49

902 20 0
                                    

Chapter 49
3rd Person's POV
"Pumunta ka talaga dito? Hindi ako nanaginip diba?" ani ni Tiago. Hinila niya ang pisngi ni Desiree. Tinabig ni Desiree ang kamay ni Tiago. Sinabing pumunta siya doon para iproklama ang official break up nila.

Naka-cross arm si Desiree at inismiran si Tiago. Natatawa sinabi ni Tiago na hindi totoo iyon. Pwede naman kasi hintayin sila para doon.

Hinalik-halikan ni Tiago si Desiree sa pisngi at nag-sorry.

Napa-pokerface si Emjay at bumulong ng marupok. Natatawang pinatong ni Loki ang kamay sa ulo ni Emjay at Azure.

"Ano namis niyo din kaya pumunta kayo dito?" tanong ni Loki. Sumagot ng No si Azure sinabing sinaman niya lang si Desiree. Sumagot si Emjay ng yes at niyakap si Loki.

"Hey! Dapat ba lagi mong yayakapin si Loki!"

Nagtulakan ng mukha iyong dalawa natawa na lang si Loki matapos makita ang mga kapatid.

"Kamusta?"

Nakipag-bomb fist siya kina Ayano at Aiki. Sinabi ni Ayano na busy sila sa part time job at sa practice. Kinuha agad ni Jackson sina Ayano at Aiki matapos malaman na gusto nga ng mga ito mag-work sa shop niya. Nag-aaral sina Ayano at nagpa-practice.

Siningit lang nila ang pagpunta doon dahil worried siya kina Emjay. Isa pa mukhang gusto din ni Emjay sumama para makita sina Loki kay naman sumama na din sila at sila na unang nagyaya kay Emjay na sumama nga sila kina Desiree.

Alam nila hindi sasama si Emjay nang hindi sila kasama ni Ayano.

"Kamusta ang competition?" tanong ni Aiki. Ngumisi si Loki at sinabi na mahigpit ang laban. Magagaling ang mga kalahok.

Pinagtitinginan na sila doon. Tinawag ni Loki si Tiago. Napaayos ng tayo ang binata doon napansin ni Tiago na nass labas pa din sila at pinagtitinginan. Napatikhim si Tiago at bahagyang lumayo kay Desiree.

"How about pumunta tayo sa vacant room at mag usap-usap."

Hawak ni Tiago ang kamay ni Desiree. Pinagsiklop ni Desiree ang kamay nila ni Tiago. Actually, alam niya naman na hindi totoo iyong about sa girlfriend— pumunta lang siya talaga siya doon dahil sa idea na maaring may mga mga langaw na umaaligid sa mga boyfriend niya.

Naniningkit ang mata ni Desiree na tiningnan si Loki habang naglalakad. Hindi 'man lang siya nito niyakap at hinalikan kanina.

Nasa likuran nila si Loki na ngayon ay nakikipagtawanan sa mga kapatid. Noong nakarating sila sa vacant room.

Pagkasara ni Ayano ng pinto. Napamura si Loki matapos siya sipain ni Desiree sa tuhod. Mahina lang namam iyon pero naiirita talaga si Desiree.

"Kinahihiya mo ba ako! Hindi mo ako kiniss at niyakap!"

Nagmamaktol si Desiree. Lumayo si Tiago at nagtago sa likod ni Emjay. Bumulong pa si Tiago ng karma.

"Ah kasi—"

"Huwag mo ako hahawakan at yayakapin! Puputulin ko iyang kamay mo! Bwisit! Bumayahe kami ng halos siyam na oras tapos ganiyan iaakto mo sa akin! Bwisit ka Loki Lucero!"

Naglakad palayo si Desiree at sinipa iyong upuan. Bumulong si Azure na walang matinong tulog si Desiree.

"Tinapos niya iyong exam niya para sa sem na ito, then sunod-sunod ang practice nila.  Kinuha niya na din iyong mga activity na gagawin niya for this month para makasunod dito. For sure pagod iyan," ani ni Azure. Napakamot si Loki.

"I think maiwan na muna namin kayo," ani ni Ayano. Tumingin si Emjay at sinabing pagod siya gusto niya umupo.

"Piggy back? Sakay ka sa likod ko?" ani ni Ayano. Tumikhim si Emjay.

"By the way gusto ko makita ang buong school."

Sumampa siya sa likod ni Ayano at niyakap ang leeg ni Ayano. Natatawang binuksan ni Aiki ang pinto at sinabing pupunta sila sa cafeteria.

"Mukha kang pagkain, Aiki," komento ni Emjay habang naglalakad sila palayo sa kwarto.

"Goal ko ngayon ubusin pera mo young master," sagot ni Aiki. Tumawa si Emjay at sinabing kahit buong cafeteria pa ang bilhin ni Aiki at isama pa ang school imposible na maubos ang pera niya.

May business si Emjay. Hindi niya kailangan ng pera ng mga Lucero at Kiri. Kaya niyang i-provide ang mga pangangailangan nina Ayano at Aiki gamit iyon.

Nilingon niya si Aiki. Siyempre wala doon alam ang kambal. Napahagikhik si Emjay sa idea na ginagamit nina Ayano at Aiki ang pera na mismong pinaghirapan niya. Sugar daddy siya nina Ayano at Aiki.

Kalaunan sa vancant room,
Inaatake na naman si Desiree ng mood wings niya. Maliit lang na bagay iyon kung tutuusin pero dahil nga nabadtrip na siya at may tatlo siyang boyfriend na literal na masakit sa ulo ewan na lang kung hindi siya abutin ng pagkatopak. Tiningnan ni Desiree sina Loki. Nakahanay iyong tatlo sa unahan at parang mga tuta na nakatingin sa kaniya. Napasapo si Desiree sa noo. Paano ba naman niya magagawang magalit ng todo kung may ganito siyang mukha ng mga boyfriend.

"Lumapit kayong tatlo dito."

Lumiwanag ang mukha nina Loki at agad na lumapit sa girlfriend nila. Humila ang mga ito ng upuan at pumalibot kay Desiree. Humilig si Loki sa hita ni Desiree at sinabing namis nila ang babae.

"Tigilan niyo pambobola sa akin," ani ni Desiree. Niyakap ni Tiago ang babae at hinalikan sa pisngi si Desiree.

"Namis ka namin. Hindi mo kami kinontak ng halos tatlong araw!"

She feels warm. Bigla siyang inantok. Naririnig niya ang boses ni Azure ngunit  hindi niya na ito napagtuunan ng pansin dahil sa sobrang antok niya.

Napangiti si Azure na hawak ang kamay ni Desiree matapos makitang nakatulog ang babae. Uncomfortable ang posisyon nito kasi nakalingkis silang tatlo pero hindi kay Desiree. Mas komportable ito sa bisig nilang tatlo magkakapatid.

"I think— isuot na natin ito sa kaniya before siya atakihin ulit ng topak pagkagising," ani ni Loki na natatawa. May nilabas si Loki na maliit na kahon. Pinakita iyon ni Loki kina Tiago.

"Ayan iyong nabili niyong singsing?" tanong ni Azure. Kahat ng ipon nilang tatlo ay pinaggawa nila ng singsing. Sobrang mahal ng singsing na iyon para sa kanilang mga estudyante pa lang which is they don't mind dahil para iyon sa babaeng mahal nila.

Tiningnan nila si Desiree na mahimbing pa din ang tulog. Almost 2 months din nila pinag-isipan ang disenyo ng singsing na iyon.

Hinawakan nilang tatlo iyon ni Azure at sinuot sa daliri ni Desiree. Natawa si Loki ng mahina.

"Hindi na ako makapaghintay na makita ang reaksyon niya kapag nakita ang singsing," bulong ni Loki at hinawakan ang pisngi ng babae.

"Heh! Pustahan tayo magiging first expression niya mainis siya. Hindi natin iyan nilagay ng hindi siya gising," ani ni Azure. Ngumisi si Tiago at nilingon si Azure na nakatungkod ang isang siko sa table at nakatingin kay Desiree.

"If i know gustong-gusto mo din nakikitang napu-frustrate si Desiree," ani ni Tiago. Natawa si Azure at sinabing huwag maingay.

Favorite expression nila iyon nina Loki not until sipain na sila ni Desiree dahil sa galit. Siyempre ayaw nila iyong side ni Desiree na masyadong bayolente.

Sure na sila. Si Desiree na ang pakakasalan nila. Tinitigan nila si Desiree na kasalukuyang mahimbing ang tulog.

Hopelessly, Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon