07

1K 18 0
                                    

Chapter 07
3rd Person's POV
"Kyaah Loki!  Ang pogi mo!"

Maraming miyembro ng dance club ang nagrereklamo dahil sa dami ng babae na nanonood sa kanila at sobrang ingay. Pinatay ng president nila ang speaker.

"Don't tell me nadi-distract kayo sa mga nanonood? Pang-tatlong taon niyo na ito sa grupo at sa pagkakaalam ko si Loki at Tiago lang ang mg baguhan dito," ani ng president. Limang beses kasi nagkamali ang mga miyembro sa iisang part at naiirita siya doon. Tama na iyong nagkamali ng isa o dalawang beses pero iyong pumangatlo pa ang mga ito umiinit na ulo niya.

"President, ang ingay kasi tapos practice lang ito diba. Bakit ang daming tao dito," ani ng isa sa mga lalaki. Inalis ni Tiago ang suot na earpods at tingin si Loki.

"Anong meron?" tanong ni Tiago. Siniko ito ni Loki at minura

"Kapag nakita ka ni president siguradong tatanggalin niya iyang tenga mo," ani ni Loki. Hindi siya makapaniwalang nagawa pa ni Tiago makinig ng music habang sumasayaw.

"And? Hindi ba kapag nasa stage kayo pinanonood din kayo?" tanong ng president. Sinabi ng mga ito atleast hindi nila naririnig ang pangalan ni Loki at Tiago.

"Sabihin niyo naiinggit lang kayo dahil hindi pangalan niyo ang sinisigaw ng mga chix na iyan," biro ng vice president. Nagreklamuhan ang mga miyembro at sinabing nakakasakit ang vice president nila.

"Biro lang iyon pagod na kami president pahinga naman kahit 5 minutes!"

Nakatingin lang sina Loki sa mga kagrupo nila. Nag-aya ang mga ito pumunta ng cafeteria.

After nila mag-transfer sa university na iyon sumali sila sa dance club at sinuswerteng napili sila agad bilang representative ng university na iyon para sa dance competition.

Kasalukuyan may walong miyembro ang dance group na tinatawag na blackhoarse.

"Oy Loki, Tiago tara na," ani ng mga ka-teamates nila. Sinabi nina Loki na doon na lang sila. Hindi sila gutom ngunit kinadkad siya ng mga ito.

"Mga baguhan kayo ngunit hindi kayo pwede masanay na masyadong wary sa amin. Grupo tayo dito— isa pa. Panghila din kayo ng chix alam niyo iyon," ano ng vice captain nila na may pangalan na Vincent. Nakaakbay ito kay Loki— agad siya nabatukan ng president at sinabing tigilan ang mga bago.

"Oo nga huwag mo na harass-in sina Loki," ani ng isa sa mga ka-teamates nila at hinila sina Loki.

"Putangna ng mga ito ah. Gusto niyo mag-push up hanggang 100?" tanong ni Vincent. Habang naglalakad ang ingay nguniy paunti-unti ay nasasanay na si Loki since palagi silang ganoon.

Hindi katulad sa dating grupo nila masasabi ni Loki na solid ang dance group na iyon at hindi ang mga ito pakitang tao like sa stage lang ang samahan ng mga ito.

"Si president manlilibre!"

Ingay nila sa cafeteria. Maya-maya pumasok ang varsity team. Nagtatawanan ang mga ito kasama sina Azure at Fider.

"Oy Loki," tawag ni Fider. Napalingon sina Fider. Kumaway si Azure.

"Whoa, may mga barkada ka sa varsity team?" tanong ni Uriel ang president nila.

"Si Fider— nasa team na din iyon iyong kapatid namin ni Tiago," ani ni Loki. Naghanap ng mauupuan sina Azure. Maraming babae ang impit na mga nagtilian dahil nga nandoon ang mga kilalang heartrob ng buong campus.

"Grr! Huwag niyo nga ako kulitin sinabi ko na ayoko hindi ba?"

Pumasok ang magkakapatid na Ortega. Napatigil si Lucky, Destiny at Desiree matapos makita ang mga lalaking napatingin sa kanila.

"Bakit kayo nakatingin? Ngayon lang kayo nakakita ng maganda?" tanong ni Desiree at naglakad papasok sa loob— humagalpak ng tawa si Destiny kasunod si Lucky.

"Hindi ko pa din maiwasan matulala kapag nakakasalubong ko ang isa sa mga Ortega," ani ng isa sa mga kagrupo nina Tiago. Umupo sila malapit sa vending machine at nasa iisang table lang sila.

"Hanggang tingin ka na lang sa mga iyan. Siguradong wala ka sa kalibre ng mga iyan," ani ng president nila. Tahimik lang naman si Loki at Tiago. Binuksan ni Loki ang  can ng softdrinks na hawak niya at sumimsim doon. Ibaba niya iyon ng may biglang humablot doon at kasama iyong sandwitch ni Tiago na nakagatan niya na.

"Salamat sa pagkain."

Napatigil ang buong grupo at lumingon sa mga babaeng dumaan sa likuran nina Loki. Tumingin si Loki at Tiago. Si Desiree ang kumuha ng inumin ni Loki at pagkain ni Tiago.

"Sabi mo hindi ka gutom bakit mo inagawan ng pagkain sina Loki?"

"Iyong chocobar ko," reklamo ni Azure at napasubsob sa table. Natawa si Fider at sinabing bumili na lang ulit si Azure.

"Tangna mo Loki. Patahimik-tahimik kayo pero kilala kayo ng mga Ortega. Sabihin niyo sino girlfriend niyo sa mga iyon," ani ni Uriel at pabirong sinakal si Tiago na napangiwi.

"Wala kaming girlfriend! Aray president— leeg ko!"

Bumili na lang ulit sina Loki ng makakain nila at inumin. After 5 minutes bumalik na din sila sa auditorium para mag-practice ulit.


Sa gymansium nahahati ang practice area ng varsity team at ng volleyball team.

Sa kabilang team si Desiree na naka-sando at fit na short. Habang umiinom ng tubig nakatitig si Azure kay Desiree na kasalukuyan nakatingin sa bola at net.

Maliit na babae si Desiree, balingkinitan ang katawan at may magandang mukha. Kahit sinong lalaki hindi mare-resist ang gandang meron si Desiree— huwag lang siguro ito magsasalita. May sumiko kay Desiree kaya napatingin ito.

"Kanina ka pa tinititigan noong isa sa gwapong guy ng varsity team," ani ng isa sa mga ka-teamates ni Desiree na parang kinikilig.

"Girl, kanina pa nakatingin dito si Azure mukhang tinitingnan ka."

Halos magkaharapan lang si Desiree at Cynthia. Tumingin si Cynthia at nakita nga niyang nakatingin sa kanila si Azure.

"Feeling nito. Si Desiree kaya tinitingnan," bulong ng katabi ni Desiree. Wala naman balak tumingin si Desiree pero dahil si Azure nga ang sinasabing nakatingin sa kanila.

Lumingon siya. Nagtama ang mata nila. Napaubo si Azure at agad na tumalikod. Napatingin si Fider na nagpupunas ng mukha at nasa likuran ni Azure.

"Ano nabulunan ka sa tubig?" tanong ni Fider at lumapit kay Azure na patuloy sa pag-ubo.

"Anong nangyari?" tanong ng captain ng varsity team na napatigil sa pag-shoot ng bola sa ring.

"Nabigla lang ako," ani ni Azure. Palihim na napangisi si Desiree— siya nga tinitingnan ni Azure kanina.

Napatingin si Fider sa side nila. Ngumiti si Desiree ng matamis at binati si Fider.

Ngumiti lang din si Fider. Parang tanga na hinila-hila ng kasamahan nito ang braso ni Desiree at sinabing ang daming fafa na kilala ni Desiree.

"Baka pwede mo naman ako ipakilala kahit kay Fider lang," ani ng babae. Ngumiwi si Desiree.

"Gusto mo kalbuhin ako ng kapatid ko. Brother in law ko na iyan," ani ni Desiree na ang tinutukoy ay si Fider na mukhang inaasar si Azure. May idea na kasi si Fider bakit nasamid si Azure at kung kanino ito nakatitig kanina pa.

Hopelessly, Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon