hindi pa tayo tapos you bitch!"

Inilabas ni Emjay ang dila at hinila iyong dalawang lalaki paalis doon. Nag-bell na kasi at simula na ang last subject nila.

"Desiree, aware ka naman siguro na hindi sa akin interesado ang lalaki na iyon romantically," ani ni Loki. Tinaas ni Desiree ang kamao at nanggigigil na nagsalita.

"Pero iyong hawakan ka at harrass-sin sina Tiago sapat na para isipin ko na maniac siya," sagot ni Desiree. Napabuga ng hangin si Loki sa idea na imposible talaga ang peace and katahimikan sa pagitan ng taong pareho ng temperament at personality.

Lumingon si Desiree kay Loki at Tiago. Sinabing dapat nagpapahinga ang mga ito dahil bukas na ang event.

"Ilang araw na kami nagpapahinga. Ready na kami bukas," ani ni Tiago na may ngiti sa labi. Bumuga ng hangin si Desiree at nagkibit-balikat. Mukhang mas relax ngayon sina Loki.

Nag-practice ulit sina Tiago at Loki before matapos ang klase para sa event bukas. Ginanap iyon sa gymn.

"Loki, Tiago— pwede ko ba kayo makausap?"

Napalingon sina Tiago na kasalukuyang  umiinom ng tubig. Lumingon sila sa president nila which is si Uriel.

Umalis sila sa pwesto ay lumapit sila sa president nila. Tinanong ni Uriel kung handa na ba ang dalawa.

"Hindi namin alam kung para saan iyon ngunit wala kaming balak i-turn down ka president," ani ni Loki. Lumambot ang expression ni Uriel at sinabing that's good.

Isa sa mga kagrupo ni Uriel ang lumingon sa side nina Loki kung saan mukhang nag-uusap ang mga ito about sa event.

"Hindi talaga ako komportable sa contact lence," ani ni Tiago matapos bumaba ng sasakyan kasunod si Loki at Azure.

"Hindi ba masyadong daring ang outfit niyo?" ani ni Azure. Napalingon ang dalawa. Binago din nina Loki ang hairstyle nila para sa event na iyon. Pinakulayan ni Loki ang buhok ng itim at binagsak iyon.

"Hindi ba bagay?"

Ngumiwi si Azure. Dapat niya ba sabihin na nag-aalala siyang baka bigla na lang may manghila sa kapatid niya at gawan ng masama?

Marami na agad bisita. Agad pansin sina Tiago kaya sinuot ng mga ito ang hood at sinabing pupunta sila sa studio.

"Ikaw na sumalubong kina daddy, tito at kina Desiree. Baka hindi na kami bumaba mamaya," ani ni Loki. Nagpaalam na si Azure sa mga kapatid. Pinagdadasal ni Azure na sana maging ayos lang ang mga kapatid. Masyadong maraming tao mamaya— wala pang-isang buwan noong ma-trigger ang anxiety ng mga ito.

Hopelessly, Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon