20

962 19 0
                                    

Chapter 20
3rd Person's POV
Malapit na ang laban ng volleyball team sa 3rd district. Busy ang buong university sa preparation at siyempre kasama sila doon.

"May gusto kang idagdag na info about sa iyo sis bukod sa masyado kang head over heels sa magkakapatid na Lucero?" tanong ni Lucky. Napa-pokerface si Desiree at tinaas ang gitnang daliri. Inaasar na naman siya ng mga kapatid niya. Ayaw niya kasi magpa-interview o kumausap ng mga nasa journalism club like alam niya na para sa school iyon ngunit ayaw niya. Lalo na kung may mga tanong ito about sa family background niya, status at sa opinion niya about sa team. Mahirap na masyado pa naman pasmado ang bibig niya.

Nag-start na ang practice. Unang sumalang si Desiree kasama ang iba pa niyang ka-team. Kalaban nila ang team ng captain ng team nila.

"May problema ba kayo ni captain?"

Napatingin si Desiree sa kagrupo niya. Sinabi ng babae na kanina pa masama ang tingin ng captain nila kay Desiree. Nagkibit-balikat si Desiree. Alam niya kasi wala naman siyang ginawa para i-offend ang captain nila.

Nag-start ang game. Nagulat si Desiree matapos siya patamaan ng captain ng bola. Full force kaya naman umiwas si Desiree.

Lumingon si Desiree sa captain. Iniikot mg captain nila ang wrist at sinabing hindi bato ang tinapon niya para iwasan ni Desiree.

Hindi siya ready. Napa-pokerface si Desiree dahil alam ng captain nila na sa angle na iyon mahihirapan siya hampasin ang bola.

Isa lang ibig sabihin 'non gusto ng captain nila ng one on one. Tiningnan ni Desiree ang kasamahan at sinabing magpalit sila ng pwesto.

Sa kabilang bahagi ng gymn nakaupo si Azure sa bench at umiinom ng tubig. Nakapako ang tingin niya kay Desiree na nakikipag-one on one sa captain nila.

"Hmm, kung alam lang namin na mangyayari ito hindi sana kami masyadong naging hard kay Desiree," bulong ni Azure. Halata naman na wala sa natural poisture ang katawan ni Desiree.

Pero sa huli nanalo pa din si Desiree ngunit mas pawisan ito at pagod. Sumakit na naman kasi ang balakang ni Desiree.

Naggitgit ang captain. Sinabi ni Desiree na palitan na muna siya. Umalis si Desiree sa gitna, naglakad patungo sa bench at kumuha ng tubig. Naubos niya ang tubig niya. Nawawala din ang towel niya. Napamura si Desiree.

Lumingon si Desiree sa kabilang side ng gymn. Nakita niya si Azure. May tinataas itong plastic bottle. Kaunti lang ang bawas 'non.

Umikot si Desiree sa kabilang side at lumapit kay Azure na may hawak na bote. Tumbler iyon— kinuha iyon ni Desiree at walang salitang uminom ng tubig.

May inabot din si Azure na towel at hindi niya gamit iyon. Kinuha iyon ni Desiree at pinunasan ang sarili.

Nakatingin lahat ng teammates ni Azure kay Azure na nakapako ang tingin kay Desiree na nasa harapan ni Azure at patuloy sa pag-inom ng tubig.

"Azure, hindi pa tapos ang practice mo?"

Dumating sina Loki. Napatingin si Desiree at si Azure. Nadaanan ni Tiago si Fider at nakipag-bomb fist dito.

"30 minutes pa pero mukhang hindi na ako makakasalang ngayong oras— hindi pa tapos ang team," sagot ni Azure. Naghihintay na lang siya doon.

"Basang-basa ka— wala ka bang ipit?" tanong ni Loki at hinawakan ang buhok ni Desiree. Nakatayo si Loki sa likuran ni Desiree.

"Nakalimutan ko," sagot ni Desiree na pinupunasan ang pisngi gamit ang towel. Hinila ni Loki ang ipit na nakatali sa bangs niya. Makaking harang kasi iyon sa mukha niya at paningin kaya lagi niyang iniipitan iyon.

Inipitan ni Loki si Desiree. Inipon niya muna ang buhok ni Desiree at itinali iyon. Napa-pokerface si Loki dahil mukhang mas mahirap pa sa isip niya ang pagtatali ng buhok ng babae.

Nagtatawa si Lucky na kinuhanan ng litrato si Desiree na napapalibutan ng tatlo at iniipitan ni Loki. Maganda din kasi na content iyon.

"Anong feeling ng tatlo ang boyfriend?" ani ni Lucky na natatawa habang hawak ang camera.

Hindi umalis sina Azure sa gymn kahit pagkatapos ng practice nila. Hinintay nila si Desiree kahit pa hindi nila ito makakasama sa pag-uwi.

Sinabi ni Desiree na pwede na umuwi iyong tatlo dahil alam niya na pagod din ang tatlo dahil sa practice ngunit sinabi ng mga ito na ayos lang sila.

Walang kasama si Desiree pabalik dahil nauna na umuwi si Fider at sina Lucky. Susunduin naman si Desiree ni Adonis ngunit wala kasama si Desiree palabas.

6pm natapos din ang practice. Matapos magbihis ni Desiree at kuhanin ang mga gamit niya lumabas na siya ng locker room. Tinahak ang daan paalis a locker area at nilapitan sina Loki na kanina pa naghihintay sa kaniya.

Inakbayan ni Loki si Desiree at tinanong kung ayos lang ba ang balakang ni Desiree. Siniko ni Desiree si Loki na tatawa-tawa lang.

Sa kalayuan nakatingin ang captain ng volleyball team. Naka-pokerface ang babae habang nakatingin sa apat.

After ni Desiree mag-dinner at mag-shower sinubukan niya kontakin ang tatlo. Hindi ang mga ito nasagot. Napataas ng kilay si Desiree.

"Tulog na ba agad sila?" tanong ni Desiree. Umupo si Desiree sa gilid ng kama at tinapon ang phone niya sa gitna ng kama. Pinatutuyo niya ngayon ang buhok gamit ang hair blower.

Lumipas ang ilang oras mga 3pm nagising si Desiree matapos tumunog ang phone niya na nasa gilid lang ng kama. Inaantok na dinampot niya iyon at nakita niya ang name ni Tiago. Agad niya iyon ini-open.

"Goodmorning honey," bati ni Tiago na natatawa. Bumangon si Desiree at kinusot-kusot ang mata. Hinintay niya tumawag ang tatlo at mukhang nakatulog siya. Before kasi siya matulog kapag umuuwi siya sa kanila tumatawag ang tatlo para i-check siya.

"Ngayon lang kayo tumawag. Saan kayo galing?" tanong ni Desiree at naghikab. Ini-open ni Tiago ang camera. Nasa kusina sila. Parang nagising naman ang diwa ni Desiree matapos makita si Loki— tanging boxer lang ang suot at may nakapatong na apron sa hubad nitong katawan. Nakahilig naman si Azure sa table at natutulog. Hinampas ni Loki si Azure ng sandok sa ulo at sinabing maluluto na ang pagkain.

"Nakatulog kami pagdating. Sa pagod na din siguro. Ngayon pa lang kami kakain ng dinmer," ani ni Tiago na natatawa at hinarap sa kaniya ang camera.

"Naistorbo ko ba tulog mo? Nakita ko kasi name mo sa screen," ani ni Tiago. Sinabi ni Desiree na gising na siya at hindi inaantok. Tumawa si Tiago at sinabing alam niya.

Kumikislap kasi ang mata ni Desiree habang nakatingin sa dibdib niya.

"Azure, wake up. Gising si Desiree," tawag ni Tiago sa kapatid na nakasubsob sa table. Para naman pumalakpak ang tenga ni Azure matapos marinig ang name ng babae. Napaangat ng tingin si Azure. Hinarap ni Tiago ang screen kay Azure.

"Fairy!"

Natatawa si Desiree na kumaway. Kinuha ni Azure ang phone kay Tiago na binigay naman agad sa kapatid. Hindi siya magaling makipag-usap at mas nakakapag-get along si Azure at Desiree. Parehong makulit at sakit sa ulo.

Napaubo si Loki. Napatingin si Tiago at tinanong si Loki kung ayos lang ito.

"Sore throat."

Hopelessly, Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon