28

818 21 1
                                    

Chapter 28
3rd Person's POV
"Kung kaya niyo magpalit ng apat na phase every 8 minutes gawin niyo para mabilisan ang bawi. Hindi na natin maaring hayaan dumagdag ang score nila," ani ni Desiree at tumayo malapit sa net.

Nagkatinginan ang mga players na nasa likod ni Desiree. Sinabi ng mga ito na iyon ang gagawin nila. Walang maaring pumalit sa mga players nila na nasa gitna. Nakakapagod iyon para sa lahat ngunit kung magpapalitan-palitan sila maganda iyong chance para makapagpahinga pa iyong iba sa loob ng 8 minutes.

Hindi din ng mga kalaban mababasa ang galaw nila. Nag-start na ulit ang game. Sa kalababan ang bola.

Noong umatake na ang kalaban agad na tumakbo si Desiree. Na-shocked ang lahat matapos matamaan ni Desiree ang bola at walang nakasalo 'non dahil lahat nagulat. Paano kasi nalaman ni Desiree na hindi ang number 22 ang hahampas ng bola.

Naghiyawan ang mga ka-schoolmates ni Desiree. Noong makababa si Desiree ngumiti ng matamis si Desiree at sinabing nagi-start na ang tunay na game.


Hindi hinahayaan ni Desiree maka-score ang mga kalaban. Nanggagalaiti ang mga nasa kabilang team. Nabawi ang score sa 3rd quarter at bago mag 4th quarter ay tie na ang dalawang team.

Pawisan si Desiree. Agad niya kinuha iyong ipit ni Loki na lagi niyang dala at nasa wrist niya. Itinali niya iyon sa mahaba niyang buhok at tumayo na after gumawa ng signal ang coach niya na tumungo na sila sa gitna.

"Except kay Desiree nagpapalitan ang mga player sa team ni Desiree. Magiging okay lang kaya siya?" ani ni Tiago. Ngumuwi si Azure.

"Hindi naman siguro si Desiree mababaldado after ng game hindi ba?" tanong ni Loki. Paano ba naman kasi sa opensa at depensa na kay Desiree. Sinasalo niya ang kalahati sa pressure ng team.

"Flexible ang katawan at stamina ni Desiree. Na handle nga niya tayong tatlo," ani ni Azure na nakahalumbaba. Napaubo si Jayson matapos marinig ang boses ng anak. Tatawa-tawa lang naman si River matapos batukan ni Loki si Azure.

Nagawa nina Desiree manalo. 2 points ang pagitan. After ng game hindi na ng mga player nagawang mag-celebrate o gumalaw pa except kay Desiree  na parang nag-jogging lang ito.

"Gosh, nakakatayo ka pa after ng game. Anong klaseng katawan at stamina meron ka," ani ng vice captain. Nakita niya si Desiree na may hawak na phone, nakatayo at umiinom ng tubig.

Sa isip ni Desiree hindi sasakit ang katawan niya sa ganoon na klase ng game at to the point na mae-exhausted siya kung may tatlo siyang boyfriend na araw-araw pinu-push ang katawan niya sa limitation.

May mga estudyante ang lumapit sa kanila at agad sila kino-congrats. May mga gwapo na guy galing sa ibang school ang sinubukan sila i-entertain at ayain sa date. Marami sa players ang pumayag.

Natwa ang ilang players matapos makita na nakatingin ang mga guy na iyon kay Desiree na hindi 'man lang sila tinapunan ng tingjn at nanatiling nakapako ang tingin sa phone.

Malas ng mga ito may boyfriend na si Desiree at iba ang level ng mga kagwapuhan ng mga ito.

"Honey, kanina ka pa? Sorry ngayon lang kami. Ang daming tao sa labas nahirapan kamo pumasok."

Dumating si Tiago na binaba ang suot na hood. Natutuwa naman na kinuha ni Azure mga gamit ni Desiree.

Lumapit din si Loki na winawagayway ang phone niya kung saan nakikita ang name ni Desiree na tumatawag.

"Kanina pa ako naghihintay dito ang tagal niyo," reklamo ni Desiree. Lumingon si Desiree sa mga kasamahan at sinabing mauuna na siya.

"Congrats pala," ani ni Loki. Ngumiti lang mga ka-teammates ni Desiree. Kumaway si Azure at nag-congrats din.

"Hindi ka sasama para mag-celebrate?" tanong ng vice captain. Sinabi ni Desiree na next time na lang.

"Kasama ko ngayon parents ko at mga in-laws. Gusto ko sila makita," ani ni Desiree. Tumawa ang mga babae at nag-thank you. Kung wala talaga si Desiree imposible na manalo sila sa game na iyon.

Tumalikod na si Desiree. Naglalakad n sila paalis sa waiting area. Hinila-hila ni Desiree ang coat ni Loki. Napatingin si Loki.

"Masakit na ang paa ko. Kargahin mo ako," ani ni Desiree at huminto. Binuka niya ang mga braso matapos humarap kay Loki. Natawa sina Tiago at kinuhanan pa ni Azure si Desiree ng litrato.

Natawa si Loki. Paano ba naman makakatanggi si Loki. Inabot niya ang gamit niya kay Tiago na agad naman kinuha ng kapatid. Binuhat nga niya si Desiree na agad pinulupot ang braso sa leeg ni Desiree.

Habang naglalakad pinagtitinginan sila doon at maraming tao ang kinukuhanan ng litrato ang apat specially si Desiree na agad nakatulog pagkasampa na pagkasampa nita kay Loki. Nakahilig si Desiree sa balikat ni Loki habang naglalakad naman si Loki palabas ng gymn.

Natawa sina Paris matapos makita ang anak nila na buhat na ni Loki at agad nga na nakatulog. Naglalakad ang tatlong lalaki palapit sa kanila habang buhat ni Loki ang girlfriend.

Nagpasyahan nila mag-celebrate sa isang hotel. Nirentahan ang isang palapag at rooftop na may pool area.

"Mauna na kayo sa taas gisingin lang namin si Desiree," ani ni Tiago. Kausap niya sina Fider at Adonis kasama ang mga girlfriend nila.

Noong makaalis sina Adonis. Binuksan ni Tiago at Azure ang pinto. Nakita nila si Loki na mukhang binihisan na si Desiree at napunasan na din.

"Desiree! Wake up! Hinihintay ka nila sa rooftop. Hindi pwedeng wala ka," ani ni Azure at sumampa sa kama. Ginising-gising ni Azure ang girlfriend niya.

Dinutdot ni Tiago ang noo ni Desiree. Napangisi si Azure matapos may maisip na kalokohan.

"Azure, anong nangyari sa mukha mo?" tanong ni Adonis. May marka kasi ng palad sa mukha ni Azure. Tatawa-tawa lang sina Loki.

May teeth mark naman si Desiree sa leeg na kasalukuyan pa din umuusok ang ilong.

"Kinagat ni Azure si Desiree ayan nasapak," sagot ni Tiago na tatawa-tawa.  Natawa sina Fider at pabirong kino-comfort si Azure.

Nilingon ni River ang asawa na biglang tumingin sa kabilang direksyon habang umiinom ng beer at nakaakbay sa kaniya.

"Mag-ama nga kayo."

Naaalala niya ilang beses din siya kinagat ng asawa lalo na may mga time na hindi siya agad nagigising.

"Lagyan mo iyan nito," ani ni Desiree. May hinagis na can ng softdrinks si Desiree kay Azure na agad naman nasalo ng binata. Kailangan lang ni Azure idikit iyon sa pisngi niya para mawala ang pamumula.

Agad naman lumiwanag ang mukha ni Azure. Akala niya galit si Desiree. Para naman aso na sinundan-sundan ni Azure ang girlfriend at pinuluputan ito.

"Kamusta pala iyong grupo niyo Loki. Malapit na anniversary ng university. Magpe-perform kayo hindi ba? Ayos na problema niyo sa recording?" tanong ni Fider. Napatingin si Jasper na kinuha ang inabot sa kaniya ni Adonis na can ng softdrinks.

"Anong nangyari?" tanong ni Jasper. Sinabi ni Fider iyong about sa sore throat ni Loki. Kakanta kasi si Loki.

"Naayos naman iyon kaso iyon almost 2 days yata kami na-late ng uwi dahil doon. Akala ko mawawalan na ako ng boses after 'non," ani ni Loki. Biniro ni Fider si Loki at sinabing dapat si Tiago pinakanta.

"Ako ba inaasar mo Fider? Gwapo lang ako pero iyong boses ko—"

"Panakot lang ng mga tupa," dagdag ni Adonis. Pabirong sinipa ni Tiago si Adonis. Nagtawanan ang sila.

"Tangna niyo. Pinagtutulungan niyo ba ako?" tanong ni Tiago. Sumabat si Azure at sinabing unique ang talent ni Tiago sa music. Tipo ng talent na dapat tinatago.

Nagkakagulo ang boys sa kabilang bahagi ng pool at nagtutulakan papunta ng pool. Nakatingin lang naman sina Desiree at sina Ceres sa mga boyfriend nila na parang mga bata na nagre-wrestling.

Nahulog si Jasper sa pool. Tawa ng tawa si Fider. Ginawa ni Jasper hinawakan ang paa ni Fider at hinila. Kumapit si Fider kay Adonis hanggang sa mahulog na lahat ng lalaki sa pool kasama sina Azure na dapat tatakbo.

"Mukhang nage-enjoy sila ah. Kapag ang mga lalaki talaga nagkasama-sama nakakalimutan nilang may mga girlfriend sila," ani ni Phoebe. Nag-cross arm si Ceres at tinanong si Phoebe kung hindi pa ba sila nasanay.

Hopelessly, Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon